KC Concepcion talks about her "wonderful life" and the people close to her

Aug 12, 2008
"I feel blessed to have a family that I have. Siguro a lot of the things na meron ako ngayon, o mga pinaghirapan ko ngayon o binibigyan ko ng sipag, or you know something that I worked on hard... I can say na I have what I always wanted to have. So, kung anuman merong dumating, sobrang blessing," says KC Concepcion.


Humarap si KC Concepcion para sa isang tell-all interview kay Boy Abunda sa The Buzz last Sunday, August 10.

"Nawi-weewee [naiihi] ako sa nerbiyos ngayon!" natatawang bungad ni KC suot ang isang black gray sleeveless blouse with matching black Italian shoes by Marne.

Unang tanong ni Boy kay KC kung sa palagay niya ay nasa kanya na ang lahat.

"Usually kasi, Tito Boy, parang kung ano yung wala ka, yun ang gusto mo. Yun ang gusto mong malaman kung ano'ng meron doon. I feel blessed to have a family that I have. Siguro a lot of the things na meron ako ngayon, o mga pinaghirapan ko ngayon o binibigyan ko ng sipag, or you know something that I worked on hard... I can say na I have what I always wanted to have. So, kung anuman merong dumating, sobrang blessing," pahayag ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Anumang meron daw siya ngayon ay hindi niya ganun kadaling nakuha.

Continue reading below ↓

"Double, triple, five times, ten times more pressure yung nararamdaman ko ngayon. Five times more pressure pa yung nararamdaman ko ngayon. Like for example, napanood ko yung VTR ng lola ko [Elaine Cuneta] nung sinabi niya na sana mas mabigyan ako ngayon nung katulad kay Sharon!" tawa niya.

Dagdag niya, "Thirty years niya [her mom] lahat pinaghirapan ‘yon. First time ko pa lang ngayon, Tito Boy, and nakaka-pressure talaga."

How hard does she work?

"I think I'm working pretty hard. I like the work. I love the work. I don't like it, I love it."

Gaano siya katindi magmahal.

"How hard do I love? Or how hard do I fall?" sabay tawa ulit ni KC.

"How hard do you fall? I fall very hard. I'm in deep crap. I got into trouble. Ah, mahilig kasi akong magmahal, e," pag-amin ni KC.

Umiyak na ba siya sa kanyang buhay dahil she wanted something so badly, pero hindi niya nakuha?

Continue reading below ↓

"Dati gusto kong mag-Ang TV, pero... Yun ang pinaka-first dream ko nung bata ako," natatawang sabi ni KC tungkol sa defunct youth-oriented show ng ABS-CBN.

Kabilang si KC sa maituturing na showbiz royalty, having the Megastar as her mom, a matinee idol as biological father, and a senator as stepfather. Gusto ba niya ito?

"No, not at all," sagot niya. "Yung buhay ko naman kasi, parang pelikula. Siyempre may malulungkot side, na nakakainis na side that comes with it. Pero more than anything, it's a wonderful life."

TWO MEN IN KC'S LIFE. Nagpahayag din si KC tungkol sa dalawang lalaking malapit sa puso niya—ang kanyang biological father na si Gabby Concepcion at ang stepfather niya na si Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

"I don't have... Yung love, unconditional ‘yon. Papa ko siya [Gabby]. Kahit anong mangyari, kahit 13 years kaming hindi nagkita, papa ko siya. So, I love him because he's my father.

Continue reading below ↓

"Si Papa kasi, nabigyan siya ng pagkakataon na parang kaming lahat, parang ako na pinapanood ng tao through the years, yung lahat ng pinagdadaanan niya. So, nakita siya from binata talaga na typical na lalaki na siguro masasabi n'yong maraming chicks or something.

"Ngayon, na-meet ko na rin yung wife niya, si Tita [Ginbee Yatco], and yung sister ko sa kanya. Sobrang laki ng ipinagbago niya sa stay niya sa States and talagang umasenso rin siya dun. So, maganda yung parang nakita ko yung maturity bilang lalaki sa kanya. Naiintindihan ko bilang anak niya, and also bilang babae, na malaki na talaga ang ipinagbago ni Papa.

"And then si Dad [Kiko] naman, sobrang committed siya sa lahat ng ginagawa niya, and yung desisyon niya, pinag-iisipan niyang mabuti," paglalarawan ni KC tungkol sa dalawa niyang ama.

Kinumusta rin ni Boy kay KC si Senator Kiko bilang ama.

"He's a very good father," sabi ni KC. "He spends time with his family, with the kids. He has a lot of ano, advice to give. Yun naman yung talagang nakita ko kung ano yung meaning ng... Naghahatid-sundo rin, kasi siya yung nagsusundo sa school sa akin dati.

Continue reading below ↓

"At saka hindi rin madali for anyone na, siyempre, nung pinakasalan niya yung mom ko, may anak na 11 years old, so alam kong hindi yun madali para sa isang lalaki. Malaking bagay sa akin yun and I'm very thankful na siya mismo ang nagturo sa akin kung ano ang pagmamahal. Kasi parang hindi nga madali. And the more I get older, the more na nare-realize ko na yung capacity niya para magmahal, sobra."

THE MEGASTAR'S DAUGHTER. Napag-usapan din ang tungkol sa kanyang ina at aminado si KC na sobra ang pressure sa kanya na people expect na mapantayan niya ang mga na-achieve ng Megastar kung hindi man mahigitan.

"There will always be one Sharon Cuneta. I look up to her and siya yung inspirasyon ko talaga all the time. Ang dami kong natututunan from her. And sana, kung anuman yung mabibigay ko right now, sana ma-accept ng tao, magustuhan ng tao, and sana maging open sila na maibahagi ko sa kanila kung anuman yung natutunan ko sa kanya," pahayag ni KC, na sumusubok na rin ngayon sa larangan ng pag-arte.

Continue reading below ↓

THE RING. Maramdamin namang ikinuwento ni KC ang tungkol sa singsing na nagsilbing pendant sa suot-suot niyang necklace noong hapon na ‘yon sa The Buzz.

"Isang gabi, actually morning, na biglang may pumasok sa kuwarto ko. Natutulog ako that time and akala ko panaginip, parang may nagsasalita na something like ganyan-ganyan-ganyan. ‘Kahit ano'ng mangyari, itago mo ‘yan, huwag mong wawalain.' And then, biglang narinig ko, sumara na ang pinto.

"Pagkagising ko, akala ko talaga panaginip lang. ‘Pag tingin ko sa kamay ko, nandun na yung ring. When I looked inside, it's an important ring from the past, pero it's the reason here why I'm here. It reminds me na kahit paano sa pelikula, kahit papaano, meant ako na nandito ako ngayon. And it's a wedding ring ng mom at papa [Sharon and Gabby] nung 1984," saad ni KC kasunod ang hindi na niya napigilang pag-iyak.

Sa kabila nito, biglang naalala pa rin ni KC ang kanyang dad na si Sen. Pangilinan.

Continue reading below ↓

"Dad, I love you. Penge ring wedding ring ninyo [ni Mom] para dalawa. Para kasali ka rin," birong seryoso ni KC.

PREMIERE NIGHT. Naitanong din kay KC ni Boy kung darating ba talaga ang kanyang Papa, Mom, at Dad sa premiere night ng For The First Time, ang first movie niya katambal sa Richard Gutierrez mula sa Star Cinema Productions, sa August 26 at ipalalabas kinabukasan.

"Nag-aabang kayo, ‘no?" nakangiti niyang sagot. "Ako rin, nag-aabang. Well, sana. Pero kung hindi, siguro may rason din kung bakit hindi nangyari. Siguro maganda, privately muna kami magkita-kita. Abangan na lang po natin."

KC'S "TATAY." Bukod kina Gabby at Kiko, may isa pang nagsilbing ama kay KC for eleven years. At yun ay ang kanyang yumaong grandfather na si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta, na tinatawag niya na "Tatay."

"Nanonood siya ng PBA sa bahay and ‘pag nakikita niya akong pumapasok sa kuwarto—actually, pinipilit lang ‘ata siya ng lola ko—pero pinapatay niya yung TV para panoorin akong kumanta. ‘Tapos ‘ayan, meron siyang tiyani na gusto niya every each hair na matatanggal ko sa chin niya, may barya," kuwento niya.

Continue reading below ↓

MESSAGES. Sa huli ay nagbigay si KC ng mensahe sa lahat ng mga mahal niya sa buhay.

For her Papa (Gabby Concepcion): "I love you, I love you Pa. Ang cute-cute ng baby sister ko. Thank you for visiting me in Tagaytay. I always love you."

For her Dad (Kiko Pangilinan}: "Dad, for 13 years na naging anak mo ako at naging dad kita, thank you. Sa lahat ng natutunan ko, thank you. Thank you for the unconditional love."

For her Mita (Elaine Cuneta): "Mita, dahil po sa kanya nandito ako ngayon. Gustung-gusto na niya na mag-artista ako. Pero galit na galit si Mama dati. Mita, salamat sa training mo. Hawak-hawak ko yung mga brush mo ‘tsaka mga rollers mo, ‘yan ang mike ko dati. Ngayon, Mita, o, tunay na!"

For her Tatay (Mayor Pablo Cuneta): "I'm living my dreams and sana maging proud din siya sa akin siyempre, and kung anuman yung binibigay sa inyo ni Mom na pagmamahal and ang daming achievements, sana ma-equal ko ‘yon. Sana maging proud siya. Dahil at least. naging kumpleto ang pamilya ko.

Continue reading below ↓
For her Mom (Sharon Cuneta): "I will not be here without you. Everything that I do it's because you inspire me. Ikaw talaga ang gusto kong mapanood all the time and you are who you are. I just look up to you. You have done so much and by example have taught me a lot. Sana kung ano ang namana ko sa iyo, sana maganda ang kalabasan."
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I feel blessed to have a family that I have. Siguro a lot of the things na meron ako ngayon, o mga pinaghirapan ko ngayon o binibigyan ko ng sipag, or you know something that I worked on hard... I can say na I have what I always wanted to have. So, kung anuman merong dumating, sobrang blessing," says KC Concepcion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results