John Prats confident on his chances with Shaina Magdayao

IMAGE 0


"Uhm, bilang tao si Shaina kilala ko siya. ‘Tsaka ako, kasi yungtaong hindi ako nai-insecure. Hindi ako nai-insecure kahit sa trabaho, kahit salahat wala akong ano, wala akong kinaiinsekyuran. Kumbaga, confident ako aslong as wala akong pinapakitang masama sa mga tao at pinapakitang masama kayShaina, ano yung dapat kong ikatakot?" says John Prats about his chances withShaina Magdayao.



Umamin na si John Prats sa tunay na estado ng relasyon nilani Shaina Magdayao sa presscon ng Loving You (directed by DonCuaresma) sa Imperial Palace in Timog Ave., Quezon City, last Friday, August 1.Dahil dito, nalinaw ang tsismis na nagkakalabuan na sila ng younger sister niVina Morales.

"We're happy, wala namang ganun," diin ni John.

"Ang amin lang kasi, ang weird lang sa amin kasi yun nga,hindi kami naghahanap ng ibang ka-date and we're exclusively dating. Exclusiveako na siya ang dini-date ko, exclusive na ako ang dini-date niya. And alamnaman niya na love ko siya, e, hindi ko dine-deny."

Love din kaya siya ni Shaina?

"Ako naman sa nararamdaman ko, oo naman."

Paano siya na-in love kay Shaina?

"Si Shaina naman kasi caring talaga and I've known hersince. Eight to nine years na kaming magkakilala as friends and friends sila niCamille [Prats], ng sister ko. ‘Tapos ngayon bihira kaming magkatsikahan ngayondahil iba ang work namin ngayon. So, pagkatapos ng ASAP or ‘pag maytime, dumadalaw ako sa bahay nila. So, ganun. Ganun pa lang ang pagkikitanamin. ‘Tsaka kasi mas lamang yung friendship kesa yung tratuhan namin sa isa'tisa."

MUTUAL UNDERSTANDING. Hindi ba siya nagwo-worry nabaka mawala ang friendship nila pagkatapos niyang magtapat ng real intentionsniya for Shaina?

"Hindi ako natatakot, kasi ayoko naman dumating ang panahonna baka wala akong masabi sa kanya."

Masasabi ba niya na may mutual understanding na sila niShaina?

"Siguro naman kasi exclusively dating kami. ‘Tsaka lahatnaman ‘ata ng tao, alam kung ano yung pag sinabi yung friends lang at more thanfriends."

Nasabihan na niya si Shaina ng, ‘I love you'?

"Ang hirap sabihin noon. Pero nasabi ko naman sa kanya yun."

Ano ang sagot sa kanya?

"Hindi pa siya sumasagot," sabay tawa ni John. "Pangit namankung 'same to you.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Willing ba siyang maghintay kay Shaina?

"Siyempre naman. Nakapaghintay na ako ng ganito katagal, e.Actually yung sa akin kasi wala naman na akong hinahanap na iba. Kumbaga,napagdaan ko na yung days na, you know, na nag-date ako ng nag-date. Nag-tryakong mag-date and mag-explore. Now, parang masarap lang kasi mas ang focus mongayon sa career.

"Mas alam ko na. Steady lang ako, balance lang ako. Hindiako yung, kasi ‘pag bata ka lalo na sa lalaki, like yung sinasabi ni Paul [PoloRavales, co-star niya sa Loving You] na mas matagal mag-mature anglalaki? Totoo yun.

"Kasi dumating ako sa time na parang I was trying to provesomething to myself na kailangan marami kang tsiks, kailangan ganun. But now,nasa point na nandyan siya at alam niyang nandito lang ako para sa kanya, ah,masayang-masaya na ako doon."

Ano ang mga nabago sa buhay niya nung dumating si Shaina?

"Mas naging steady, ‘tsaka yung, hindi na ako naghahanp ngiba. Dati kasi ‘pag nagdi-date ka lang, parang okey na ‘yon. Basta date ka langnang date, okey na yun. First time kong ma-experience yung exclusively dating,na you know, I'm exclusively dating her na siya lang."

Since exclusively dating na sila, hindi na puwedengtumanggap ng ibang manliligaw?

"Hindi naman. Ako lang naman kasi, ewan ko sa kanya, ha.Pero so far naman si Shaina hindi ganung klaseng tao."

BLAMED. Sinisi rin ang pagkaka-link ni John kayShaina sa pagkakasira ng love team ng dalaga with Rayver Cruz.

"Ano naman ang sinira ko? Ang akin lang naman, never konaman sinira dahil never naman akong nagpainterbyu para sabihin na kami na niShaina o gawing love team kami. Kung ako lang, kung puwede sana itago ito pararespeto lang...and I want to keep things privately with her. Ayoko lang sanangmagsalita kasi ayaw kong ma-misinterpret ng ibang tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Chummy ba sila ni Rayver o nagpaplastikan lang?

"Oo, magkaibigan kami. Kasi gentleman's rule yun, e. Sigurokung naging sila ni Shaina ‘tapos nanligaw ako, foul yun. Pero kung wala naman,single naman si Shaina."

PAIRED WITH JAKE. After Rayver, kay Jake Cuenca namanipi-pair si Shaina.

"Trabaho yun, e. ‘Tsaka si Jake, okey din naman."

Paano kung ligawan ni Jake si Shaina?

"Uhm...sa tingin ko nasa pag-iisip na lang ng mga tao yun. Akokasi I've known kasi Shaina for the longest time."

Secured na ba siya kay Shaina?

"Secured ako sa pagkatao niya."

What about kay Jake? Nakakasiguro ba siya sa aktor na hindimai-in love kay Shaina?

"Ah, si Jake kaibigan ko."

Sabi nila sa pag-ibig daw walang kai-kaibigan.

"Ah, talaga? Ah, na kay Shaina naman lahat, e. Basta akomasaya ako and no one can stop me."

CONFIDENT JOHN. Basa ng ilan, confident na si Johnkay Shaina.

"Uhm, bilang tao si Shaina kilala ko siya. ‘Tsaka ako, kasi yungtaong hindi ako nai-insecure. Hindi ako nai-insecure kahit sa trabaho, kahit salahat wala akong ano, wala akong kinaiinsekyuran. Kumbaga, confident ako aslong as wala akong pinapakitang masama sa mga tao at pinapakitang masama kayShaina, ano yung dapat kong ikatakot?"

Ilang buwan na ba sila ni Shaina?

"Nung nag-start ako manligaw sa kanya, last year, e. Alam kolast year. Basta wala kaming date, e. Hindi kami nakapagbilang."

Wala silang anniversary?

"Wala, well, basta nag-start ‘yan nung ano, e, after Lovespelldoon kami naging close ni Shaina."

Close friend ni John si Luis Manzano na balitang kasintahanni Angel Locsin. Nagkaroon ba ng chance na nag-foursome sila ng date ni Luiswith Angel at kasama naman niya si Shaina?

"Never, kasi never pa kaming nakalabas ni Shaina. Wala pa'ngpagkakataon na nakalabas kami ni Shaina."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano sila naging exclusively dating?

"Sa bahay niya. That's how I respect her family."

Hindi sila nanonood ng sine?

"Nakapanood kami once pero matagal na. Kasama ko sina NikkiGil, nung time na ano, pelikula ni Will Smith? Yung mahirap lang sila? Pursuitof Happiness.

"Kaya hindi kami nakakapag-double date ni Luis. Ang ano langnamin, ang tambay lang talaga namin ni Shaina like after ASAP '08, yunsila. Pero hindi namin nakakasama si Angel. Kami lang nina Luis, Nikki, si Iya[Villania], nagpa-Fridays kami bago umuwi. Lunch lang after ASAP. Kasi‘pag ASAP hindi kami nakakapag-lunch."

Gaano niya kamahal si Shaina?

"Well, obviously nakakapaghintay ako and, ah...kuntento na ako,e. Well, wala akong masabi sa ngayon, wala akong makita talaga e. Sobra akonghappy and kuntento."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN