Jean Garcia enjoys the company of young people

by Julie E. Bonifacio
Aug 12, 2008
"Alam mo sa totoo lang, kahit hindi mag-boyfriend, nakakatuwang kasama ang mga bagets. Like my daughter, si Jennica. She's 18 pero nagkakasundo kami, lumalabas kami. We go out. Masarap kasama ang mga bata. Babata ka rin kasi masaya sila sa buhay, fun to be with. Yung malakas pa sila, yung hyper pa," says Jean Garcia.

Nag-react kaagad ang aktres na si Jean Garcia sa isyu na nakitulog siya sa bahay ng young actor na si Jake Cuenca nang tanungin siya tungkol dito sa presscon ng bago niyang pelikula mula sa Studiomax and distributed by Regal Entertainment, ang Loving You.

"Nakitulog ako? May bahay naman ako, bakit ako makikitulog sa may bahay ng may bahay? Aminin mo ‘yan, ha? I don't know. E, kasi naman dito, makita lang na nagkasalubong, nag-date na!" himutok ni Jean nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Bakit nagkaroon ng tsismis sa kanila ni Jake?

Kuwento niya, "Nagkasalubong kami sa Starbucks. Nagkabatian lang ‘tapos sasabihin nag-date na. Pero matagal na yun, early this year pa 'ata yun o last year pa. Lumabas lang kami dahil nag-birthday yung kaibigan ko not from show business. We went out. Nagpunta kami sa Embassy.

"'Tapos sa dance floor, kumbaga nakita lang ako ni Jake. E, magkakakilala kami kasi nagkatrabaho kami sa Majika before. So, bumati lang siya. Pero tsika-tsika lang. Basta yun lang ang nare-remember ko na nakasama ko si Jake, and that's it. Hindi ko pa siya kasama, kumbaga nandun din siya sa Embassy. So, it's not true. Naku, kawawa naman si Jake," pag-aalala ni Jean.

Continue reading below ↓

Libre naman daw si Jake ngayon dahil walang nababalitang girlfriend ang young actor.

"Ganun? Is he free? Okay," ang nasagot lang ni Jean.

Pero libre ba si Jean?

"Yeah, very much. Very much talaga, sorry."

Hiwalay na ba sila ng nali-link sa Polo Ravales?

"Bakit naging kami ba?" balik-tanong ni Jean. "Sweet lang naman kami ni Paul [tawag ni Jean kay Polo] ever since."

Ano ang tawag niya sa relasyon nila ni Polo?

"Friends, barkada, parang ganun."

Hindi ba siya na-offend sa tsismis na nakitulog siya sa bahay ni Jake?

"Hindi, kasi it's not true naman, di ba? Why? Ang haba ng hair [ko], huh! Aminin mo, Jake Cuenca is Jake Cuenca."

"BAGETS KILLER." Mas bata ang mga nali-link ngayon sa aktres kaya napagkakamalan siyang bagets killer.

"Hindi ako bagets killer, huh!" tanggi ni Jean.

Pero walang duda na lapitin si Jean ng mga lalaking mas bata sa kanya.

"Hindi ko alam," aniya. "Malapit sila sa akin, ano ang gagawin ko? May choice ba ako? Siyempre hindi naman ako ang mag-aano, di ba? Hindi ako nag-aano sa lalaki ever since, ha."

Continue reading below ↓

Sino ang mas masarap magmahal, ang mas bata sa kanya o yung mas mature?

"Alam mo sa totoo lang, kahit hindi mag-boyfriend, nakakatuwang kasama ang mga bagets. Like my daughter, si Jennica. She's 18 pero nagkakasundo kami, lumalabas kami. We go out. Masarap kasama ang mga bata. Babata ka rin kasi masaya sila sa buhay, fun to be with. Yung malakas pa sila, yung hyper pa.

"In fairness, masarap kasama ang mga bata. Si Jennica nae-enjoy ko siya, e. Maski ‘pag kuwentuhan lang, kunwari nagma-malling kami, ganun lang kami. Naglalakad kami, ang harut-harot naming dalawa. Kasi sasabihin niya yung crush niya, ‘Ma, ano ba?' ‘Tapos nagkukuwento siya nung mga nangyari sa kanya sa taping. Ang sarap kayang kasama ang mga bagets!"

Kaya siya nag-e-enjoy kay Polo?

"Masarap naman talagang kasama si Paul, in fairness."

LIKE MOTHER, LIKE DAUGHTER. Puring-puri naman ng mga direktor ang panganay na anak ni Jean na si Jennica Garcia dahil sa husay nito sa pag-arte.

Continue reading below ↓

"Proud na proud ako. Proud nga ako kay Jen, e. ‘Tsaka gusto talaga niya yung ginagawa niya."

Matatanggap ba niya na mas magaling pa sa kanya si Jennica?

"Oo, dapat lang. Kasi hindi lang naman si Jen. Yung generation ngayon, ang gagaling. Iba ang mga artista ngayon ‘tsaka mga mature. At alam nila ang gusto nila. Kami noon, itutuloy pa ng magulang or hindi, may influence pa ng ano, pero sila hindi, e. They know what they want and do what they want. Very professional sila at ang gagaling, ha. Hindi mo kailangan turuan."

ANOTHER CHILD? Bukod sa panganay niyang si Jennica, may bunso pa siyang anak na lalaki, si Kotaro. Si Jennica ay anak ni Jean sa dating aktor na si Jigo Garcia at si Kotaro naman ay anak ng aktres sa Japanese boyfriend niya noon. Puwede pa ba siyang mag-anak ng isa pa?

"Puwede pa," sagot ni Jake. "Gusto nga ni Jennica...nag-away nga sila ni Kotaro. Gusto nila babae at lalaki. Gusto ni Kotaro lalaki, gusto ni Jennica babae. So, sabi ni Jennica, ‘Sige na nga, para hindi na lang tayo mag-away, kambal na lang, twins.' So, ‘etong anak ko na ito [Kotaro], nakakatawa, pumunta ng tutor. Sabi niya, ‘You know what? My Mom is pregnant.' At saka sabi niya, twins, kambal. So yung teacher niya, sinumbong ako kay Mina [nag-aalaga sa mga bata], ‘Buntis ba si Jean?' Tsinitsismis ako ng anak ko na buntis ako. Nakakaloka!" tawa niya.

Continue reading below ↓

Kung sakali, sino naman kaya ang tatay ng susunod na anak niya?

"Walang tatay, kasi wala naman. Kasi hindi naman buntis."

Kanino niya type gumawa ng kambal?

"Puwede ba kay David Beckham [sikat na British soccer player]? Why not? Puwede bang mamili? Sige na nga, kay David Beckham."

Bakit siya?

"Maganda ang katawan, guwapo, ‘tapos athlete, mayaman."

Maganda rin naman ang katawan ni Polo na kapareha niya sa latest movie niya na Loving You, di ba?

"Talagang sini-segue mo doon, ha, aminin mo ‘yan!" bulalas niya.

Nag-iisip na ba siya na kailangan kung gusto niyang magbuntis dapat habang bata pa siya.

"I'm 38. August 22 ang birthday ko," sabi niya. "Oo naman. Sa Hollywood nga, 40 plus, di ba?"

Kailangan ba ng say ni Jennica sa lalaking magiging ama ng third child ni Jean?

"Kahit sino, kasi gusto lang niya ng baby sister. Yun lang ang ano niya. Di ba, iba ang utak nila? They know what they want.

Continue reading below ↓

"'Tsaka sabi niya, ‘Mommy, I don't want you to get married.' Sabi ko, ‘Honey, wala pa nga akong asawa, magbubuntis ako? Diyos ko! Dalawa na kayong panganay, panganay pa rin itong susunod?' sabi ko. Dapat naman yata siguro mag-asawa na muna ako, di ba, bago magbuntis? Kasi sabi ng anak ko, ‘Ma, ilang taon ka na? Huwag ka nang mag-asawa. Kahit walang lalaki, basta baby. Tutal, yun naman ang ano, yun ang gift, di ba, parang gift from God? It doesn't matter.' Hindi na raw uso ‘yun. Iba ang mga bata ngayon," pagtatapos ni Jean.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam mo sa totoo lang, kahit hindi mag-boyfriend, nakakatuwang kasama ang mga bagets. Like my daughter, si Jennica. She's 18 pero nagkakasundo kami, lumalabas kami. We go out. Masarap kasama ang mga bata. Babata ka rin kasi masaya sila sa buhay, fun to be with. Yung malakas pa sila, yung hyper pa," says Jean Garcia.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results