"Loving You" stars Aljur Abrenica and Kris Bernal face-off in "Don't Lie To Me"

Aug 12, 2008
"Nagseselos ako sa mga babaeng malapit sa kanya kasi si Aljur, aminin natin, guwapo talaga siya at maraming nagkakagusto sa kanya. Kaya hindi maiiwasang hindi magselos. At saka talagang hindi ko siya pinapansin kapag nagseselos ako," says Kris Bernal about screen partner Aljur Abrenica.

Nagharap ang dating StarStruck winners at magka-love team na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa Face-Off Edition ng "Don't Lie To Me" segment ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central last Sunday, August 10. Sina Aljur at Kris ay kasalukuyang napapanood sa Dyesebel at tampok din sila sa Regal movie na Loving You.

Ang sabi ni Sweet—na kasama rin sa Loving You—sa umpisa pa lamang, bihira lang daw siyang kiligin sa mga teen love teams, pero with Aljur and Kris, kinikilig daw siya dahil feeling niya, may "something" talaga sa dalawa.

Mukhang relax na relax lang si Aljur habang nakaupo at nakakabit na sa kanya ang lie-detector machine, pero umamin itong medyo kinakabahan din daw siya habang si Kris naman daw ay relax lang.

Magkasabay na "yes" ang sagot nina Aljur at Kris sa unang tanong ni Sweet kung totoo ba na StarStruck days pa lang nila ay may crush na sila sa isa't isa. Sumang-ayon ang resulta ng lie-detector test sa sagot nila dahil parehong "Truth" ang lumabas. Hindi na nag-follow-up pa si Sweet dahil klaro na raw na, ever since, crush na nga nilang dalawa ang isa't isa.

Continue reading below ↓

LOVE TRIANGLE. Second question ay tungkol pa rin sa StarStruck days nila kung saan nagkaroon daw ng away sa pagitan nina Aljur at Mart Escudero over Kris dahil at that time daw, nahuhulog na ang loob ni Kris kay Mart. Ang tanong, ngayon ba ay masasabi nang mas matimbang sa puso ni Kris si Aljur over Mart?

Once again, parehong "yes" ang naging tugon nilang dalawa at pareho ring "Truth" ang lumabas na resulta. Dahil dito, tinanong ni Sweet si Aljur kung totoo nga bang before, nakaramdam siyang nahuhumaling na nga si Kris kay Mart.

"Actually, hindi naman puwedeng iwasan," sagot niya. "Siyempre, si Kris maganda. Marami ang magkakagusto sa kanya."

Ano naman ang feeling niya na ngayon, siya naman na ang lumabas na mas matimbang sa puso ni Kris?

"Siyempre, sa pagkalalaki, masaya ako," sagot ng binata.

Sabi naman ni Kris, "Okey naman kami ni Mart. Oo, aaminin ko, nagkaroon kami ng something ni Mart noon. Pero ayon na rin nga sa lie-detector test, mas matimbang pa rin si Aljur."

Continue reading below ↓

SELOS FACTOR. Third question, si Aljur daw, natural na malambing sa ibang mga babaeng co-stars. Pero totoo ba na kapag dumidikit si Aljur sa ibang babae, hindi na ito pinapansin ni Kris dahil nagseselos ang dalaga?

Pareho pa ring "yes" ang sagot ng dalawa. Yun nga lang, ‘Truth" ang resulta ng kay Aljur pero "Lie" na ang lumabas kay Kris.

Ang depensa naman ni Kris, "Oo, nagseselos ako! Nagseselos ako sa mga babaeng malapit sa kanya kasi si Aljur, aminin natin, guwapo talaga siya at maraming nagkakagusto sa kanya. Kaya hindi maiiwasang hindi magselos. At saka talagang hindi ko siya pinapansin kapag nagseselos ako."

Tinanong naman ni Sweet si Aljur kung ano ang masasabi niya sa pagseselos ng ka-love team.

"Actually, bago matapos ang araw, sinisigurado kong okey kami. Nilalambing-lambing ko rin siya. Siyempre, makikita mo yun, mararamdaman mo sa mga mata niya, nangungusap," pahayag ng young actor.

Hirit naman ni Kris, "Sinusungitan ko talaga siya, hindi ko talaga siya pinapansin!"

Continue reading below ↓

Ano namang paglalambing ang ginagawa ni Aljur para makabawi siya kay Kris?

"Wala lang, ine-explain ko lang sa kanya na wala naman talaga. Na sa kanya lang talaga ako nakatingin," sagot niya.

ANOTHER LOVE TRIANGLE. Fourth question, sa Zaido ay ka-love-triangle nila si Marky Cielo at naging close din naman si Kris kay Marky. Noong time ba na yun, nanligaw si Marky kay Kris?

Parehong "no" ang sagot nina Kris at Aljur. Pero "Truth" ang lumalabas na resulta kay Aljur at "Lie" na naman ang lumabas kay Kris.

John told Kris na umapela na raw sa "barangay." Paliwanag ng dalaga, "Grabe, hindi ko nakeri yun! Kami ni Marky, naging close kami sa Zaido, siyempre kami-kami ang magkasama. Pero walang something, walang ligawan. Never kaming lumabas. Text-text, pero text lang na magkaibigan."

Hirit ni Sweet, baka raw nalito ang lie-detector machine.

Segue question ni Sweet at pang-limang tanong nito ay kung totoo ba na at that time na na-link si Kris kay Marky ay nagselos si Aljur.

Continue reading below ↓

"No" pa rin ang sabay na sagot nila. Pero this time, pareho nang "Lie" ang naging resulta.

Katuwiran ni Aljur, "Actually, si Marky, best friend ko. Napakabait na Survivor kaya may tiwala ako sa kanya."

THE REAL SCORE. Ika-anim na katanungan sa dalawa ay sa pelikula raw nilang Loving You, marami ang nakakapansin na sabay silang kumakain, sabay silang natutulog at inihahatid-sundo raw ni Aljur si Kris. So, mag-on na ba silang dalawa?

Parehong "no" pa rin ang sagot ng dalawa sa diretsong tanong ni Sweet sa kanila.

Pareho rin namang hindi sumang-ayon ang lie-detector machine sa kanila dahil "Lie" ang lumabas na resulta.

Ayon kay Sweet, huling-huli na raw ang dalawa na nagde-deny lang kung kaya't huwag nang paapelahin pa.

For the seventh and last question, sa kissing scene nila sa Loving You, take one lang daw sila. Totoo ba nag-rehearse sila bago mag-take kung kaya't na-perfect nila ang naturang kissing scene?

Continue reading below ↓

Both answered "yes" kaya hirit ni Sweet, natakot na raw magsinungaling ang dalawa at "Truth" nga ang lumabas.

Pero bakit nga ba sila nag-rehearse?

"Sanay naman na kami mag-kissing scene, kaso sabi ni Direk Don Cuaresma, mag-rehearse daw kami," paliwanag ni Aljur.

Sabi naman ni Kris, "Okey naman yung nag-rehearse. Kasi ang goal nga, pakiligin ang mga tao, so natural naman na lumabas at mas maganda."

Ang resulta ng lie-detector test nila, si Aljur ay naka-limang truth at dalawang lies, samantalang si Kris ay naka-tatlong Truth at apat na Lies.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagseselos ako sa mga babaeng malapit sa kanya kasi si Aljur, aminin natin, guwapo talaga siya at maraming nagkakagusto sa kanya. Kaya hindi maiiwasang hindi magselos. At saka talagang hindi ko siya pinapansin kapag nagseselos ako," says Kris Bernal about screen partner Aljur Abrenica.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results