Sarah Geronimo's mom denies humiliating young fashion designer

IMAGE 0


"Hindi ko binastos yung designer. Hindi ko itinaponyung gown. Ang nangyari kasi, yung dala niyang gown ay hindi fit kay Sarah.Kaya yung dalang gown na lang ng Viva ang pinasuot ko sakanya. Hindi ko na yun pina-repair kasi wala nang oras. Araw na mismokasi ng show yun. Di ba dapat ‘pag magsusuot ka ng gown o magpapatahi ka ngdamit, dapat ay may fitting? Yung gown ni Sarah na ipapagamit sana nungdesigner ay hindi niya naman nasukat. Basta na lang yun ib



Naisulat na diumano'y nagmaldita at nambastos ang ina ni Sarah Geronimo na siMommy Divine sa isang young designer na gumawa ng damit ng singer-actress parasa kapapalabas pa lang na Dolphy special ng ABS-CBN na The King of Comedy:Dolphy at 80 ng ABS-CBN, kung saan ay guest si Sarah.

Ayon sa kuwento, isang baguhang young designer daw ang naka-assign para gumawaat magdisenyo ng gown na gagamitin ni Sarah sa Dolphy special. At dahil baguhanay excited ito at talaga namang kinarir ang paggawa ng gown ni Sarah.

Ang kuwento pa, hindi nga daw ito natulog para lang maging maganda angkalalabasan ng susuoting gown ni Sarah na aprubado naman daw kay Sarah at samommy nito.

Nung dumating na ang araw ng event at actual show ng Dolphyspecial ay pinasuot ng naturang young designer ang kanyang ginawang gown kaySarah. Laking-gulat daw nito nang diumano'y biglang ipahubad ng ina ni Sarahang gown at walang kaabug-abog na itinapon ito nang walang sali-salita. Naglabasdaw ito ng sariling dalang gown na siyang pinasuot kay Sarah. Kahit nga daw siSarah ay nagulat diumano sa ginawa ng kanyang ina. Pero wala daw itong magawakung hindi sundin ito.

Ang tsismis pa, kahit maliit na pasasalamat o eksplenasyon daw ay walangnarinig ang young designer mula sa ina ni Sarah na bigla na lang umalis bitbitsi Sarah na suut-suot ang gown na dala nila.

Dahil sa diumano'y nangyari, hindi na daw napigilangmapaiyak sa kahihiyan ang young designer. Feeling diumano nito'y nabastos nangaraw na iyon ng ina ni Sarah. Usap-usapan pang nanlumo daw ito dahil nasayanglang ang ginugol nitong oras sa paggawa ng gown na isusuot ni Sarah.

Yun ang bersyon ng mga pangyayari ng lumabas na istoryatungkol sa ina ni Sarah.

MOMMY DIVINE EXPLAINS. Kaya't sinadya ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) si Mommy Divine nung Sunday, August 10, sa dressing room ng ASAP 08, kung saan ay isa si Sarah sa regularperformer at host dito, para magbigay naman ng kanyang side at sariling bersyonng mga pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Mommy Divine, "Hindi ko binastos yung designer. Hindi ko itinaponyung gown. Ang nangyari kasi, yung dala niyang gown ay hindi fit kay Sarah.Kaya yung dalang gown na lang ng Viva ang pinasuot ko sakanya.

"Hindi ko na yun pina-repair kasi wala nang oras. Araw na mismo kasi ngshow yun. At saka si Sarah na lang ang kulang sa performers na nasa stage na.Siya na lang ang hinihintay ng mga kasamahan niya.

"'Di ba dapat ‘pag magsusuot ka ng gown o magpapatahi ka ng damit, dapatay may fitting? Yung gown ni Sarah na ipapagamit sana nung designer ay hindiniya naman nasukat. Basta na lang yun ibinigay sa kanya nung designer."

Hindi raw kilala ni Mommy Divine at ni Sarah ang nasabing designer.

"Doon na lang namin siya nakilala sa taping ng Dolphy special. Binigyanniya nga kasi ng gown si Sarah.

"Gusto ko sanang magpasamalat sa kanya. Kaya lang pagbalikko ng dressing room, after ng production number ni Sarah ay wala na siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN