"Pinoy Idol" finalist Gretchen Espina: "Hindi ko kailangang magmakaawa sa inyong lahat para sabihing may talent naman ako."

by Archie de Calma
Aug 13, 2008
"My dad din kasi is a politician, at alam natin kapag ganyan, may impression na sa politicians pagdating sa kampanyahan. Parang gagamitin lang ang powers para makuha yung gusto. Pero naipapakita ko naman ang magagawa ko at ang talent ko, kaya siguro marami rin ang sumusuporta. Naipapakita ko naman kahit paano, di ba?" says Gretchen Espina.

Hindi makaiyak nang todo si Gretchen Espina nang gabing tinawag ang pangalan niya bilang isa sa Top 3 ng Pinoy Idol, na ang pinakaabangang sandali ay magaganap na sa Sabado at Linggo (August 16 and 17) sa SMX Mall of Asia. Pero isa nga yun sa comments sa kanya ng huradong si Ogie Alcasid, na masyado siyang emotional and it somehow affects her performance sa competition.

"Noong time na yun kasi, bago tawagin ang pangalan ko, nagre-reminisce na ako, yung pinagdaanan ko," sabi ni Gretchen sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Yung sa umpisa pa lang ng auditions, hanggang sa competition na mismo. Lahat ng mga sakripisyo, talagang nagpa-flashback na lang siya sa mind ko. Pati 'yung mga taong I have worked with sa GMA-7, sobrang na-touch ako sa naitulong talaga nila sa akin."

Gretchen was a European Languages student at UP Diliman when she joined the Pinoy Idol auditions. Very much against ang parents niya sa pagsali niya dahil mangangahulugan ito na maisasakripisyo nga naman ang kanyang pag-aaral.

Continue reading below ↓

"Dapat kasi, graduating na ako this year," sabi ni Gretchen. "I stopped nga for this. Mabigat sa loob ko yung sakripisyong 'yon, pero alam ng parents ko, isa rin ito sa mga pangarap ko sa buhay. Ang ganitong opportunities, minsan lang talaga dumarating."

Sa palagay ni Gretchen, ano ang lamang niya kina Ram Chaves at Jayann Bautista na mga katunggali niya as top finalists sa Pinoy Idol?

"The way I saw my heart through my songs," sagot ni Gretchen. "Para sa judges, it can be too emotional. So, kailangang ilagay ko sa tama.

"Sa voice quality, iba talaga ang voice ko kung ikukumpara kina Jayann at Ram. Ang voice ko is husky, but I can still hit high notes. More on husky side, na parang Jaya. Sabi nga nila, yung boses ko raw, panlalaki. Mababa ang register. Pero kayang mapaglaruan para tumaas," natatawang sabi niya.

Paborito talaga raw ni Gretchen si Jaya. Kapansin-pansin sa Center Stage nang gabing yun, ang ama ni Gretchen na si Biliran Governor Rogelio Espina ay overwhelmed sa pagkakapasok niya sa Top 3.

Continue reading below ↓

"Pianist ang father ko, and at the same time, a politician. Mayroon din siyang pangarap, e. Sabi niya, magre-retire na raw siya. So, ako na lang ang magpapatuloy sa dream na yun. Buong pamilya namin, mahilig sa music," ani Gretchen.

Nabanggit ni Kid Camaya, isa sa Top 5 na na-eliminate noong Linggo, na sa text votes, kung yun ang pagbabasehan, isa kina Gretchen at Jayann ang magwawagi. Pero sa talent, it will be Ram and Jayann. Ano ang masasabi ni Gretchen dito?

"Ay, sinabi niya 'yun!" parang na-hurt si Gretchen sa nakarating na comment ni Kid sa kanya. "Siguro, preferred lang ni Kid ang rock. Ayaw niya siguro sa soul at ballad, e, yun ang ginagawa ko. Ganoon na lang siguro yun.

"Kung pamimiliin ka naman kasi, dalawa na lang 'yung pipiliin mo, and I guess it's Kid's opinion. Lahat naman, may opinyon."

Sa nangyayari, ang impression, dahil text votes ang nananaig sa Pinoy Idol, maidaraan na lang 'yan sa pera-pera. Kaya nga nae-eclipse daw ang kung sino yung totoong may talent.

Continue reading below ↓

"Sabi ko nga, lahat ng tao, may sariling opinyon," ulit ni Gretchen. "Wala rin naman silang magagawa kung maraming tao rin ang nagkakagusto sa akin. Respetuhin na lang sana nila yung paniniwala ng ibang tao.

"Dyusko, ano ba 'yan? May talent naman ako! Hindi ko kailangang magmakaawa sa inyong lahat para sabihing may talent naman ako. Narating ko naman ito siguro dahil I have shown my talent," sabi pa niya.

Pero nangangarir daw talaga sa votes ang kampo ni Gretchen kaya hindi ito basta magpapahuli.

"Nang mag-join ako rito, alam ko nang mabi-bring up ang ganyang issue, lalo kung marami ang sumusuporta sa akin sa text votes. My dad din kasi is a politician, at alam natin kapag ganyan, may impression na sa politicians pagdating sa kampanyahan. Parang gagamitin lang ang powers para makuha yung gusto. Pero naipapakita ko naman ang magagawa ko at ang talent ko, kaya siguro marami rin ang sumusuporta. Naipapakita ko naman kahit paano, di ba?" pagtatapos ni Gretchen.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Pinoy Idol
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"My dad din kasi is a politician, at alam natin kapag ganyan, may impression na sa politicians pagdating sa kampanyahan. Parang gagamitin lang ang powers para makuha yung gusto. Pero naipapakita ko naman ang magagawa ko at ang talent ko, kaya siguro marami rin ang sumusuporta. Naipapakita ko naman kahit paano, di ba?" says Gretchen Espina.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results