Aiko Melendez hopes rumored breakup of ex-husband Jomari Yllana and Pops Fernandez is not true

by Ruel J. Mendoza
Aug 14, 2008
"I've finally found a way to get back on my feet and start things fresh. Inuna ko muna ang physical looks ko and I was able to lose those unwanted pounds. Nag-focus talaga ako sa pagpapapayat and I have achieved it naman in a very safe way," says Aiko Melendez about her battle with the bulge.

Malaki na ang ipinayat ng katawan ni Aiko Melendez at patuloy pa rin daw siya sa ginagawa niyang pagpapapayat hanggang ma-reach niya ang kanyang desired weight.

Nag-guest si Aiko sa isang episode ng The Sweet Life ng QTV 11 last Tuesday, August 12, at nagulat ang host ng programa na si Lucy Torres-Gomez sa bagong figure ni Aiko. Ilang beses ngang inulit ni Lucy na ang ganda-ganda ni Aiko ngayon.

Inamin ni Aiko na umabot noon sa sa 187 pounds ang kanyang timbang, ngayon ay malaki na ang nabawas sa kanyang dating "malusog" na katawan. Inaamin din niya na mas masaya at mas nagkaroon siya ng confidence sa sarili ngayon.

"Alam naman ng lahat kung gaano kalaki ang katawan ko before. ‘Tapos I was going through some very difficult personal problems. Kaya ‘ayun, hindi ko na namalayan na ang taba ko na pala.

"Pero I've finally found a way to get back on my feet and start things fresh. Inuna ko muna ang physical looks ko and I was able to lose those unwanted pounds. Salamat siyempre sa Marie France which has been helping me shed off those pounds. Nag-focus talaga ako sa pagpapapayat and I have achieved it naman in a very safe way. Ngayon malaki na ang nawala sa akin, pero may desired weight goal ako kaya konti pang bawas at okay na talaga ako," saad ni Aiko nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng guesting niya sa The Sweet Life.

Continue reading below ↓

AIKO'S "INSPIRATION." Unti-unti na ring inaamin ni Aiko ang kanyang relasyon sa nababalitang boyfriend niyang si Patrick Meneses, vice mayor ng Bulacan, Bulacan. Although ang parating sinasabi ni Aiko ay "inspirasyon" niya ang pulitiko, parang pag-amin na rin na may magandang relasyon na sila nito.

"Patrick was there during my trying times," sabi ni Aiko. "Hindi niya ako iniwan and he's always encouraging me to look my best parati. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil he never gave up on me.

"And he's also good to my kids. Magkasundung-magkasundo sila ng panganay kong si Andrei [Aiko's son with Jomari Yllana] who is now nine years old. Panay ang bonding nilang dalawa kapag namamasyal kami. With Marthena [Aiko's son with Martin Jickain] naman, who is now two years old, gustung-gusto niyang kargahin ito parati. Masaya ako kasi parang hindi na siya iba sa mga anak ko. As in tanggap na siya ng mga bata at yun naman ang importante sa akin."

Continue reading below ↓

JOMARI-POPS "SPLIT" RUMOR. Tinanong ng PEP kay Aiko kung nakarating na ba sa kanya ang balitang nagkakalabuan na diumano ang ex-husband niyang si Jomari Yllana at ang girlfriend nitong si Pops Fernandez.

Ayon kay Aiko, may nakapagsabi raw sa kanya pero alam niyang tsismis lang ito dahil hindi pa naman daw niya nakakausap si Jomari or si Pops tungkol sa balitang ‘yon.

"May nagsabi lang sa akin ‘tapos nabasa ko pa sa isang tabloid. Pero siyempre, ayokong mag-assume na totoo ‘yon unless si Jom or si Pops ang makausap ko. The last time na nakita at nakausap ko si Jom, okay naman sila ni Pops. Kaya nakakagulat naman na may ganyang balita.

"Sana nga ay hindi totoo kasi nakakalungkot naman. Mukhang okay naman silang dalawa, and I wish na hindi nga totoo ang balitang hiwalay na sila," asam ng actress-politician.

MARTIN'S GIRLFRIEND. Tungkol naman sa ex-husband din niyang Martin Jickain, ibinalita ni Aiko na may ibang girlfriend na raw ito.

Continue reading below ↓

"Ang nagbalita sa akin ay ang mommy ko, kasi nga kapag hinahatid ni Martin si Marthena sa bahay, kasama raw niya yung girl. Pero hindi pa kami nagkikita talaga ulit ni Martin. Puro text massages lang kami since nagkaroon kami ng issue.

"It's good na may inspirasyon na rin siya. Noong makita ko nga ang VTR interview niya sa Startalk, he said na he's okay and he has moved on na. That's good kasi gusto ko rin naman na masaya siya and we could still be good friends after all that has happened."

POLITICAL OPTIONS. Sa nalalapit na 2010 elections, nabanggit ni Aiko na may mga offers na siyang natatanggap para tumakbo either for vice mayor or congresswoman. Pero wala pang tinatanguan si Aiko sa mga alok na ito.

"Marami nang nagtanong sa akin regarding 2010. Naku, two years pa naman ‘yon kaya ayoko pang isipin. Pero okey na rin yung may konting paghahanda, di ba? May mga invitations na ako to join this party or to be with this tandem. Pero wala pa akong desisyon. Open pa ang options ko at hindi naman ako nagmamadali pa.

Continue reading below ↓

"Kung anuman ang itakbo ko sa 2010, magkakaroon naman ako ng formal announcement, e. Pero since matagal pa, ang pagbabalik ko muna sa showbiz ang abangan nila," pagtatapos ni Aiko.

Nasa ilalim na pala ng management ni Boy Abunda si Aiko at marami raw itong mga plano para sa kanyang muling pagbabalik. Ayaw pang i-divulge ni Aiko kung saang network siya regular na mapapanood. Abangan na lang daw ‘yon very soon.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I've finally found a way to get back on my feet and start things fresh. Inuna ko muna ang physical looks ko and I was able to lose those unwanted pounds. Nag-focus talaga ako sa pagpapapayat and I have achieved it naman in a very safe way," says Aiko Melendez about her battle with the bulge.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results