Governor Vilma Santos meets the entertainment press for updates and issues

IMAGE 0


"Finally ay pinayagan na rin ako ng mgaconstituents ko to do a movie this year kaya't tuloy na yung sa amin ni JohnLloyd [Cruz] under Star Cinema. Naayos na ang script at inaayos na rin angschedule ng New York shooting. I'm thrilled dahil mahusay na artista si John Lloyd. Bilib ako sa batang ‘yan," says Governor Vilma Santos about her upcoming film.



Pinalad ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na madalawsi Governor Vilma Santos-Recto sa kanyang pansamantalang opisina sa MansionHouse sa tabi lamang ng Provincial Capitol ng lalawigan ng Batangas. Underrenovation kasi ang malaking bahagi ng panlalawigang gusali kaya'tpansamantalang nagtatrabaho ang gobernadora sa Mansion House.

Kasama ang ilan pangentertainment press, umaatikabong kumustahan at pagbibigay updates angnaganap noong nakaraang Lunes ng hapon, August 11, sa nasabing opisina.Nakatakda talaga ang nasabing schedule na panayam dahil kagaya ng mga inabutannaming mga constituents ng Governor Vi, ay mayroon kaming takdang oras parasiya'y makakuwentuhan.

"We try to do this kahit once a year lang, di ba, kahitnoon pa sa Lipa? Sa dami kasi ng trabaho at kailangang umpisahan at tapusindito sa probinsiya, ako na ang nagre-request na kayo naman ang dumalaw ditopara kahit papaano, ma-experience ninyo at makita ang mga pagbabago dito,"panimulang pagbati ni Ate Vi sa amin.

True enough, sa dami ng mga naibahaging impormasyon,reaksiyon, at mga plano ng Star For All Seasons, talagang nalito na kami kungalin ang uunahin.

ON POLITICS. "Ditona lang muna ako sa Batangas," sabi ni Gov. Vi. "Walangkatotohanan ang mga napapabalitang may ambisyon ako para sa mas mataas naposisyon gaya ng vice president o senador sa darating na 2010. Yung sinasabi niBong [Revilla] na willing siyang mag-give way if ever akong tatakbo, I amsimply thanking him for the nice gesture. Pero makakasiguro siyang hindi yunmangyayari.

"When I ran here in Batangas, marami akong ipinangakonggagawin via our HEARTS [Health, Education and environment, Arts,Reconstruction-roads, Tourism, and Social services] programs. Mag-iisang taonpa lang akong nakakaupo at napakalayong biyahe pa ang gagawinnatin to accomplish all those things. Ngayon pa lang, halos nagsisimulaang lahat, and yet for now, masasabi kong may sistema na. Marami nangnaumpisahan sa mga ito at nakikita at na-eenjoy na ito ng mga constituentsko," kuwento ng actress-politician.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isyung hindi niya masawata ang jueteng sa lugar nila atdiumano'y protector pa siya nito, ito ang isinagot ni Gov. Vi: "Matagalnang problema ‘yan. Matagal nang bahagi ng kasaysayan ang jueteng sa bansangito. Hindi ko kailanman sinuportahan ‘yan at never akong naging protectorniyan. Tahasan akong kontra diyan at matindi ang pagtulong at pagsuportako sa mga kagaya kong nagnanais mawala iyan.

"But then again, it should be a group effort. Hindi ko namankakayaning mag-isa ‘yan mereseng ipahuli ko lahat sa mga kapulisan o awtoridadang nagpapalaganap ng sugal na ganyan. Nang huli kong maka-meeting ang mgakaparian at mga bishop, nakiusap ako sa kanila na lagi nilang banggitin saHomily nila na i-discourage ang mga tao na suportahan ito. Kahit sa mgaschools, we encourage the teachers and the educators na ipamulatsa mga bata o nasasakupan nila ang pangit na epekto ng sugal.

"Lagi namang ganyan, e, kapag wala na silang maibatong isyusa akin o mga kagaya ko na paglilingkod sa kapwa ang nais gawin, laging sasugalan o jueteng ka ikakabit."

Sa ngayon ay doble daw ang effort na kailangang gawin niGov. Vi sa Batangas dahil sa mga developments sa political career nila ng asawaniya na si dating Senator Ralph Recto, na ngayon nga ay NEDA (National Economic Development Auhtority) Director na.

"Equally proud at masaya ako for Ralph," sabi ni Gov.Vi. "He is a good economist at naniniwala akong marami siyang magagawangkapaki-pakinabang sa bago niyang posisyon sa gobyerno. He remains andcontinues to be one of my solid advisers and as well as critic para sa mgaprograma namin dito sa lalawigan. Araw-araw pa rin naming pinagdedebatehan angmga isyu dito at patuloy pa rin akong natututo sa kanya."

ON SON LUIS and ANGEL LOCSIN."I'm happy for my son Lucky. Maganda rin ang takbo ng careerniya sa ngayon at sigurado akong nakikita ninyong masaya rin siya, diba? May movie project din kami as part nung supposedly three-picturecontract ko with Star Cinema, pero baka next year na rin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya ako sa nangyayari sa kanila ni Angel.Nagkakatulungan sila sa maraming bagay. Napupunuan nila ang pagkukulang ngisa't isa kaya ang feeling ko, nagkakasundo talaga sila. Very positive angepekto ni Angel sa anak ko," kuwento ni Ate Vi.

Ipina-rate ng PEP sa actress-politician si Angel bilangnakilala niya at nakakasama. From one to ten na ten ang highest, "8"ang ibinigay nito. "Ireserba natin yung two points sa mga susunod napagkakataon," sagot ng Batangas governor, na humahanga sa pagigingmarespeto ni Angel sa kanilang pamilya.

Tanggap na tanggap nga ng side ni Luis si Angel. Magmula sa lola nitong si MamaMilagring Santos, ang butihing ina ni Gov. Vi, hanggang sa tita nitong siEmily, ay panay papuri ang mga binitawan nilang pahayag for the young actress.

ON HER COMEBACK FILM. "Finally ay pinayagan na rin ako ng mgaconstituents ko to do a movie this year kaya't tuloy na yung sa amin ni JohnLloyd [Cruz] under Star Cinema. Naayos na ang script at inaayos na rin angschedule ng New York shooting. I'm thrilled dahil mahusay na artista si John Lloyd. Bilib ako sa batang ‘yan," sabi ni Ate Vi.

Hindi mag-ina ang gagampanang papel nina Ate Vi at JohnLloyd sa pelikula, pero tungkol ito sa relasyong mag-ina na sinubukan ng isang trahedya atkung paanong naapektuhan ang mga buhay nila. May bading na anak si Ate Vi samovie at yun ang magiging karelasyon ni Lloydie, and what happens next ay angmga drama at kakaibang tagpo na dapat daw nating abangan.

Sa New York at malamang na sa Batangas gawin ang shoot.Magsisimula na raw ito sa mga darating na buwan. "Basta this year ‘yanmagaganap," paniniguro ni Ate Vi sa PEP.

By next year pa raw siguro yung sa kanila ni Sharon Cuneta. Kung si Ate Viang tatanungin sa klase ng film na type niyang gawin with theMegastar, sinabi nito na gusto niya yung mala-Thelma and Louisenina Susan Sarandon at Geena Davis na isang critically-acclaimed movie saHollywood noong ‘90s.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON CLAUDINE & ANGEL, SHARON & GABBY, JOEY &WILLIE. Despite her very busy schedules ay updated si Governor Vi sa mgakaganapan sa showbiz at naapektuhan din daw siya ng mga balita.

Kaya naman hiningi namin ang saloobin niya sa gusot nanangyari between Claudine Barretto at Angel Locsin, dalawa sa sinasabi niyang mahal niya atitinuturing na mga anak-anakan. Si Angel ay nababalitang girlfriend ng anakniyang si Luis, samantalang si Claudine naman ay nakasama ni Ate Vi sapelikulang Anak.

"I'm happy that finally ay na-settle na nila ang isyu,"sabi niya. "Nasaktan din ako sa mga lumabas na balita on them. Pareho silangclose sa akin at nakakalungkot na senaryo yung ganun. Alam kong may mga tao ogrupo na gagawa ng paraan para i-patch-up sila, but still at kungkinakailangan, ako na siguro yung sa huli. Mabuti naman at naayos. The minutena pinag-uusap sila, updated ako sa mga nagaganap."

Sinabi rin ang gobernadora na natural o likas sa isang taoang pagpapakita ng emosyon—katarayan man o masasabing kamalditahan. Kahit siyaraw ay nagkaroon din ng moment noong araw kung saan ay mayroon din siyang "flyingchair" na tinatawag.

Ayon kay Gov. Vi, "Lahat naman tayo ay nakaranas ngganun sa isang bahagi ng buhay natin, lalo na't sobrang emosyonal. Kaya ngalaging maganda at mabuti na alamin ang pinanggalingan at pinagmumulan ng lahat,and from there, turn everything into positive para masaya. Every individual isdifferent."

Sa usaping pagkukumpara sa paraan nila ng pag-move on niSharon Cuneta on their issues with their previous husbands—si Ate Vi kay Edu Manzano dati at si Sharon kay Gabby Concepcion—sinabinitong, "Mas mabilis lang siguro yung pagtanggap ko sa sarili ko ng mgapangyayari. Pupuwedeng kay Sharon ay iba ang epekto ng mga bagay-bagay, kayanga sabi ko, every individual is different. Siguro ay hindi pa lang talagapanahon. Kaya nga may kanya-kanyang time ang lahat. Kung medyo natatagalan tayokina Shawie at Gabby, darating din ‘yan. Let's pray and wait."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masayang-masaya rin si Ate Vi sa naging gesture ni Comedy King Dolphyna pag-ayusin ang anumang gusot nina Joey de Leon at Willie Revillame, napareho ring malapit sa actress-politician.

"Iyan naman ang bentahe ng may marunong magkusa atumintindi sa isyu. Sa showbiz kasi, ang yabang ng isa, ay puwedeng maging isangsimpleng biro lang ng iba. Yung iba naman, imbes na patulan pa, ire-reversepsychology na lang nila kahit masakit, kaya again, nagiging positive angresulta.

"Parehong malapit sa akin sina Joey at Willie. Let'sgive each other his due sa mga magagandang sinasabi at ginagawa naman nila.Gaya ng marami, looking forward talaga ako sa pag-uusap na gagawin nila," pagtataposni Gov. Vi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN