Dingdong Dantes invites fellow actors to join basketball for a cause

by Rose Garcia
Aug 14, 2008
"Sa ngayon, may ini-screen kami na tatlo munang puwedeng bigyan ng scholarship. Ang maganda niyan, nakapirma yung mga artistang maglalaro sa scholarship fund nila. So, kapag may nagtanong, sino nagpapaaral sa ‘yo, puwede niyang sabihin na si Ganito, si Ganyang artista," says Dingdong Dantes.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, five or 10 years ago ay napakarami nang natulungan ng young actor na si Dingdong Dantes. Pero hangga't maaari ay hindi na niya ipinapasa-publiko pa ang mga bagay na ito.

Pero kamakailan lang, nalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang aktor na maglalaro sa isang basketball-for-a-cause sa P.M.I. (Philippine Maritime Institute) in Roosevelt, Quezon City, na ang nagtawag sa kanila para maglaro ay si Dingdong Dantes. When PEP asked Dingdong about it, hindi na nga ito nakatanggi pa and PEP even encouraged him to talk about it, dahil isang bagay ito na puwedeng maka-inspire pa ng ibang tao, especially ng mga artista rin na katulad niya.

"Kaibigan ko kasi yung taga-P.M.I. at nagtanong ako kung paano ako makakatulong by giving a scholarship. E, tamang-tama, Foundation Day raw nila sa August 20. May pa-basketball sila. So, we thought of an idea na bakit hindi na nga lang mag-compete ang team ng P.M.I. basketball sa team naman ng mga artista. Kung sino ang mananalo, yun ang makakakuha ng scholarship. Magiging for a cause yung laro, pero siyempre, kahit sino ang manalo, siguradong may bibigyan na kami ng scholarship.

Continue reading below ↓

"Sa ngayon, may ini-screen kami na tatlo munang puwedeng bigyan ng scholarship. Ang maganda niyan, nakapirma yung mga artistang maglalaro sa scholarship fund nila. So, kapag may nagtanong, sino nagpapaaral sa ‘yo, puwede niyang sabihin na si Ganito, si Ganyang artista."

Very thankful at ipinagmamalaki nga raw niya ang mga kaibigang artista na nang malaman kung ano ang proyekto niya ay mabilis na pumayag sa pagsali sa gawain niya.

Siyempre, kung sila ang mga maglalaro, si Dingdong naman ang all-out na magso-shoulder ng buong educational fund sa tatlong mapipili nilang i-grant ng scholarship.

Ang mga kaibigang aktor nga ni Dingdong na makikipaglaro sa team ng P.M.I. ay sina Luis Alandy, Marco Alcaraz, Alfred Vargas, Paolo Paraiso, Antonio Aquitania, JC de Vera, Marky Cielo at Arthur Solinap.

"Napakalaki ng pasasalamat ko sa kanilang lahat at hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa nilang ito," sabi pa ni Dingdong tngkol sa mga kasamahang artista.

Continue reading below ↓

Nalaman din ng PEP na bahagi na pala ng buhay ni Dingdong ang pagtulong niya sa edukasyon ng mga kapus-palad. In fact, for the past five years or so, masaya ito na animo'y isang magulang sa pagsasabing, "May mga graduates na ‘ko."

GIVING FOR HIS BIRTHDAY. Ayon kay Dingdong, maganda raw ang mangyayaring ito sa P.M.I.

"Meaningful siya, kahit tatlo pa lang sa P.M.I. yung bibigyan namin ng scholarship, kasi pinaghirapan ng walong artista. Hindi yung basta ibinigay na lang. Hindi naman ‘yan nadadala dahil sa, ‘O, sige, marami akong pera, kaya kong magbigay.' Mas masarap pa rin yung bagay na alam mong pinaghirapan mo.

"At malaking bagay pa nga yung birthday month ko ngayong August and it's something I want to give," sey nga niya na in fairness, hindi lang puro pa-pogi ang naiisip.

Hindi nga maitatangging malapit kay Dingdong ang pagbibigay ng halaga sa pag-aaral dahil for four years, siya ang ginawaran ng National Youth Commission bilang spokesperson for the Department of Education. Ini-award sa kanya yun four years ago pa at hanggang ngayon, nanatili siya sa posisyong yun.

Continue reading below ↓

"Advocacy ko ang education, pero marami pang iba. Yung education kasi, gusto kong ituloy ang advocacy na ito sa mga taong kailangang bigyan ng pagkakataon na makapag-aral lalo na at kung karapat-dapat talaga. Ayoko ng idea na dahil lang walang opportunity, titigil na sila sa pag-aaral," seryoso pa niyang pahayag.

IN SPIRIT. Yun nga lang, dahil sa August 20 ang foundation day ng P.M.I. "in spirit" na lang daw siya makakasama rito since nasa New Jersey pa siya sa panahong 'yon, kasama ang co-star niya sa Dyesebel na si Marian Rivera.

"Actually, nalungkot talaga ‘ko na wala ako sa mismong event. Kaya ganoon na lang din lalo yung pasasalamat ko sa mga actors na maglalaro. Wala naman akong magagawa, yung New Jersey , matagal na yun naka-schedule and it's a commitment. Excited na rin ako kasi, marami na rin nakakarating sa amin na marami na nga raw naghihintay sa amin doon.

Continue reading below ↓

"So, in spirit, kasama nila ‘ko sa Foundation Day and since it's for a good cause, alam kong maaalala nila ito sa mahabang panahon," ang sabi nga ni Dingdong na naka-schedule umalis papuntang New Jersey this Friday, August 15, at ang balik ay sa August 22 pa, in time naman para maghanda para sa Let's Celebrate The Dingdong & Marian Birthday Blow-Out sa Araneta Coliseum, August 27.

Read Next
Read More Stories About
Dingdong Dantes
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa ngayon, may ini-screen kami na tatlo munang puwedeng bigyan ng scholarship. Ang maganda niyan, nakapirma yung mga artistang maglalaro sa scholarship fund nila. So, kapag may nagtanong, sino nagpapaaral sa ‘yo, puwede niyang sabihin na si Ganito, si Ganyang artista," says Dingdong Dantes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results