Gov. Vilma Santos defends Ralph Recto's VAT bill, shares details of film with John Lloyd Cruz

Aug 27, 2008
Governor Vilma Santos is proud of husband Ralph Recto's V.A.T. (Value Added Tax) bill, which she says is actually helping the country's economy. The Star for All Seasons also shares some details about the upcoming movie with Box-Office King John Lloyd Cruz. And she laughs at Megastar Sharon Cuneta's statement that she's ready to retire once she makes a movie with Gov. Vi.


Binigyang-linaw ni Batangas Governor Vilma Santos ang naganap na pagbisita ni MMDA (Metro Manila Development Authority) Chairman Bayani Fernando sa kanyang opisina sa lalawigan ng Batangas kamakailan. May kumalat na kasing balita na kinausap na si Governor Vi ni Chairman Bayani para maging running mate nito sa nalalapit na 2010 elections. Plano raw kasi ni Chairman Bayani na tumakbo bilang presidente at si Governor Vi ang gusto niyang maging running mate as vice-president.

"E, dumalaw lang kasi rin siya dito. Ipinakilala ko siya sa mga department heads. Pero ako, teka muna... Ang dami ko pang dapat gawin dito sa Batangas. I'm not entertaining it," simula ni Governor Vilma nang makausap ng PEP.

BONG, GIVING WAY. Nauna na ring nagpahayag ng kanyang intensyon sa pagtakbo bilang vice-president si Senator Ramon "Bong" Revilla. Pero kung tatakbo raw si Governor Vilma, willing si Senator Bong na mag-give way sa kanya.

"Sweet naman niya. Thank you naman kay Bong. Pero, ah...he can plan his political career. He can plan it, if he really wants to run, then go ahead. Wala naman siyang dapat i-worry sa akin.

Continue reading below ↓

"Thank you, Bong. Thank you naman. Pero you do your thing. You don't have to worry about me. I appreciate it. Pero wala, because ang concentration ko ngayon talaga focused sa Batangas. Wala ka namang magagawa ng dalawang taon lang, e. Alam mo ang ibig kong sabihin? Three years ang term mo as a governor, pero on the third, ‘yan naman hindi ka na napapakinabangan dahil nag-uumpisa na ulit ng kampanyahan ‘yan."

FIRMLY AGAINST JUETENG. Kumusta naman siya sa bago niyang posisyon bilang gobernador ng Batangas?

"So far, so good. Awa naman ng Panginoon maganda yung koleksyon. Buo yung...maganda ang aming local revenues collection. Solid ang programa ko. Wala pa akong isang taon, nalibot ko na ang buong Batangas. Lahat ng 34 na bayan.

"Ah, so far I'm getting the full cooperation of my Sangguniang Panglalawigan. ‘Yan ang pinaka-mahirap kasi, e. ‘Pag hindi mo kasama ang iyong Sangguniang Panglalawigan, mahihirapan ka being the executive. Kasi lahat ‘yan dadaan sa Sanggunian mo, e.

Continue reading below ↓

"Ah, I think, diyan medyo nahihirapan si Ano... si Father [Eddie] Panlilio, am I right?" Father Panlilio is the elected Pampanga governor. "But I'm very thankful even yung mga mayor na hindi ko naging kasama noon, they're been very, very supportive."

Pero aminado si Governor Vi na hindi pa rin mawawala na may mga bumabatikos sa kanya lalo na sa isyu ng jueteng.

"Wala namang pagkakataon na walang bumatikos sa akin maski nung mayor pa ako. Dito pinagbibintangan ako ng jueteng-jueteng. God knows, first month ko pa lang dito, sa lahat ng buong bayan nagpalabas na ako ng sulat saying na I am not encouraging any form of gambling, including jueteng.

"And then, may mga lumalabas diyan na may share daw ako, may kotse? I mean, you know me better than that. Pero ang point ko, ang jueteng is a perennial problem. Nung araw pa ng mga ninuno ‘yan. Ngayon, kung ako ang pag-iisipan ninyo, hindi ako jueteng lord. Hindi kayo namumroblema doon, pero tulungan ninyo ako dahil hindi ko ito kayang mag-isa.

Continue reading below ↓

"Kayong mga sector diyan, like kapulisan, tulungan ninyo ako. Pati kina Archbishop [Ramon Arguelles, Lipa archbishop], humihingi ako ng tulong. Sabihin ninyo sa homily ninyo, huwag tumaya ang mga tao. You get me? Kasi habang nandiyan ‘yan, ‘yan ang gagawin niya. But for me na sasabihin ko na lang, laging kokontrahin...paano ko makokontra ang 1.3 million na population?

"But, ako lang, mapapatunayan ko sa inyo, I'm not encouraging it. Walang sugal na pupuwede sa akin. Pero I cannot do this alone. Ayaw ninyo, bantayan ninyo. E, Diyos ko, paano ko mababantayan? Tulungan ninyo ako," panawagan ni Governor Vi.

Sa palagay kaya niya, bakit may ganitong paninira sa kanya tungkol sa jueteng?

"Kasi ganito ‘yan, wala silang masasabi sa mga programa ko na pinapatupad, e. Humahanap talaga sila ng lahat ng butas na pupuwede nilang ibato sa akin. Meron bang namintas sa mga programa ko?

"Ever since laging tinitira sa akin jueteng. At ang jueteng, again! Sasabihin ko sa harap kung may nagsasabi, kami may nakukuha? Iharap ninyo sa akin ngayon din. Pero again, uulitin ko, hindi ko ito kayang mag-isa. Gumalaw ang kapulisan. Humihigi kami ng tulong sa nasyunal. Tulungan ninyo kami. Dahil ako bilang governor I will not lift a finger ‘pag may nahuli kayo.

Continue reading below ↓

"But again, ang point ko dito, kung puro jueteng ang iisipin ko sa buhay ko dito, ay, wala akong magagawa sa constituents ko. Hindi lang jueteng ang problema ng lalawigan. Napakaraming dapat pang gawin, hindi ba?

"Kung yun ang iko-concentrate ko dahil tintira ninyo ako diyan, e, teka muna, excuse me. Hindi lang jueteng ang problemna. Mas maraming gutom dito at uunahin ko yun. At uunahin ko na masiguro na maganda ang kinabukasan sa edukasyon ng mga bata. Kaya ngayon ibato ninyo nang ibato, gawin ninyo."

RALPH RECTO. Ano naman ang masasabi niya sa pagkaka-appoint ng mister niya na si former Senator Ralph Recto bilang bagong NEDA (National Economic and Development Authority) Director?

"Natuwa ako, of course. But, he'll be running again in 2010. That's his forte. Alam ninyo ano...hindi naman niya pinagsisisihan [being appointed NEDA director]. Kung kakausapin mo, iniinterbyu sa mga radyo ang mga ekonomista na sina Winnie Monsod, how they explain V.A.T. [Value Added Tax], ang nagsi-save sa atin ngayon V.A.T., pati yung itinaas ng value ng piso, lahat ‘yan.

Continue reading below ↓

"Pinapaliwanag lang sa kanila kasi sinasabi nila si Ralph ...ginawa yun for the country, e. Ginawa niya yun kung paano makakatulong sa bansang ito sa pamamagitan nitong V.A.T. Pero yung proseso o polisiya ng pagpapa-implement niyan hindi na naman niya hawak. But we have extra money for our national government na ang intensyon nito nung una, pandagdag na budget, pandagdag-eskweala, kalye, hospital.

"Hindi papasa sa Senado ‘yan. Sa gagaling nila doon ng hindi nila alam kung saan pupunta ‘yan. Si Ralph lang ang tinatawag na ‘Ama ng V.A.T.' But his intentions when he did that was good. At hindi papasa ng Senado ‘yan sa gagaling ng Senador, kung hindi nila alam na maganda. Pero ang implementasyon niyan ay wala nang kinalaman si Ralph. ‘Yan ang focus ng V.A.T. Ngayon kung nagkakaroon sila ng problema doon sa ngayon, saan napupunta ‘yan, hindi na sakop ni Ralph. Pero kung saan siya makakatulong, di why not?

Continue reading below ↓

"Napaka-negative na niya. Tinanong ko nga siya, nagsisisi ka ba dahil sa VAT issue? Sabi niya, ‘No, no regrets.' Kung mangyayari ulit yun sa atin at alam ko yan ang makaka-save sa bansa natin, ganun pa rin ang desisyon kong gagawin kahit hindi nila ako iboto. Yun ang sinabi niya, I respect that."

"Now that he's with NEDA, yeah, okey sa akin. Kung makakatulong, bakit hindi? I trust Ralph, e. Kasi kung maganda ang tingin nila sa akin, maganda ang ginagawa ko, maganda ang ginawa ko sa Lipa, maganda ngayon ang mga plano sa Batangas, he's my mentor. Siya ang nagga-guide. Siya ang gumawa ng matrix ko.

"Kung nagpunta kayo dito nung first six months ko, makikita ninyo sa blackboard, siya lahat ang gumawa. Bakit ito ang dapat? Magkano ang budget dito? Nasa blackboard para alam ko kung saan ako pupunta. Without Ralph din, paano ko gagawin lahat 'yan?

"E, unang-una hindi naman ako politiko. Pinag-aralan ko, yes, pero ang expertise, hindi ko alam kung saan ko kukunin yun. Kaya ngayon, napakadali naman sa akin. Dito sa Batangas, hindi pa dumarating yung krisis natin, alam na namin kaya nakaka-prepare kami."

Continue reading below ↓

IMPLEMENTING PROGRAMS. Totoo bang mas gusto ni Governor Vilma na magpaulit-ulit ng term sa pagiging gobernador kesa tumakbo bilang bise-presidente sa 2010 election?

"Ah, wala akong ano, wala akong political plan pero kung halimbawang tatakbo ako ulit for another term parang gugustuhin ko pa rin na tapusin yung mga programa. Parang kamukha nung sa Lipa. Nung second term ko pinipilit na akong tumakbong gobernador, e, sabi ko hindi. Gusto kong tapusin yung full term, hanggang third term, which is my dream.

"Oo, I don't mind kahit nine years pa. Basta ma-implement lahat ng programa ko. Makita nila ang pagbabago. Ah, alam na dito napayagan na ako. At ibig kong sabihin, walang ibang pinakamaganda kasi kundi yung continuity ng programa, e.

"Ah, kasi yung mga programa, hindi mo matatapos ng isa, dalawang taon. Ang mangyayari niyan puro umpisa. Kasi kapag may pumasok na naman na iba, papalitan na naman niya lahat. Yun ang nakakahirap sa ating Pilipino. Kapag may nakita kang magandang programa, which I did also in Lipa noon, ang ganda nung Lipa City Public College. Imagine mo, kay Mayor [Ruben] Umali yun. Hindi ko siya tinanggal. Ginandahan ko pa yung Lipa City Public College, di ba?"

Continue reading below ↓

MOVIE WITH JOHN LLOYD. Puro politics na lang ba, wala na bang showbiz career ang Star for All Seasons?

"Hindi, meron naman. Pinayagan na ako ng constituents ko. Nagpaalam ako after kong mag-one year. Sabi ko, ‘Ako ba'y papayagan ninyo?' Kasi, at least sabi ko, nung una sabi ko sa Star Cinema, ‘Malou [Santos, Star Cinema's Managing Director], hindi muna. Wala pa akong isang taong gobernador. Malay ko naman na mananalo ako. So, hindi ako puwedeng nasa news na ako gagawa na ako ng pelikula, wala ka pa ngang isang taong gobernador. Pinagbigyan naman ako nina Malou.

"So, ngayon ang usapan namin nina Malou, at least, basta nakita ko na ang programa ko, ongoing. After one year and then smooth na, pupuwede ako. And nag-meeting na ako sa kanila."

Three weeks ago, nakipag-meeting si Governor Vilma with Star Cinema executives. At doon naplantsa finally ang pelikulang pagsasamahan nila ng Box-Office King na si John Lloyd Cruz na kukunan ang ibang eksena sa New York.

Continue reading below ↓



"Meron dito, pero meron din sa New York. Nabasa ko nga yung write-up kay John Lloyd. Na-touch naman ako nung nabalitang hindi matutuloy.

"Sabi niya, ‘Intindihin naman natin si Ate Vi. Kasi bagong upo lang siya,' which is true. Kasi siyempre akala niya baka tinanggihan ko, hindi. Kasi maganda yung movie. Maganda talaga yung movie."

"Meron akong anak na bading, pero wala na yung maraming-maraming bading. Isa lang. ‘Tapos nagkaroon ng relasyon kay John Lloyd. Pero later on mamamatay yung anak ko. Kaming dalawa ang mag-eengkwentro ngayon dahil galit ako sa kanya," pagkuwento ni Gov. Vi tungkol sa istorya ng gagawing pelikula nila ni John Lloyd.

May isang malaking surprise daw sa movie na isasama na gaganap na anak ni Governor Vilma na gay. Ni-reveal sa amin ng aming source ang isa sa kinu-consider na aktor na gaganap bilang anak ni Governor Vilma sa pelikula at lover ni John Lloyd. Nakarating na sa aktor ang offer pero nag-request siya sa Star Cinema Productions to give him time for at least one week bago niya ibigay ang kanyang desisyon.

Continue reading below ↓

SHARON'S REQUEST. Nagsabi na rin si Megastar Sharon Cuneta na magre-retire lang siya kapag nakasama na niya sa movie si Governor Vilma.

"Alam mo naman si Shawie. Ha-ha-ha!

"Hindi, pero, in fairness kay Shawie, hindi lang naman ito ang huli naming usapan nung birthday ni Ate Cristy [Fermin]. Maski tanungin ninyo ang Star Cinema, isa sa binilin niya sa Star Cinema na talagang makagawa kami ng pelikula. Sabi pa ni Shawie, kung mahihirapan kayo dahil sa talent fee namin, yung akin, huwag na muna ninyong ibigay matuloy lang ang movie namin ni Ate Vi. So, at this point in time, ano pa rin, script. Kailangan maganda. Huwag namang sayangin.

"Gusto ko yung ano, e, gusto ko yung ano pelikulang ano, yung mag-friendship na nag-suicide sa huli? Thelma and Louise! I love that movie.

"Pero hindi naman kailangang...hindi naman natin gagayahin yung ending. Pero yung tema ng character, puwede yun.

"Kung ako, yun ang ideya ko ng movie naming dalawa. Pero hindi ko alam kay Shawie kung ano ang gusto niya. But si Shawie, sabi niya, ‘Ate Vi, kahit extra lang ako. Kahit na ano, matuloy lang ang movie natin together.' Alam mo naman si Shawie," tapos ni Governor Vilma.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Governor Vilma Santos is proud of husband Ralph Recto's V.A.T. (Value Added Tax) bill, which she says is actually helping the country's economy. The Star for All Seasons also shares some details about the upcoming movie with Box-Office King John Lloyd Cruz. And she laughs at Megastar Sharon Cuneta's statement that she's ready to retire once she makes a movie with Gov. Vi.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results