Wenn Deramas tackles separate issues involving Kris Aquino and DJ Durano

Aug 15, 2008
"Hindi ako nagsalita for the longest time dahil ayokong lumala. Dahil I don't think may kinalaman kami ni Ai-Ai dahil usapang mag-asawa. Pero for the record, wala na si Kris dahil nga ayokong kami pa ang makapaminsala doon sa mag-asawa. Patahimikin natin sila," says Director Wenn Deramas when asked about the issue he and Ai-Ai delas Alas had with Kris Aquino and her husband James Yap.

Tinupad na ang long-time dream ng box-office director na si Wenn Deramas na magkaroon ng entry sa annual Metro Manila Film Festival at makasakay sa karosa sa pagkakapili sa movie niya starring the Comedy Concert Queen Ai-Ai delas Alas na Ang Tanging Ina Ninyong Lahat ng Star Cinema Productions.

"Masaya ako," lahad ni Direk Wenn nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "First movie ko ito. Alam mo naman ako, ang dream ko ay sumakay sa karosa. Nagpapagawa ako ng pelikula at gagawan ako ng pelikula ni Boss Vic [del Rosario, Viva Films big boss] next year para sa filmfest kasi dream ko'ng sumakay ng karosa. E, ngayon makakasakay na ako."

Tuloy pa rin ba ang gagawin niyang movie for MMFF under Viva Films kahit may entry na siya this year?

"I suppose. Meron pa akong two pictures sa Viva. Sana ipasok pa rin nila sa filmfest. Pero next year na ito kasi ang schedule ko pagkatapos ng Ang Tanging Ina Ninyong Lahat, Demetria ni Uge [Eugene Domingo] sa Viva, ‘tapos Batunting. Batunting is a dinosaur. Si Nash Aguas ang bida at pambata siya. Sinisimulan na namin ‘yan."

Continue reading below ↓

Sa rami ng naka-line-up na gagawin niya, siya pa rin ba ang magha-handle ng first team up ni Joseph Estrada at ni Ai-Ai?

"Hindi ko pa puwedeng sagutin. Ang alam nila nasa akin pa."

KRIS AQUINO. Naging kontrobersyal kamakailan ang pag-alok ni Direk Wenn kay Kris Aquino na magkaroon ng special participation para sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Ngayong nagkaayos na si Kris at mister nito na si James Yap, matutuloy pa rin ba si Kris sa movie?

"Hindi ako nagsalita for the longest time dahil ayokong lumala. Dahil I don't think may kinalaman kami ni Ai-Ai dahil usapang mag-asawa. Pero for the record, wala na si Kris dahil nga ayokong kami pa ang makapaminsala doon sa mag-asawa. Patahimikin natin sila."

But how true na nagkaroon ng shooting schedule si Kris para sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat pero hindi niya sinipot?

"Yes, totoo ‘yon. Ah, siguro kung meron lang akong very, again, ha, very, very, very, very slight na parang... ‘Bakit?' Kasi last minute.

Continue reading below ↓

"Nag-pack-up sila at twelve midnight. So, nag-cost-implication. Dahil ready na lahat, e. Alas dose na yun. Yun lang."

Nagbigyan ba siya ng paliwanag kung bakit hindi siya sinipot ni Kris sa shooting?

"Nag-usap kami ni Kris. By chance napadaan ako sa dressing room niya. Tinawag niya ako. Alangan naman ako ang tumawag. Ah, sinabi niya ‘yon.

"Nung narinig ko yung explanation niya, ang una kong sinabi, ‘Naku, huwag na. Huwag na nating gawin kasi ayoko namang maano ang married life mo para lang sa isang guesting.' It's not a whole movie. It's just an opening scene, cameo."

Sino ang ipapalit nila kay Kris?

"Ah, abangan nila kasi hanggang ngayon meron silang gusto na hindi pa ako ganun ka-solve for an opening, di ba?"

Hindi ba puwede si ex-president Cory Aquino na mismo ang umapir sa movie?

"Ayokong maging political ang dating ng movie namin. Ang pelikula ay tungkol sa isang ordinaryong nanay na may 12 na anak na menopausal na naging presidente. Ayokong maging political. Wala kaming [ginawang] spoof dito na gobyerno. Iningatan namin, yun."

Continue reading below ↓

Ano ang binigay na paliwanag ni Kris kung bakit hindi siya natuloy sa shooting?

"Dahil nag-away sila ni James."

Pero kahit daw nalaman at tumutol na si James sa pagsali ni Kris sa movie, nagpa-schedule pa rin daw si Kris ng shooting para sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat.

"Dahil gusto ni Kris. Siguro hoping din siya na habang dumadaan ang araw baka pumayag. E, hindi pumayag."

Na nag-cost tuloy ng malaking pera sa produksyon.

"Meron," sang-ayon ni Direk Wenn. "Tsaka ako lang. Si Ai-Ai kasi ang nangyari niyan may show siya sa Canada. Right after ng show dumiretso ng airport para dumating dito na pack-up pala.

"So, sana hindi nangarag yung babae na right after ng show dumiretso ng airport kung napaaga lang yung pack-up. Other than that walang isyu. ‘Yung kay Ai-Ai, sayang na-stressed-out siya habang nasa eroplano dahil nagmamadali, pagdating dito packup."

FIGHTING FOR DJ. Kinuha rin namin ang reaksyon ni Direk Wenn sa mga batikos sa talent niyang si DJ Durano.

Continue reading below ↓

"Bakit nasi-single out si DJ na parang ang lupit-lupit ninyo naman?

"Hindi naman siya bida. Hindi naman siya dyos, dyosa. Hindi naman siya si ‘My Girl.' Hindi naman ako ang direktor noon. Pero bakit parang malupit yung magtrabaho? Ano gusto nila, magnakaw yung tao? Yun lang ang question ko.

"As a manager, bakit hindi ko tutulungang kumita? ‘Tapos ‘pag sinabi ko naman sa producer agad-agad, okey.

"In Demetria hindi ko nilagay si DJ kasi nga somehow kawawa yung alaga ko, e. Tutal kinuha siya sa Baler, yung pelikula ni Anne [Curtis]. Kinuha siya sa Pieta ni Enrico [Santos]. Okey, nasa Batunting naman siya. So, sinabi ko kay Boss Vic, nung hinahanap ni Boss Vic yung, ‘Ano si DJ dito?'

"Last meeting lang ito, ‘Wala po.' ‘Huh, lagay mo,' sabi ni Boss Vic. ‘E, wala po'ng role.' ‘E, Mel,' yung writer, ‘Lagay mo,' sabi niya ulit. Siyempre natutuwa ako pero pinapangatawanan ko na. Kung ilalagay ko na singit lang, huwag na lang.

Continue reading below ↓

"Kung bibinigyan ko ng pagkakataon yung ibang artista na sumikat, kung binibigyan ko ng pagkakataon yung name-meet ko lang sa kalye at halika sa pelikula, meron akong ipinaglalaban na mga artista, bakit hindi ko magawa doon sa artistang meron akong porsyento? It's so unfair.

"'Tapos sasabihin nila kung anu-ano ang mga comments na mag-syota, mag-ano, ibig mong sabihin lahat ng direktor ganun? ‘Pag naglagay ng alaga, syota na? ‘Pag sinabi ko bang, ‘Naku, naapektuhan na ako. Hindi ko siya ilalagay,' may ipapakain sila? Sila ba ang magbibigay dito ng trabaho? Wala rin naman, di ba?

"Pag sinasabi nilang basura ang trabaho ko, bakit ako kinukuha ng ABS-CBN? At bakit ako nakakaikot sa lahat? Gusto ba ng ibang produksyon gaya ng Viva, ng Regal, ng Octo[Arts] ng basurero? O, mas maganda sigurong sabihin, ‘Ah, siguro may pera sa basura?'

"Minsan kasi, somehow may nakikita ako, e. Wala naman akong pretension una sa paggawa ng pelikula ko. Very clear ang objective ko diyan, to entertain," madiing tapos ni Direk Wenn.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ako nagsalita for the longest time dahil ayokong lumala. Dahil I don't think may kinalaman kami ni Ai-Ai dahil usapang mag-asawa. Pero for the record, wala na si Kris dahil nga ayokong kami pa ang makapaminsala doon sa mag-asawa. Patahimikin natin sila," says Director Wenn Deramas when asked about the issue he and Ai-Ai delas Alas had with Kris Aquino and her husband James Yap.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results