Krista Ranillo's dad has her FHM cover issue but doesn't open it

Aug 15, 2008
"He actually asks his friends to buy the magazine, pero huwag daw nila buksan! Biniro pa nga niya ako na siya na lang ang bibili ng lahat ng FHM para wala nang ibang makakita sa mga pictures, e," says Krista Ranillo about her dad Mat Ranillo III's reaction to her FHM cover pictorial.

Overwhelmed at happy ang naramdaman ng August 2008 cover girl ng FHM na si Krista Ranillo nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang autograph signing noong August 8 sa Robinson's Galleria para sa No. 1 men's magazine.

"I'm really happy that fans and magazine readers came and lined up just to see me here!" masayang bigkas ng young star. "I felt honored to be chosen as the cover girl of FHM and people close to me have been supportive of me from the start."

Nagkaroon din ng pagkakataon na maitanong ng PEP kay Krista kung kumusta na ang relasyon niya sa kanyang daddy na si Mat Ranillo III. Matatandaan na nagkaroon ng tampuhan ang mag-ama nang naging very vocal si Mat sa pagkadisgusto niya sa sex scenes ni Krista sa pelikulang Paupahan at ang pagku-cover ng anak sa FHM.

"Actually, my Dad and I are now okay," masayang balita ni Krista. "Meron nga siyang sariling kopya ng FHM, pero until now hindi pa din niya binubuksan dahil hindi niya yata kayang makita ang ibang mga pictures sa loob!" hirit ng dating child star.

Continue reading below ↓

"He actually asks his friends to buy the magazine, pero huwag daw nila buksan!" tawa niya. "Biniro pa nga niya ako na siya na lang ang bibili ng lahat ng FHM para wala nang ibang makakita sa mga pictures, e."

Nabanggit din ni Krista na may mga nakarating sa kanyang iba't ibang reactions mula sa mga kaibigan at former schoolmates niya sa Poveda tungkol sa pagpu-pose niya sa FHM.

"Masyado raw mahalay yung mga pictures ko," banggit ni Krista. "I can't blame them kasi it's their opinion. Pero still I am happy for what I did. Yung ibang teachers ko naman, todo ang support sa akin. Meron pa nga akong mga friends at dating batchmates from Ateneo na talagang ipinagtatanggol ako ‘pag may naririnig silang negative stuff na ibinabato sa akin, e." Graduate ng Interdisciplinary Studies si Krista sa Ateneo.

Tinanong din ng PEP kung tuluy-tuloy na ba ang pagpapa-sexy niya sa pelikula at TV.

Continue reading below ↓

"If there are offers, why not, di ba? I'm of age na din naman, pero still, I don't want to box myself into these sexy image. I want to follow the steps of my Hollywood idol na si Natalie Portman na kahit nagpapa-sexy siya at super galing na actress niya, parehas pa kaming graduate ng college," saad ng dating Click teen star.

Ano naman sa palagay ni Krista ang naging epekto at lagay ng kanyang career after niyang maging cover girl ng August issue ng FHM?



"There are a lot of offers now, pero we want to think about it carefully since hindi na ako exclusive sa GMA-7, open na ako for everyone. In fact, may Maalaala Mo Kaya episode nga ako na ipinalabas, kasama ko si Ms. Gina Pareño. Then, meron din akong regular show every Wednesday sa TV5 [former ABC-5] titled Hush Hush at meron ding naka-lineup na two movies for me. I think, one is a horror film with Kuya Germs yata," sabi ni Krista.

Continue reading below ↓
May nakatakdang autograph signing si Krista for FHM sa GBX store sa SM Pampanga sa August 16 at sa Robinson's Place Ermita sa August 30.
Read Next
Read More Stories About
Krista Ranillo, Mat Ranillo III
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"He actually asks his friends to buy the magazine, pero huwag daw nila buksan! Biniro pa nga niya ako na siya na lang ang bibili ng lahat ng FHM para wala nang ibang makakita sa mga pictures, e," says Krista Ranillo about her dad Mat Ranillo III's reaction to her FHM cover pictorial.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results