Matt Evans grateful to Melissa Ricks for granting him first-kiss privilege

Aug 15, 2008
"Kapag hindi kami magkasama, hinahanap din namin ang isa't isa. Kumbaga, kumustahan, text-text, yung ganun, or minsan sabay kaming nagpa-facial," says Matt Evans about screen partner Melissa Ricks.

Pag-uusapan tiyak ang kissing scene ng magkaparehang Matt Evans at Melissa Ricks sa primetime teleserye ng ABS-CBN na Iisa Pa Lamang. Nakunan ang kissing scene nina Matt at Melissa na tumagal ng ten seconds last Monday, August 11.

This is the second time na naglapat ang kanilang mga labi. First time nag-kiss sina Matt at Melissa sa Your Song. Pero ang kissing scene daw nila sa Iisa Pa Lamang ang pinakamatagal, so far. Ipalalabas ang episode two weeks from now.

Ano ang pakiramdam ni Matt pagkatapos kunan ang kanilang kissing scene?

"Siyempre, unang-una, masaya. Kumbaga, sa akin, hindi pa man siya [Melissa] nakakaranas yung ganun, sa akin niya naranasan. Kumbaga, alam ko naman na yun nga, sa trabaho lang," saad ni Matt sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon para sa kanila ni Melissa kagabi, August 14, sa 9501 restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Ano ang naramdaman niya nang lumapat na ang labi niya sa virginal lips ni Melissa?

Continue reading below ↓

"Unang-una, pagkatapos ng eksena, nag-sorry ako agad. Nag-sorry ako kasi kung tutuusin, dapat talaga yun, kung meron man, sa boyfiend or asawa, di ba? Pero hindi, e, para sa akin, e. Nag-sorry ako sa kanya. So, ‘tapos sabi niya, ‘Okey lang. Naintindihan ko.' Pero ako yung nahihiya para sa kanya kasi, unang-una, kumbaga ginusto niya dahil sa trabaho rin, kailangan. Trabaho talaga, walang personalan. Pero medyo na-guilty ng konti," sabi ni Matt.

Hindi ba siya kinilig sa kissing scene nila ni Melissa?

"Kinilig siyempre! Parang ahh...sarap! Ganun!" sabay tawa ni Matt. "Hindi, masarap kasi pinagkatiwalaan ako ng tao na ibinigay sa akin ang first kiss. Sobrang suwerte talaga."

Sa palagay ba ni Matt ay kinabahan si Meliss sa kissing scene nila?

"Wala naman. Ayun, kinabag ako!" tawa niya. "Sa akin naman po, medyo sa kanya naging uneasy sa una kasi ten seconds lumapat. Pero eksena lang yun. Wala talaga yun."

Continue reading below ↓

Pagkatapos kunan ng kissing scene nila, hindi ba sila nailang sa isa't isa?

"Hindi naman," sagot ni Matt. "At malamang masusundan talaga, kasi sa trabaho namin at kailangan talaga."

Tantiya ng marami, type naman ni Melissa si Matt.

"Ayoko kasi muna ng commitment," sabi ng binata.

Type ba niya si Melissa?

"Si Mel, hindi naman siya sobrang....masarap siyang kasama. Type ko si Mel, oo."

Nakalimutan na ba niya ang kanyang ex-girlfriend na si Olyn Meimban?

"Oo naman, pero hindi naman sa kinalimutan. Magkaibigan pa rin kami."

Hindi kaya sila pa rin ni Olyn?

"Hindi, wala na talaga."

Nagkikita pa ba sila ni Olyn?

"Hindi na."

Sobra ba siyang nalungkot nung nag-break sila ni Olyn?

"Oo, dati. Pero ngayon kasi, kumbaga, both sides na rin kaya okay na, e. Kaya hindi na namin pinag-uusapan."

March this year daw sila officially nag-break ni Olyn. Tinulungan si Matt ng mga kaibigan niya na maka-recover agad mula sa breakup, pati na si Melissa na araw-araw niyang kasama sa trabaho. Paano siya tinulungan ni Melissa na makalimutan si Olyn?

Continue reading below ↓

"Nung nalaman niya na break na kami ni Olyn, hindi naman siya nagtatanong gaano, yung ganun. Kumbaga, normal lang kung ano talaga yung ginagawa namin sa pang-araw-araw."

Third party ba ang dahilan ng breakup nila ni Olyn?

"Hindi, ano, kasi busy din ako, e. Busy sa trabaho. Lack of time. Nag-usap na lang kami na ano muna, cool off, lie low, ‘tapos yun na, totally breakup."

Handa na ba siyang magmahal ulit?

"Hindi na muna siguro," sagot niya. "Kasi gustung-gusto ko lang talaga yung trabaho, lalo na ngayon sa trabaho ko, meydo nakukulangan pa ako. Kasi gusto ko pang i-improve ang trabaho ko, ang acting ko. Yun muna ang inaatupag ko. ‘Tapos kapag okay na, naka-setlle na ako, okey na."

May nararamdaman ba siya para kay Melissa?

"Kasi ako, unang-una, wala akong kapatid na babae. Yung sinasabi ko na pagmamahal ko kay Mel, yung talagang as in best friend, kapatid, walang malisya."

Continue reading below ↓

How true na nagseselos si Matt kapag may ibang lalaking kausap si Melissa?

"Hindi naman," tanggi ng binata. "Pero siyempre parang nagseselos ako kasi parang kami lagi yung magkasama, ‘tapos parang...di ba?"

Baka kapag wala na sa kanya si Melissa saka magsisi si Matt?

"Hahanapin ko talaga siya kasi yung tao, napakabait sa akin at ang tagal na naming magkasama. So, maninibago talaga ako kapag hindi ko siya nakasama.

"Ngayon nga lang kapag hindi kami magkasama, hinahanap din namin ang isa't isa. Kumbaga, kumustahan, text-text, yung ganun, or minsan sabay kaming nagpa-facial. Hindi, kasi yung sponsor namin iisa lang. So, kapag minsan, mauuna ako sa kanya doon; minsan kasi nagpa-facial na siya."

May nagsasabi na pinipigil lang niya ang feelings niya para kay Melissa dahil ayaw ni Matt na masira ang friendship nila.

"Siguro kung may hinu-hold man ako, sa akin na ‘yon," sambit ni Matt..
Read Next
Read More Stories About
Matt Evans, Melissa Ricks
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kapag hindi kami magkasama, hinahanap din namin ang isa't isa. Kumbaga, kumustahan, text-text, yung ganun, or minsan sabay kaming nagpa-facial," says Matt Evans about screen partner Melissa Ricks.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results