Governor Vilma Santos likes positive effect of Angel Locsin on Luis Manzano

by Julie E. Bonifacio
Aug 15, 2008
"Alam mo, maraming nagsasabi sa akin in spite all the hardships na dinaanan ko, ‘tapos ‘eto, bakit kahit papaano still I look good, because I'm happy with my family. Ang foundation ko, pamilya, e. Kahit anong trabaho ko, kung sira ang pamilya ko, paano kang gaganahan magtrabaho?" says Governor Vilma Santos.

Nagpahayag si Batangas Governor and Star For All Seasons Vilma Santos sa posibilidad na magsama ulit sila sa pelikula ng perennial rival niya, ang Superstar na si Nora Aunor. Kung meron daw kasi na dapat magsalba ng career ni Nora sa pelikula, malaki ang maitutulong ni Governor Vi dito.

"Ay, hindi," sagot ng actress-politician sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Wala namang problema doon. Sana makita, kasi hindi ko naman siya nakakausap, e. Alam mo ang ibig kong sabihin? Pero kung ano yung nalalaman ninyo, nakakarating din sa akin. Hindi ko alam kung confirmed, but the way things are going, mukhang hindi nga maganda. Tama ba ako?"

Naniniwala si Ate Vi na makaka-recover pa si Nora. Isang magandang vehicle kay Nora kung nandito siya sa Pilipinas ang independent film na tinanggihan ni Vilma, ang La Independencia ng award-winning director na si Raya Martin.

"Hindi, hindi naman sa basta tinanggihan," paglilinaw ng actress-politician. "When I read the script kasi, hindi ako...bitin ako sa character nung nanay. The character of the mother is 30 percent of the story. It doesn't matter as long as may tatak, pero doon sa nabasa ko, nabibitinan ako. ‘Tsaka yung pagkamatay niya, ganun, e, bitin.

Continue reading below ↓

"I don't mind doing it. Baka nga sa trabaho ko, tama lang yung 30 percent. But there's bitin in the character of the nanay. E, ‘pag ganun ang pakiramdam ko, sabi ko nga kay Raya, ‘Raya, pagka ganito ang pakiramdam ko, huwag nating ituloy.' But that doesn't mean I will not support indie films. Kung meron kang ibang script, ibigay mo sa akin ngayon. I'm excited to do one talaga.

"And in fact, I told Raya, ‘To show you Raya how interested I am na makagawa ng isang indie film, ilang beses tayong nag-meeting ni hindi tayo nag-usap about my fee. Because I want to try it.' Unfortunately lang, nung nabasa ko yung script, bitin yung character na gusto ko."

FILM REMAKES. Nilinaw rin ni Governor Vi ang pagtanggi niya na lumabas sa remake ng pelikula niyang Miss X, na pagbibidahan ni Katrina Halili.

"Wala namang kumakausap sa akin. In-interview lang ako sa birthday ni Ate Cristy [Fermin]. Pero yung sasabihin mo may nagsabi sa akin, hindi ko alam na may gagawing Miss X, e. Sila lang ang nag-inform ‘tapos magge-guest ka raw. Walang lumalapit sa akin tungkol diyan," saad niya.

Continue reading below ↓

But what if may lumapit, tatanggapin ba niya?

"Hindi, depende," sagot ni Governor Vi. "‘Tsaka hindi ko nga alam, e, kung ano ang puwede kong gawin doon. Wala nga akong ideya, e, kaya depende. Walang nakikipag-usap sa akin tungkol doon, in fairness. But if they want to do a remake, I don't mind. Okey lang sa akin yun. Pero kung may special participation, hindi na muna.

"Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko diyan, e. Wala akong ideya. Basta ang alam ko, isa siyang OFW na napunta sa Amsterdam. Naging biktima doon. Walang choice, nawalan ng pera hanggang maging girl siya sa red-light district. Ang ending niya, in spite of all the hirap, bumalik pa rin siya ng Pilipinas, walang choice. Kaya wala akong nakikitang puwede kong gawin doon sa remake."

Wala bang offer for her to do a TV show or even a special?

"Noon pa rin ‘yan. Oo nga, e, yung time ko. Pati yung special meron sila, yung pang-40th anniversary ko nagplano na sina Chit [Guerrero]. Buhay pa yung direktor ng Vilma, si Romy Veron.

Continue reading below ↓

"Kasi dapat nag-ano kami nung 40th anniversary ko sa show business, pero hindi rin nagawa because of the time. Pero excited na ako, miss na miss na miss ko na rin ang showbiz, sobra! Nami-miss ko talaga."

Wala ring problema si Governor Vi kung i-remake ang kanyang mga pelikula ‘tulad ng Langis at Tubig, her 1980 film with the late Dindo Fernando and with Amy Austria.

"Okey lang," sabi niya. "Alam mo kasi kung minsan, happy din ako kapag nire-remake ang pellikula ko. Ibig sabihin, ang gaganda nung ginawa ko."

Ano naman ang masasabi niya kay John Lloyd na susunod niyang makakasama sa pelikulang gagawin nila sa Star Cinema?

"Naku, box-office! Box-office ang pelikula nila ni Sarah [Geronimo]. You know, ang tingin ko talaga kay John Lloyd, para siyang si Dindo Fernando. Yung mukha, galaw, pati yung klase ng acting. Good that he is good at the box-office. Si Dindo magaling, pero hindi siya box-office [king] but Dindo Fernando, e.

Continue reading below ↓

"Hindi ko pa napanood yung movie ni John Lloyd at Sarah [A Very Special Love]. Pero pinapanood ko lahat ang aming kasambahay. Oo! Gusto ko yung trailer, cute. Cute siya. Ang galing ng trailer," sabi ni Governor Vi.

VILMA'S FIRST SON. Ano naman ang masasabi niya sa paghuhubad ni Luis sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN na Dyosa?

Tumawa muna nang malakas si Governor Vi bago nakasagot.

"Itong anak kong ito, nakakabuwisit di! Lagi kong tini-text ‘yan. Sabi ko, ‘Anak, tigilan mo ‘yang pagiging exhibitionist mo.' Sabi ko, ‘Aminado ako, anak, maganda. Pinaghihirapan mo yung katawan mo. But you should know your limitations.' Tatawanan lang ako. ‘Hahaha! Mommy. If you have it, flaunt it!'" tawa rin ni Governor Vi.

"Iba na ang mga bata ngayon," patuloy niya. "That's why parents should adjust. Isipin mo kung ako yung makaluma, nagalit na ako noon sa sagot niya. Pero hindi, you should understand them."

Continue reading below ↓

Ano ang sinabi niya sa sagot ni Luis sa kanya?

"Natawa rin ako. Yun para bang, ‘O, just know your limits.' Yun lang. Pero ‘pag hindi ka adjusted, mahihirapan ka maka-cope sa klase ng mga bata ngayon."

Nakikita ba niya na may bakas din na susundan siya ni Luis as a public official?

"Yeah," sagot ni Governor Vi. "Later on kung ano, kasi nakikita niya rin ang ginagawa ko. Nakikita ni Luis yung... ‘Pag nakita niya na mahal din ako ng tao, parang pupuwede raw siya. Tinanong ko rin siya, e. Sabi ko, ‘Anak, someday nai-imagine mo ang sarili mong ganito?' Sabi niya, ‘Yes, Mom."

Looking forward naman si Governor Vi na magkasama sila ni Luis sa isang movie project.

"I'm very proud of my son. He can act, pero may room for improvement pa rin. Kasi tini-text ko ‘yan, e. Was it yung Kampanerang Kuba? ‘Anak, anak, sobrang lukot ng mukha mo nung umiiyak ka.' Meron naman, ‘Anak, perfect ang tulo ng iyak, ganyan lang. Pag-aralan mo ‘yan.' You know, I tell him that."

Continue reading below ↓

Paano tini-take ni Luis yung advise niya?

"Ah, okay sa anak ko. Minsan nagtatanong pa siya sa akin. So, may room for improvement si Lucky. Ah, hosting, no doubt. ‘Tsaka kapag napapanood ko, ang yabang ko! Ang galing niya talaga. Singing career, pareho kami! O di ba?" tawa niya.

"Dancing career, kami the best. Ang galing-galing niyang sumayaw! Bihira nga siyang sumayaw sa ASAP '08. E, hindi tinanong ko rin, ‘Anak, ano bang ano mo sa ASAP?' Host daw talaga siya. Binibigyan lang siya ng ganun [dance numbers] kapag birthday niya. Pero ang kontrata niya doon is just a host, not really a performer. ‘Tapos ang isang proud lang ako sa anak ko, imagine, Lucky now is 27, mabait pa rin, di ba?"

POSITIVE EFFECT. Ano naman ang masasabi niya sa nababalitang girlfriend ni Luis na si Angel Locsin?

"I love Angel," sagot niya.

Ayon sa ina ni Governor Vi, tatlong beses na niyang nakita si Angel sa mahahalagang okasyon ng pamilya. Gusto rin daw ni Mama Santos si Angel dahil marespeto. Ano ang masasabi ni Governor Vi rito?

Continue reading below ↓

"No comment ako," iwas niya. "Huhulihin ninyo ako, e. Basta alam ko maligaya si Lucky. Ayoko because there are some private moments na hindi dapat sabihin. Pero si Mama pala ang nagkukuwento. Pero ano, very marespeto. Nakasama ko siya [Angel] sa Mano Po, marespeto siya at saka tahimik lang."

Maging ang ama ni Luis na si Edu Manzano ay sinabi rin na gusto niya ang influence that Angel has on Luis.

"That's very true. That is very, very true. Maganda sa nakikita ko. Naku, ha!"pagpipigil pa ni Governor Vi.

"Maganda yung impluwensiya ni Angel kay Luis. I agree with Edu. Even yung outlook ng anak ko ngayon, iba. Maganda, maganda, ‘tsaka laging happy. ‘Tsaka guwapito, kasi nga blooming."

Ipapasa ba niya kay Angel ang kanyang mga panyo if ever?

"Hindi puwede. Bibigyan ko siya, pero hindi ko ipapasa ang panyo ko. Because ako ang mawawalan. Ayoko!" ngiti ni Governor Vi, na kilala sa kanyang trademark na panyo.

Continue reading below ↓

Nabalita na niregaluhan na ni Governor Vi si Angel ng panyo last Christmas.

"Marami na rin akong nairegalo sa kanya. Pero hindi lang namin sinasabi. Marami na kaming regaluhan sa isa't isa. Pero sa amin na lang.

"You know, sa nakikita ko, ha, parang maganda yung team nung dalawa. Kasi yung weaknesses nung isa, nandun yung strength and baliktad; and they compliment each other with that and they both grow positively. Nagtutulungan sila.

"Kasi yun din ang nababanggit sa akin ni Angel kapag nagkakausap kami. At yun din ang nababanggit sa akin ni Lucky. So which means naggro-grow sila positively and sa relationship, yun ang importante. Yun ang maganda doon," saad ni Governor Vi.

Tinuturuan din daw ni Angel si Luis na mag-grocery.

"May time na sabay sila [Angel at Luis]. At least ang anak ko natututo. Marunong nang mag-grocery ngayon. Magluto? Ay, ano ka ba, e HRM ‘yan! Mas marunong siyang magluto kesa sa akin. ‘Pag gumawa ‘yan nung mga gourmet na prawns? Hindi nga ako marunong magluto. Yung anak ko, gourmet kung gumawa.

Continue reading below ↓

"Ang dream niya talaga someday to have his own restaurant and bar. But I told him then na you have to get also ano, business management [course], in order na ma-guide-an ka, you know."

YOUNGEST SON. Kumusta naman ang bunso niya na si Ryan Christian?

"Pinagbibigyan ko once a month [na lumabas sa Goin' Bulilit]. Si Ryan, alam n'yo ba nung Grade V siya, nung finals niya, hindi na siya kumuha ng final exam? Exempted siya. Nagte-test yung iba niyang classmates, siya nasa bahay. Kasi sabi ko, ‘It's your exam.' ‘I'm exempted, Mama. I just go there to visit my classmates.' And he is the president of his class. Ngayon, siya na ang presidente ng klase niya, he's Grade six na," pagmamalaki ni Governor Vi sa kanyang bunsong anak.

Dagdag niya, "Ay, oo, artista yun. Malambing pa na bata. Alam mo, maraming nagsasabi sa akin in spite all their hardships na dinaanan ko, ‘tapos ‘eto, bakit kahit papaano still I look good, because I'm happy with my family. Ang foundation ko, pamilya, e. Kahit anong trabaho ko, kung sira ang pamilya ko, paano kang gaganahan magtrabaho?

Continue reading below ↓

"I'm proud of my two sons. Ralph [Recto, he husband] is doing good. I'm being guided by Ralph. Mahal ka ng constituents mo. Yun ang nagbibigay sa akin ng adrenalin, lakas ng loob. Kaya pinagtatakhan nila paano ko raw nakakaya lahat. Yun yun, e. Parang yung kabuuan.

"Pag-uwi ko, nandiyang tuturuan ko ng assignment yung anak ko. Magkasama kaming nanonood ng TV. Kakain kami kung ano ang gusto namin. Lalaro, magsu-swimming kami. Si Lucky, nandiyan lagi. Walang araw basta pagkagaling ko ng opisina, paglabas ko nito [office], ko-call na ako, ‘Anak, where are you? Anong gimik mo? Do you have work today?' Every day ‘yan, twice a day. One checking in the morning and one after my work, I double check my children," pagtatapos ni Governor Vi.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam mo, maraming nagsasabi sa akin in spite all the hardships na dinaanan ko, ‘tapos ‘eto, bakit kahit papaano still I look good, because I'm happy with my family. Ang foundation ko, pamilya, e. Kahit anong trabaho ko, kung sira ang pamilya ko, paano kang gaganahan magtrabaho?" says Governor Vilma Santos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results