Katrina Halili's career shoots sky high after period of no growth

Aug 16, 2008
"Darating at darating, kahit hindi ko hingin. Itong nangyayari sa buhay ko, hindi ko naman in-expect talaga. Kaya happy ako. Kasi, kung nag-expect ka at hindi natupad, frustrated ka, sasama ang loob mo. E, kung hindi, kung ano ang magandang dumating diyan, magiging happy ka at thankful," says Katrina Halili.

Dapat ay tularan ng ibang contract stars ng GMA-7 si Katrina Halili. Hindi ito ipokritang inamin sa amin na may pagkakataong halos anim na buwang walang ibinibigay na matinong assignment ang GMA-7 sa kanya noon, pero mas nanaisin daw niyang bumalik na lang sa Palawan, kaysa magbantang lumipat sa ABS-CBN.

"Binibigyan ko pa rin ng priority ang GMA-7 dahil kahit ganoon ang sitwasyon ko noon, hindi ko masasabing totally ay pinabayaan na lang nila ako. Iniisip ko na lang na darating din yung time ko, pero hindi mo maiaalis sa akin ang mag-isip,despite my loyalty, siyempre, bakit parang walang pinupuntahan?

"Hindi naman puwedeng nagtatagal ka sa sitwasyong walang growth sa career, di ba? Pero, hindi ako nag-expect ng kung anu-ano. Kasi, hindi naman mataas ang ambisyon ko, sa totoo lang. Kung ano ang ibibigay sa akin ng GMA, at kung hindi na nila ako papansinin, babalik na lang talaga ako sa Palawan," sabi pa ni Katrina nang pasyalan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, August 15, sa Mt. Carmel Church, Quezon City, para sa ilang huling eksenang kukunan sa pagtatapos ng Magdusa Ka.

Continue reading below ↓

Pero hindi ganoon ang nangyari. In a suddent twist of fate, gumanda ang takbo ng lahat sa career ni Katrina. Pagkatapos na mapansin bilang kontrabida ni Marian Rivera sa Marimar noon, pinagkatiwalaan na siya ng GMA-7 para magbida sa afternoon teleseryeng Magdusa Ka.

"Nang maramdaman kong buo ang tiwala ng GMA-7 sa akin, nag-focus talaga ako, to the point na hindi ko masyadong binibigyan ng pansin ang love life. Wala munang ganyan. Happy na ako na may friends na nagte-text-text," sambit pa ni Katrina.

PROJECTS. Definitely, mas gumaganda ang career ni Katrina sa ngayon dahil hindi lang siya pang-TV. Two weeks na lang at matatapos na ang pagsasaere ng Magdusa Ka, nakatakdang siya uli ang maging leading lady ni Dennis Trillo sa Gagambino.

"Kasama ako sa One Night Only ng OctoArts, at hindi totoong ako ang bidang-bida sa project na 'yan dahil marami kaming magkakasama. Nagkausap na kami ni Angelica [Panganiban] at ready na kaming magtrabaho para riyan. Marami pa kaming ibang kasama sa cast.

Continue reading below ↓

"May pagka-liberated ako sa istorya, tipong may sugar daddy. Tipong makulit ako riyan. Iba-ibang istorya ng mga babae. So, kailangang marami kami.

"Ganoon din sa Sundo, na kasama ko si Robin Padilla. Again, hindi ako ang solong leading lady riyan. Nariyan sina Rhian Ramos at Sunshine Dizon. Kaya lang si Rhian, ang role niya, sister ni Robin, iba rin ang role ni Sunshine. Parang masasabit lang ako sa istorya at magkakaroon kami ng romantic involvement ni Robin diyan.

"'Yung takbo ng istorya, parang nasabit nga lang ako, tipong sa Final Destination. Sa story, nagpapa-cute ako kay Robin," naikuwento na lang ni Katrina.

WORKS ABROAD. Mahihinto muna ang lahat ng aktibidades ni Katrina dahil nakatakda siyang lumipad patungong States for a series of events. Personal raket daw niya yun.

"Hindi na nga ako natutulog dahil dire-diretso ang shooting. Kapag ganyang aalis ako, nagkakadikit-dikit at nagpapatung-patong na ang schedule," napapailing na sabi pa ni Katrina.

Continue reading below ↓

"For two weeks akong mawawala. Talagang tinapos ko na lang itong Magdusa Ka. Pupunta ako sa San Diego, San Francisco, Las Vegas, at mayroon pang isang hindi ko matandaan, pero apat na cities 'yan, e.

"Magpe-personal appearance ako, kakanta, autograph signing, mga ganoon. Bale third time ko na ito sa U.S. Noong June, first time, nagpunta ako sa New Jersey. 'Tapos, July, sa Virginia na.

"Baka sa October, mag-Dubai ako. Magsu-shoot ako ng Miss X sa Europe naman. Then, December, sa Los Angeles. Para akong balikbayan," natatawang sambit ni Katrina.

NO EXPECTATIONS. Ito nga ang maganda kay Katrina, wala siyang expectations. Sinasamantala na lang niya ang opportunities.

"Sa rami ng ginagawa ko rito, nakakapag-abroad pa ako for work pa rin. Sabi ko nga, gagawin ko na lang lahat ito, habang nariyan. At least, kung wala na, nagawa ko na ang lahat. Na-maximize ko na," aniya pa.

Yun lang ang attitude niya na dapat ay tularan ng ibang nag-iinarteng nagbabantang lumipat sa kabilang network kapag hindi nakukuha kung ano ang gusto.

Continue reading below ↓

"Ganoon kasi ako, kung darating, e, di darating," aniya pa. "Bakit pipilitin kung hindi naman mangyayari? Kung ano ang ibinigay sa akin, yun na yun.

"Darating at darating, kahit hindi ko hingin. Itong nangyayari sa buhay ko, hindi ko naman in-expect talaga. Kaya happy ako. Kasi, kung nag-expect ka at hindi natupad, frustrated ka, sasama ang loob mo. E, kung hindi, kung ano ang magandang dumating diyan, magiging happy ka at thankful.

"Mas maganda ang feeling nang hindi ka nangarap, 'tapos, ibinibigay sa 'yo," pagwawakas na lang ni Katrina.

Read Next
Read More Stories About
Katrina Halili
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Darating at darating, kahit hindi ko hingin. Itong nangyayari sa buhay ko, hindi ko naman in-expect talaga. Kaya happy ako. Kasi, kung nag-expect ka at hindi natupad, frustrated ka, sasama ang loob mo. E, kung hindi, kung ano ang magandang dumating diyan, magiging happy ka at thankful," says Katrina Halili.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results