Annabelle Rama sarcastic on Dingdong-Marian birthday concert going head-to-head with Richard-KC movie

IMAGE 0


"Natutuwaako sa ginawa ninyo, hindi ko alam kung bakit ninyo ginawa ‘yan pero okey lang saakin. Wala tayong magagawa kasi nandiyan na ‘yan. Maraming salamatsa lahat," Annabelle Rama sarcastically says when asked for her comments on the samedate of the Dingdong Dantes-Marian Rivera birthday concert and her sonRichard Gutierrez's movie For The FirstTime.



Mataposang kontrobersiyal na Bench Blackout, kung saan nagpahayag noon ng sama ng loob si Annabelle Rama dahil sa hindi rawfair na treatment na ibinigay sa anak niyang si Richard Gutierrez, nahulaan nang sisiklab na naman ang galit nito dahil sapagkakasabay ng first showing day ng ForThe First Time na pinagbibidahan nina Richard at KC Concepcionsa birthday concert naman nina DingdongDantes at Marian Rivera sa Araneta Coliseum on August 27.

Kasabayang TV showbiz news show na Cinema One, narinig ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) ang mga pahayag ni Annabelle via phone last Wedenesday, August 13,hinggil sa tila bagong isyung papasukin ng matapang na ina't manager niRichard. Although kalmado ang boses, mararamdaman mong may sama ng loob ng mgapahayag ni Annabelle.

"Hindiako papatol sa mga isyu na ‘yan. Luma na ‘yan. Tapos na yung mga birthdaysnila [Dingdong and Marian], ang tagal-tagal na. Sinasadya talaga at pinagplanuhan," sabi ni Annabelle.

Sadiretsahang tanong ng PEP kung may sama ng loob ba siya sa GMA-7 at kung maymensahe siya gustong iparating, ito lang ang binitawang salita ni Annabelle:

"Wala, okey lang sa akin yun. Natutuwa ako sa kanila,tuwang-tuwa ako. Natutuwa ako sa ginawa ninyo, hindi ko alam kung bakit ninyoginawa ‘yan pero okey lang sa akin. Wala tayong magagawa kasi nandiyan na‘yan. Maraming salamat sa lahat," panunuya niAnnabelle.

"'Tsakasa akin ang importante ay yung dalawa [Richard and KC], nagtatrabaho sila,tinatapos nila yung pelikula nila at maganda yung movie. Sinisigurado ko yun,lahat ng tao manonood nito. Kasi unang-una, bagong chemistry, first time nilanagsama. Magandang-maganda yung pelikula kaya lahat talaga magugustuhan nilaito."

Maymensahe ring iniwanan si Tita Anabelle para naman sa mga KC-Richard fans at sapelikulang For the First Time ng StarCinema.

"Samga fans nila KC at Richard, sana suportahan nila yung For The First Time kasi napakaganda ng pelikulang ito. At ‘pagnapanood na nila, puwede nilang ulit-ulitin kasi napakaganda."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN