Valerie Concepcion answers Jenny Miller's "snubbing" accusation

IMAGE 0


"Afternung ma-interview ako ng Startalk nilapitanko naman agad siya para mag-sorry. Kung may problema pa siya at leastalam ko. Unang-una, kahit alam ko na wala akong kasalanan dahil wala namangakong ginawang masama sa kanya, nag-sorry pa rin ako dahil na-offend palasiya. Sa akin tapos na yun, at least, I did my part. Alam ko malinis angkonsensiya ko. Lalabas at lalabas ang truth," says Valerie Concepcion (right) whenasked if



Nakaw-eksena sa nakarang party ni Dra. Vicki Belo ang Wowowee co-host na at Kapuso turned Kapamilya na si Valerie Concepcion at ang formerKapamilya turned Kapuso na si Jenny Miller.

Ayonsa mga lumabas na kuwento, nag-ugat ang problema nina Valerie si Jenny nanghindi raw paupuin ng una ang huli. Katuwiran daw kasi ni Valerie, naka-reservena raw ang dalawang katabing upuan niya for Angel Locsinand Piolo Pascual. Dito raw nagpanting ang tengani Jenny kung kaya't ‘di raw nito napigilang magalit at magtaray. (Click here to read related article.)

Perosa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Valerie last kahapon,August 15, sa hallway ng studio napinagdadausan ng Wowowee,sinabi niyang nakita na niya agad nung gabing yun na lalaki talaga ang isyu sakanilang dalawa ni Jenny.

"Medyoalam ko nang lalaki, kasi nung gabi palang na yun, may sumalubong na agad saaking TV crew ng Startalk paglabasko. Tinanong ako tungkol dun, sabi ko nga, ‘Ah, mayroon [isyu] ba?' Sabiko sa pagkakaalam ko wala akong ginawang kasalanan unless na may ginawa akotalaga, yun at kailangan kong mag-sorry sa kanya," saad ni Valerie.

Ayonkay Valerie pagpasok palang niya sa ballroom ay agad siyang lumapit kay Jenny,nakiupag-usap dito at humingi ng tawad kahit pa nga alam niya na wala namantalaga siyang ginawang kasalanan dito.

"Pumasokako at pagpasok ko pa lang, nilapitan ko agad si Jenny, ‘tapos sabi ko, ‘Mayissue ka raw sa akin?' Ang lakas ng loob ko nun kasi alam ko, wala akongginawang masama sa kanya.

"Tinanongko siya kung bakit. Sabi niya kasi raw I said ganito, ganun. Ang reactiondaw niya kay Elise [Dra. Vicki Belo's secretary], 'Elise, Angel is coming daw, kaya I can't sit there.' Sabi ko, 'What? I can't remember that I said that, na ginawa koyun, wala talaga akong matandaan. Butanyway kung na-offend ka, even if I didn't mean anything, I'm really, reallysorry. Sabi niya, ‘Okay, but be careful next time.' After that, umalis na ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maysariling bersyon si Jenny sa nangyari, pero nang tanungin naman namin si Val sakung ano ba talaga ang nangyari, heto ang kuwento sa amin ng aktres.

"Originaly, kasama ko talaga si Angel. Nag-text siya sa akin na padating na raw siya at kasamaniya si Piolo... May tatlo pang seats na free, lumapit sila [Jenny] ni Elise sa akin,tinanong ako kung sino daw ang nakaupo dun. Sinabi ko, I'm with Angel and Piolo,pero di ko sinabing bawal umupo dun or whatever.

"Siguronabigyan niya ng ibang meaning at malamang nga, kasi paglabas ko, nilapitan agadako ng Startalk, in-interview agadako na kesyo tinarayan ko raw si Jenny. Gulat na gulat talaga ako. Ah,ginawa ko ba yun? Ang sinabi ko lang, kasama ko sina Angel and Piolo but Ididn't mean anything. hindi para di siya paupuin, I just said the truth," lahad ni Valerie.

May plano pa ba siyang kausapin si Jenny?

"Hindina, wala na," sagot ni Valerie. "After nung ma-interview ako ng Startalk, nilapitan ko naman agad siya para mag-sorry. Kungmay problema pa siya, at least alam ko. Unang-una, kahit alam ko na wala akongkasalanan dahil wala namang akong ginawang masama sa kanya, nag-sorry pa rinako dahil na-offend pala siya. Sa akin tapos na yun, at least, I did my part.Alam ko malinis ang konsensiya ko. Lalabas at lalabas ang truth."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN