Say Alonzo says goodbye to Star Magic, "goes back" to being Kapuso

IMAGE 0


"Sobrang okey silang ka-work. Ang babait nila,sobra! Sobrang accommodating. Hindi mo mapi-feel na taga-kabila ka or galing kadun. Sobrang mabait talaga sila. Hindi ko ma-feel na iba ka, kahit konti," says Say Alonzo about the GMA-7 people she is now working with.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal)si Say Alonzo a few days after her birthday (her actual birthday is August 6)sa isang cozy restaurant sa may C-5 Road. Kapansin-pansin na mas maganda ang aurani Say ngayon at mukhang inspired. Pero siya na ang nagsabing, she's inspiredwith work right now and that she has a new manager.

GOODBYE TO STAR MAGIC. Nag-end na nga raw ang kontrata niya sa Star Magic,so she decided na magpa-manage naman kay Rommel Gacho. Isang bagay napinag-isipan din daw muna nila ng kanyang mommy lalo pa nga't ever since, she'swith Star Magic nga naman.

"Actually, matagal na rin kasing tapos yungcontract ko sa Star Magic. Napag-isip-isip ko at ng mom ko na kailangan na rinng change. Naisip ko na siguro, kailangan na rin ng bagong manager at si TitoRommel, sobrang magaling mag-manage and mabait...as I've heard from our commonfriends and other people."

Maayos naman daw ang pagpapaalam niya sa datingmanagement group.

"Sobrang-sobrang okey! Kasi, noong kinausap ko yunghandler ko, si Ate Gidget dela Cuesta, kinausap ko siya about it at sabi namanniya, kung saan naman daw ako masaya, they will be supporting me naman daw.Kasi, I stayed with them after PBBand I also got to talk to Tita Mariole [Alberto] sa Star Magic Ball, which wasthe last thing I did for them. And Mr. M [Johnny Manahan] was theretoo. At sabi lang nila, good luck. They will always be proud of meand I will always be a part of them.

Dugtong pa niya, "We parted ways na maganda andthey know me na gusto kong mag-grow at gusto kong maging successful. Atalam nyo naman na masyadong maraming artist na dumarating at marami rin namanang umaalis. Siyempre, ako na rin mismo ang kailangang gumawa ng paraan paramagkaroon ako ng place rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka, gusto ko rin i-prove sa mga tao na maramipa naman akong puwedeng ibigay. Hindi lang po talaga ako nabibigyan ng chance."

KAPUSO FROM THE START. Hindi ba naging mahirap sa kanya to change "home"?Especially for someone like her na masasabing produkto ng isang talent searchng ABS-CBN?

"Of course, it's gonna be hard but I think kayanaman and with the help of Tito Rommel and I have many friends naman in GMA.Alam ko na sa PBB talaga ‘konakilala. Pero actually, noong college days ko pa, pagkagaling ko sa States, Ireally started in GMA," sey niya.

"Nag-guest ako three episodes ng Click at bale sa Magpakailanman. But then, after that, sabi ko, parang mahirap yata,so, I finished my studies ‘tapos, yun nga, I joined PBB. So, going back to your question kung mahirap bang mag-changeng network? I'm not gonna say naman that I changed network, because I don't havenaman exclusive contract in GMA as of now, so, I can guest anywhere and doanything in any network. So, okey lang naman. And it so happenedthat my manager lang is more identified with GMA, and I'm happy and justexcited lang."

HAPPY WITH GMA-7. So far daw, wala pa rin naman siyang regular showsa Kapuso network, though, for a month ay napanood siya sa Nuts Entertainment as guest and since December, marami na rin dawsiyang nagiging guesting sa GMA-7.

"Sobrang okey silang ka-work. Ang babait nila,sobra! Sobrang accommodating. Hindi mo mapi-feel na taga-kabila ka or galing kadun. Sobrang mabait talaga sila. Hindi ko ma-feel na iba ka, kahit konti."

Marami raw plano ang bago niyang manager. And she'sjust crossing her fingers na mag-materialize lahat ng plano nito. PEPasked Say kung siya ang masusunod, ano talaga ang gusto niyang gawin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko talaga mag-host. Yun talaga ang love konggawin. At saka, siyempre, gusto ko pa rin mag-act pero yung very lightlang like romantic comedy. I don't want naman yung heavy drama but I'm open toanything. And of course, singing...actually, kahit ano naman, but sana , huwaglang yung sobrang paseksi."

NOT "PA-CUTE" ANYMORE. Aware si Say na ang impression ng iba, tilahanggang pagpapa-cute lang daw siya, to which she totally disagrees. "Well, maymga naririnig ako na before, sinasabi nga nila na si Say, puro pa-cute lang‘yan, kaartehan. Pero let's forget about that already. That was three yearsago...

"I mean, PBBdays...you know, what I can give is so much more than what you just saw in areality show, because reality show is every day life, reality...but when youthink about work like acting, singing, hosting...there's so much more that I cangive. And sana , the people that watched me in PBB can really let go of that.

"That was three years ago, tapos na yun. So, yungmga taong nagsasabi na ito lang ang kaya niyang gawin, pa-cute, maarte... Dude,iwanan na natin yun. Sana lahat ng tao bigyan ng chance. Sana itong chance naito na ibinibigay sa akin ni Tito Rommel, ito na talaga."

INSPIRED. Pagdating sa love life, kung ilang beses na rinna-link si Say sa iba't ibang personalidad pero pinabulaanan nga niya halos anglahat ng ito. Now, she's quick to say that she's inspired, pero, hanggang doonpa lang daw.

"Well, I'm seeing someone and I'm inspired becauseof this person. He's not from showbiz, he's a really, really very privateperson. And let just see what happens. Yun lang," natatawa nga niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN