Three months after giving birth, Viva Hot Babe Sheree is back to her sexy form

Aug 16, 2008
"Siyempre po, mas nabago na ang katawan ko. As in dati, wala akong puwet at balakang. Ngayon, lumaki ang puwet ko at nagkaroon ako ng balakang! Parang mas nagkaroon nga ng shape o mas naging proportion ang body ko, e. At saka mas lumaki yung boobs ko, ha-ha-ha-ha!" Sheree boasts.

Three months after giving birth, mas lalong naging sexy ngayon ang dating Viva Hot Babe na si Sheree. Nakapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, August 15, sa Celebrity Night ng National Press Club sa Intramuros, Manila at masayang ibinalita ng morenang sexy star na back to normal ulit siya.

SHE'S BACK. Maraming nakaline-up na trabaho si Sheree, kabilang dito ang isang indie film, ang paglabas niya sa FHM this September, ang pagkakaroon ng bagong album at ang pagiging bahagi ng cast ng Codename: Asero na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.



"Yung indie film, ang title Puntod. Pero hindi ko pa actually alam kung sino ang kasama ko rito. Ang alam ko lang, bata siya. So, tomorrow ko pa malalaman iyon, ang director namin ay yung direktor ng Banal, si Direk Cesar Apolinario.



"Tapos kasali rin ako sa Asero. Ako si Malta rito, isa ako sa agent na, kung iyong iba ay ‘HD' [hidden desire] nila si Richard, ako ipinapakita ko talaga na gusto ko siya na garapalan talaga. Magkakampi kami ni Richard ngayong robot na siya, pero hindi ko alam kung sa bandang huli ay ganoon pa rin.

Continue reading below ↓



"Then, may gagawin din akong album, pero under negotiations pa, pero baka sa Sony-BMG. At saka lalabas ako next month sa FHM, so three months after kong manganak, balik na ulit ako," nakangiting panimula ni Sheree.



"Nagpapasalamat din ako sa GMA-7, very thankful ako sa Kapuso Network dahil sila ‘yung nagbigay sa akin ng chance para makabalik agad ako. Kaya tinatanaw ko talagang malaking utang na loob iyon," dagdag pa niya.



Inusisa ng PEP kung paano niya nagawang maging sexy ulit sa loob lang ng maigsing panahon matapos niyang isilang ang love child nila ni Gian Magdangal na si Gian Haley.



"Hindi ko alam e, ano ba ang ginawa ko? Kain lang naman ako nang kain e, siguro lang ay nasa metabolism ko rin e, mabilis lang siguro yung metabolism ko.

"Actually, kailangan lang ng galaw nang galaw, e, at saka nasa Shall We Dance [program ni Lucy Torres sa TV5] kasi ako, kaya medyo nae-exercise rin kahit paano. Ang partner ko roon ay si Kiko ng Maneuvers."

Continue reading below ↓



PREGNANCY BLUES. Inamin din ni Sheree na nagkaroon siya ng depression nang nalamang buntis siya noon.



"Ay oo, siyempre na-depressed-depressed din ako at pumasok talaga sa isip ko na katapusan na yun ng career ko. Parang sabi ko sa sarili ko, ‘Wala na, tapos na ito.' Kaya nga hindi rin agad namin sinabi ni Gian sa publiko nang nalaman naming buntis ako, kasi iniwasan namin yung mga negative write-ups, which is lumabas talaga nang nabuntis ako, na ganoon nga raw, tapos na ang career ko. Kaya actually, na-depressed ako noon e. Pero sabi ko naman, si Lord, hindi naman niya nakakalimutan... na talagang God will always make a way naman, e.



"So, masaya naman ako pagkatapos kong manganak. Bumalik na agad yung katawan ko, two days after nga. Ang talagang una kong tiningnan ay yung tiyan ko. Mabuti at walang stretch mark at two days after, as in nag-flat din agad siya.

Continue reading below ↓



"And bago ako nagbuntis, 22 ang waistline ko e, ngayon 24 na, medyo lumaki siya. Pero natakot talaga ako, kasi yun talaga ang worries ko after I gave birth, kaya nang nakakatayo na ako, dumiretso talaga ako sa salamin, yun agad ang pinuntahan ko para matignan ko kung okey pa ba ang katawan ko, ha-ha-ha-ha!," nakatawang esplika pa niya.



CHANGES IN HER BODY. Idinagdag pa ni Sheree na ang pagbabago sa katawan niya after giving birth ay mas paborable para sa kanya.



"Siyempre po, mas nabago na ang katawan ko. As in dati, wala akong puwet at balakang. Ngayon, lumaki ang puwet ko at nagkaroon ako ng balakang. Kaya mas thankful ako ngayon dahil yung mga insecurities ko before, like, sabi ko nga, ‘Shit, wala akong puwet.' Pero ngayon, may puwet na ako, may balakang na rin. Parang mas nagkaroon nga ng shape o mas naging proportion ang body ko, e.

Continue reading below ↓

"At saka mas lumaki yung boobs ko, ha-ha-ha-ha! Umabot pa nga ng 36 inches dahil panandalian akong nag-breast feed, e.



"Kaya no regrets, dahil talagang sobrang happy ako ngayon sa pagiging mommy ko. Happy ako ngayon sa career ko and at the same time ay haping-happy ako sa baby ko and happy pa ako sa daddy niya," nakatawang wika pa ng morenang aktres.



Kasal na ba sila ni Gian?



"Hindi pa po, pero may plano na kami. Bale, mag-iipon muna kami,para talagang bongga yung wedding, hindi ba? Ha-ha-ha-ha!"



This year kaya o next year pa?

"Kasi, yung mommy ko hindi pa rin makauwi ng Pilipinas, nasa States siya. So, hihintayin ko muna na makauwi siya, dahil sabi niya sa akin, huwag muna akong magpapakasal hangga't hindi pa siya nakakauwi. So, hopefully kung makakauwi na ang mom ko, baka next year kami magpakasal ni Gian."

Read Next
Read More Stories About
Sheree, Gian Magdangal
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siyempre po, mas nabago na ang katawan ko. As in dati, wala akong puwet at balakang. Ngayon, lumaki ang puwet ko at nagkaroon ako ng balakang! Parang mas nagkaroon nga ng shape o mas naging proportion ang body ko, e. At saka mas lumaki yung boobs ko, ha-ha-ha-ha!" Sheree boasts.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results