Sandara Park returns to Korea without seeing ex-boyfriend Joseph Bitangcol

by Julie E. Bonifacio
Aug 17, 2008
The "Pambansang Krung Krung ng Pilipinas" flew back to Korea last Tuesday, August 12. Sandara Park says she'll come back again to the Philippines when she already has her own Koreanovela.

Nakabalik na sa Korea ang tinaguriang "Pambansang Krung Krung ng Pilipinas" na si Sandara Park. Inihatid si Sandara sa airport nung Tuesday, August 12, ng ilang malalapit na kaibigang artista at mga dating kasamahan sa ABS-CBN Star Magic.

Dumating ng Pilipinas si Sandara last week. Nang malaman ng ABS-CBN ang kanyang pagdating ay agad na pinag-guest siya sa ASAP '08 at The Buzz last Sunday.

"Kasi summer vacation ngayon sa Korea. Nung Wednesday night, sabi ng mga kasama ko aalis daw silang lahat, vacation. Sila yung mga kasama kong trainees. I mean, yung mga nagwo-workshop. Kasi, di ba, lahat sila aalis? So, nainggit naman ako. Naisip ko, 'Aalis din kaya ako?'



"So, the next day, Thursday night, nandito na ako. Kasi ito lang yung chance na makakaalis ako kasi wala kaming vacation," kuwento ni Sandara sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



HOW IT WORKS IN KOREA. Nakakontrata si Sandara sa YG Talent Agency sa Korea for four years. Mag-iisang taon na raw si Sandara ng training with the agency and it's up to them kung anong proyekto ang tatanggapin nila para sa kanya.

Continue reading below ↓



"Umuuwi kami after classes, after workshop. Isa siyang pinakamalaking ‘chuva' company sa Korea. So, na-train nila kami. Iniisip nila, okey na ako i-launch. Ilu-launch ako agad. Pinipili pa namin ang magandang role. May offer pero inisiip naming baka mas maganda kung next year. Marami kaming plans."

Hindi ba siya naiinip na magkaroon ng career doon?

"Hindi. Nag-e-enyoy ako na normal na tao [doon]."

May idea ba siya kung anu-ano ang mga offers sa kanya doon?



"Nobody knows. Hindi ko rin alam, kasi baka bigla-bigla na lang. Ganun naman ang showbiz."

What about endorsements?

"Wala pa. Kasi ang system sa Korea, bago ka i-launch, mga four years na training. Ganun talaga."

Bago dumating sa Pilipinas si Sandara ay tinext na niya ang dati niyang handler sa Star Magic na si Ana upang sunduin siya sa airport. Kinabukasan ay nag-videoke sila ng ilang showbiz friends niya at dating ka-batch sa Star Circle Quest na sina Melissa Ricks at Joross Gamboa.

Continue reading below ↓

WHAT ABOUT JOSEPH? Sa limang araw na pamamalagi ni Sandara sa Pilipinas, nakitulog siya sa bahay ng kanyang mga showbiz friends including Melissa. Pero dumating at umalis si Sandara, ni wala sa plano niya ang makipagkita sa ex-boyfriend na si Joseph Bitangcol.

"Ah, kahit hindi na," sabi ni Sandara sa posibilidad na magkita sila ni Joseph.

Noong huli naming nakausap si Joseph nabanggit niya na nag-i-e-mail pa sila ni Sandara. Pero after a while, naputol din daw ang pagpapadalahan nila ng e-mail.

"Hindi ko alam kasi matagal nang walang communication. Kasi parang once or twice lang kami nag-e-mail dati. So, baka hindi na kami close!" natatawang pahayag ni Sandara.

Aware ba siya na may dini-date rin si Joseph na isang Koreana rin?

"Huh! Ganun? Baka naghahanap siya ng Koreana."

Bakit niya nasabi yun?

"Siguro na-miss lang niya ang kimchi!" biro ni Sandara.

Nasaan na si Joseph sa puso niya ngayon?

Continue reading below ↓

"Ah, baka nandito na siya," sabay turo ni Sandara sa kanyang paa. "Ang tagal na kasi. Madali rin kasi akong naka-move on."

Kailan siya babalik muli ng Pilipinas?

"Kapag may Koreanovela na ako para pagbalik ko ng Pilipinas, bongga!"

Read Next
Read More Stories About
Sandara Park, Joseph Bitangcol
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The "Pambansang Krung Krung ng Pilipinas" flew back to Korea last Tuesday, August 12. Sandara Park says she'll come back again to the Philippines when she already has her own Koreanovela.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results