Show of force in the offing for opening of Richard-KC movie and staging of Dingdong-Marian concert

by Dinno Erece
Aug 17, 2008
The cast of Dyesebel and other GMA-7 stars are expected to attend Dingdong Dantes (inset, top) and Marian Rivera's (inset, bottom) birthday blowout while Annabelle Rama's family and talents will grace the premiere night of Richard Gutierrez-KC Concepcion (left) movie.

A show of force is in the offing with the same date for the box-office opening of For The First Time and the staging of Let's Celebrate: Marian-Dingdong Birthday Blowout.

Mainit ang nagiging talakayan sa pagsasabay ng pagbubukas sa mahigit na isang daang sinehan ng kauna-unahang pelikulang pagsasamahan nina Richard Gutierrez at KC Concepcion na For The First Time under Star Cinema, at ang one-night birthday concert for GMA-7's top-rating primetime love team, Dingdong Dantes and Marian Rivera, sa Araneta Coliseum. Both will happen on the same date, August 27.

With seven production numbers each, kasama na ang mga numbers na pagsasamahan nila, inaasahan na darating din ang mga artista ng GMA-7 at Artist Center to support the free concert of Dingdong and Marian. Ipamimigay na ang tickets starting this Monday, August 18, sa Jamboree gate ng GMA compound.

Inaasahan ding may production number ang buong cast ng Dyesebel na pinagbibidahan ngayon nina Dingdong at Marian. If this happens, tiyak na makakasama si Michelle Madrigal na cast din ng nasabing fantaserye.

Continue reading below ↓

If so, lagare ng dalawang araw ang isa sa original Star Circle Quest finalist ng ABS-CBN na nasa GMA-7 na ngayon. For the Tuesday premiere kasi of For The First Time, nangako naman si Michelle, pati na ang lahat ng alagang hawak ngayon ni Annabelle Rama, na dadalo sila sa premiere na gaganapin sa SM Megamall.

Nangakong magsisidatingan ang mga alaga ni Annabelle for the premiere starting with those cast in the movie na sina Mr. Eddie Gutierrez, who plays Richard's father in the movie, Bubbles Paraiso and Ana Roces as Richard's sisters, and new Annabelle talent TJ Trinidad playing brother to KC.

Dadalo rin sa premiere night ang mga kapatid ni Richard na sina Ruffa, Raymond, Rocky, Elvis, at Ritchie Paul; at ang iba pang mga alaga ni Annabelle na sina Beth Tamayo, JC de Vera, Ehra Madrigal, Ramon Christopher-Gutierrez, Arnell Ignacio, and Melissa Avelino.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The cast of Dyesebel and other GMA-7 stars are expected to attend Dingdong Dantes (inset, top) and Marian Rivera's (inset, bottom) birthday blowout while Annabelle Rama's family and talents will grace the premiere night of Richard Gutierrez-KC Concepcion (left) movie.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results