Yasmien Kurdi explains sexy photos in tabloids

IMAGE 0


"Nagti-tripkami sa isang beach sa Zambales, so lahat kami nagpo-pose. At saka, last yearpa yun! Ngayon lang lumabas yun. Alangan namang magpantalon pa ‘ko sa beach, e,beach yun!" explains Yasmien Kurdi about her sexy photos that some tabloids published last week.



Live na na-interview ni Pia Guanio kahapon,August 17, si Yasmien Kurdi sa ShowbizCentral. Tungkol sa naglalabasang sexy pictures sa tabloids ang nagingtopic ng interview nila.

Paliwanag ni Yasmien, "Nakuha po yun sa Facebookaccount ko. Pero naka-private account poyun kaya hindi ko alam kung sino ang kumuha sa mga friends ko. Sana nga nilagaynila... Si Pilita...kilala mo ba yun, yung makeup artist? At saka si Kuya Otep [Bongcalan, program manager]?Naku, mas sexy pa ang mga yun sa akin! E, lahat kami stressed, so nagti-tripkami sa isang beach sa Zambales, so lahat kami nagpo-pose. At saka, last yearpa yun! Ngayon lang lumabas yun. Alangan namang magpantalon pa ‘ko sa beach, e,beach yun!"

Ano ang masasabi niyang pinaka-offensive sakanya sa nangyaring yun?

"Offensive? Naku, hindi ko nga alam kungbakit nila ginagawang big deal yun, e, sa cell phone nga lang yun!"

NOT FOR MEN'S MAGAZINES. So, okey lang sa kanya na naglabasan yungmga sexy photos niya to think na sa ilang interviews na niya, sinasabi niyangnever siyang magpo-pose nang sexy?

"For men's magazine, yun," mabilis niyang sagot."Actually, okey lang naman [mag-pose ng sexy], not for men's magazine, perokung mga ads, okey lang. Actually, hindi ko talaga alam kung bakit magiging bigdeal ‘to! Last year pa ‘to, November! As in, Pasan Ko Ang Daigdig."

Pia told Yasmien na in fairness nga raw,ang sexy niya sa mga pictures.

"Lokohan lang po talaga ‘yan. Si Kuya Otepnga, bigla akong tinawagan kanina at sinabing, ‘Yas, yung mga loko-lokohannatin no'n, biglang naglabasan.'"

Since her Facebook account is open only toher friends, napi-feel ba niya na sa pangyayaring yun, isa sa mga kaibigan niyaang nag-betray sa kanya?

"Ayoko na pong mamintang sa isa sa mgakaibigan ko. Kung sinuman ang press or something sa mga kaibigan ko na naglabasnun. Ayoko nang mamintang ng tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang gusto mong sabihin sa kanya?

"Wala lang, hindi ko alam na big deal yun!At saka, nasa beach ako, alangan namang magpantalon ako or mag-abaya ako?"natatawa na lang niyang sabi.

Nagkaroon ba ng negative reactions? Especiallysa kanyang family?

"Si Mama kanina, ‘Uy, Yas, may lumabas naganyan-ganoon...' Ako naman, ‘Ah, talaga? Baka nakuha sa Facebook or something.'So, sabi na lang niya, ‘Mag-ingat ka next time.' Kaya sabi ko, ‘Ah, okey...' Talaganggrabe lang...sa beach kasi, lagi akong ganoon... Kung makikita n'yo pa nga akongmag-surf or something, palagi akong ganoon."

Samantala, nasa studio rin si JC deVera ng Showbiz Central para sapromotion nila ng movie nilang Loving You.Biro ni Pia, kung cool lang daw si Yasmien sa mga naglabasan niyang picture, siJC raw ang nagagalit.

Pero parehong kinumpirma ng dalawa namagkasama sila nang nag-pictorial si Yasmien ng ganoon.

"Taping po kasi ‘yan ng Pasan Ko Ang Daigdig...si JC, naliligosiya sa beach, ako at saka yung mga bakla, kami yung nagti-trip namag-picture," natatawang kuwento pa ni Yas.

Biro naman ni JC kay Yas, "Pero nang makitako nga, sabi ko, ‘Wow, Yas, ang sexy! Keep it up!' Pero bakit naman lumabas?Dapat kasi, hindi ka nagpo-post ng mga ganyang pictures, alam mo namangpuwedeng may mag-grab."

ONE MINUTE KISSING SCENE. Tinanong dinsila ni Pia tungkol sa one- minute kissing scene daw nila sa Loving You at kailangan daw ba talaga yunsa eksena or are they just got carried away?

"Ang tagal kasi nung..." natatawang sabi niJC. "Yung ibang staff dun, hindi nila sinasabing cut. Siyempre, kami...artistaka. Hangga't hindi ka nakakarinig ng cut, hindi ka titigil."

UNEXPECTED RESPONSE . Sa huli, Pia asked Yasmien kung nadalaw naraw ba niya sa hospital ang nanganak na kaibigang si Jennylyn Mercado. Perohalatang nagulat si Pia sa naging reaction ni Yasmien kung saan unang hiritnito ay, "Ang dami namang isyu sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sinagot din siya ni Pia na hindi namanisyu yun dahil nanganak na nga raw ang bestfriend niya.

Sabi ni Yasmien, "Hindi pa...hindi ko pa siyanadadalaw."

Follow-up ni Pia, "Nakausap mo na ba siya?"

"Ah, hindi...wala...wala pa."

"How do you feel about it?" si Pia uli.

"Hmm...e, di happy and congrats...yun..."

Tuloy, mukhang hindi napigilan ni Pia nanatatawang mag-comment kay Yasmien kung nagkagalit daw ba sila ni Jennylyndahil sa mga tugon niya na parang ang taray?

"Hindi...kasi, tanungin n'yo na lang si Jen.Ang dami-dami n'yong kinukuhang information sa akin, hindi naman ako yungtatay!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN