Mark Herras denies rumored relationship with a "kolehiyala"

IMAGE 0


"Hindi totoo ‘yan...marami lang ang nagpapalaki. SiVal, linawin ko lang, isa sa mga fan ko. Basta ako ngayon, ang masasabi kolang, single ako. Wala akong girlfriend," says Mark Herras. Above is one of the photos that spread through e-mails. Here, Mark is shown with rumored "kolehiyala girlfriend" Valerie Pornea.


Ilang beses na ring nakatanggap ang PEP(Philippine Entertainment Portal) ng mga pictures ni Mark Herras kasama angisang babae na pinangalanan ng concerned friend umano ng girl as Valerie Pornea. Siya raw ang itinatagong non-showbiz girlfriend ni Mark Herras. Isang kolehiyala raw itona nag-aaral sa University of Sto. Tomas. Ang mga naturang larawan ay lumabasna rin sa ilang tabloids.

Nakuhanan ng pahayag ng Showbiz Central si Mark, gayundin ang sinasabing si Valerie sapamamagitan naman ng text message.

Ayon sa kumalat na e-mails, madalas nga raw kasamani Mark ang naturang babae sa mga tapings niya, gayundin sa kanyang bahay at sakanyang sasakyan. Nakausap nga ng ShowbizCentral ang babae pero tumanggi itong magpa-interview, but instead,nagpadala na lamang ng mga text messages.

Ayon sa text ng nagngangalang Valerie nga raw,"What for? Ide-deny rin naman ni Mark. Kayo na lang po ang bahala. If sa tinginn'yo kailangan, okey lang po."

Nakausap din nga ng SC si Mark kaugnay sa isyu.

Aniya, "Hindi totoo ‘yan...marami lang angnagpapalaki. Si Val, linawin ko lang, isa sa mga fan ko. Actually, hindi na ngalang din fan ang turing ko sa kanya, na ngayon ay inaaway ng mga tao na ayawdun sa love team namin ni Rhian [Ramos]. Basta ako ngayon, ang masasabiko lang, single ako. Wala akong girlfriend."

Ang naging pahayag naman ni Valerie sa sinabi niMark ay, "Sinabi po ba talaga ni Mark na fan niya lang ako? If yun po ang sabiniya, sige, fan lang po ako. Pero may fan po ba na isinasakay niya sa vanniya? Pinapatulog sa bahay nila kung gabi na, matapos ang taping? Ifgusto niya pumunta ako ng taping, hindi ako pumapasok sa school kasi, ang gustoniya, dun lang ako. ‘Tapos ngayon, fan niya lang ako?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa rin ni Valerie through text message, "Gustoniya gawin na lang din niya sa akin ang ginawa niya kay Lian [Paz]. Hindi baunfair yun, kuya? Masakit din sa akin ‘to. Gusto ni Mark tumahimik ako.Tatahimik naman po ako. Pero sana tumahimik siya at hindi niya ipagkakalat nafan ako.

"Ano pa kayang mukha ang ihaharap ko sa mgaclassmates ko? Dapat nakinig ako sa mga friends ko dati pa."

Pero ayon kay Mark, "Alam ko ang totoo at alam dinng mga kasama ko ang totoo, kaya hindi ko na dapat patulan ang mga ganyan."

Sa huli, nagbigay na lang ng mensahe si Mark parasa mga taong nagpakalat ng aniya'y maling balitang ito.

"Sana huwag silang mangdamay ng ibang tao.Nananahimik yung bata, nag-aaral. ‘Tapos, like kapag sumasasama sa amin atgustong manood ng taping or SOP,sinasama namin. Alam ko marami pang lalabas na ganyang isyu, pero sana,huwag silang mandamay ng ibang tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN