Aiko Melendez settles "disrespect" issue between ex-hubby and present bf

IMAGE 0


"Actually, after that Startalk VTR, he called me up and he's apologizing nga to Patrickat sabi niya, ‘I hope you understand, Aiko...' Na kaya niya tinawag si Patrick naMr. Meneses is because, they we're not formally introduced. Kumbaga, parangbinigyan lang ng kulay ng ibang tao that Martin was being bitter or anything,"relates Aiko Melendez.



Decided na nga raw this time na magbalik-showbizsi Aiko Melendez. In fact, last Tuesday ay pinuntahan ng Showbiz Central si Aiko sa taping ng show ni Lucy Torres-Gomez saQTV-11 at kapansin-pansin na much slimmer na nga si Aiko ngayon.

Ayon kay Aiko, talagang decided na raw kasisiyang magpapapayat.

"For the first few months, it was really hard. Pero kapag may goal ka, ‘di ba? Nothingis really hard. Lalo na now na I wanna go back to showbiz and I wanna bevisible again so, I wanna go on a diet."

Sa pagbabalik-showbiz nga lang niya ay inaasahan na niya ang pagdating ng mga intriga. Una na ang paghingi kayAiko ng reaction sa diumano'y pagkakalabuan na ng ex-husband niyang si JomariYllana at girlfriend nitong si Pops Fernandez.

Sabi ni Aiko, "I'm surprised to hear fromyou na may ganoong ano...well, sana maayos nila kasi, sayang naman what theystarted, ‘di ba? And I've been vocal naman of saying na si Pops is very nice. So,sana they can work things out."

MARTIN. Kasunod naman nito ang relasyon niya sa estranged husband nasi Martin Jickain. Kumusta na nga ba sila ngayon? Hindi ba't kailanlang ay nauwi pa sa pagpapa-file ni Aiko ng PPO or Permanent Protection Orderagainst sa tatay ng pangalawa niyang anak na si Marthena, and eventually, nauwirin sa pagpapa-annul ng kanilang kasal?

"We text once in a while, kapag maykailangan siyang tanungin about Marthena. I guess, in time, everything will beokay between me and Martin. At noongmapanood ko yung VTR niya sa Startalk,he never said anything bad about me.

"And I guess, Martin has moved on becausehe's got a girlfriend now. So, I'm very happy for Martin. Walang kaplastikan yunthat I'm happy for him and besides, I never wished anything bad naman toanyone, especially si Martin. Tatay ng anak ko yun, so, I wish him well."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At mukha namang naka-move on na rin si Aikodahil she seems inspired sa kanyang present boyfriend, ang vice mayor ng Bulacan, Bulacan, na si Patrick Meneses.

"Masaya kami. We enjoy each other'scompany. He's very okay with my kids and that's one thing I admire aboutPatrick, kasi hindi lang ako ang ginugusto niya, but the people around me also,my kids, especially."

MR.MENESES. Kaso, mukhang hindi raw yata pabor angestranged husband niya na si Martin kay Patrick. Sa isang interview raw, tinawag nitong "Mr. Meneses" ang present boyfriend ng dating aktres. Para sa iba, tila wala raw paggalangsi Martin sa givernment position ni Patrick.

Sagot naman ni Aiko, "Actually, after that Startalk VTR, he called me up and he'sapologizing nga to Patrick at sabi niya, ‘I hope you understand, Aiko...' Na kayaniya tinawag si Patrick na 'Mr. Meneses' is because, they we're not formallyintroduced. Kumbaga, parang binigyan lang ng kulay ng ibang tao that Martin wasbeing bitter or anything."

Pero kung may dapat mang abangan kay Aiko, hindi iyong love life niya. Magtutuluy-tuloy na ngaba ang pagbabalik-showbiz niya and if she will be with the Kapuso network?

"Well, hindi ko alam...kung may offer sa akinang Kapuso, wala namang magiging problema sa akin yun. I am very open. ‘Di banga, nag-host na nga ako sa Startalk?So, it is a sign na I'm very open kung anuman ang maging plano."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN