Rufa Mae Quinto combines work with pleasure during recent show in Canada

IMAGE 0


"Sinamantala ko na ang two weeks para ma-enjoy ko namanang biyahe. ‘Tsaka I've been working hard for the past few months, I deservenaman siguro ang pahinga at malayo sa gulo ng showbiz," says Rufa Mae Quinto about her Canada tour.

Click this link for Part 1.



Pinadalhan ni Rufa Mae Quinto ang PEP (PhilippineEntertainment Portal) ng kanyang mga litrato mula sa Canada. Nagkaroon kasi ngseries of shows doon ang sexy comedienne at isinabay na niya ang mag-tour dahilfirst time niyang nakarating sa Canada.

"Kasama ko sina Allan K, Pooh, at Giselle Sanchez. Angnag-organize ng show ay ang Filipino community sa Vancouver. Kaya ang saya-sayanamin kasi nga sabik ang mga kababayan natin doon na mag-show ang mga tuladnamin.

"First time ko kasing mag-show sa Canada kaya excited ako.‘Tapos makakasama ko pa sila Allan K, Pooh, at Giselle. Sa Pilipinas kasinakakasama ko na sila sa shows kaya ang saya nung magkasama kami sa Canada,"masayang kuwento ni Rufa Mae sa PEP.

Pero hindi muna umuwi si Rufa Mae sa Pilipinas after ngkanyang shows sa Canada. Sinamantala niya ang pagkakataong malibot ang mga tourist spots ng bansa.

"Nagpaalam naman ako sa mga dapat kong paalamanan sa mgashows ko na Bubble Gang, Dyesebel, SOP, at Showbiz Central. Sabi ko namag-vacation lang ako kasi sunud-sunod ang trabaho ko lately. Mag-unwind munaako para ma-relax ako.

"Kasi yung pag-abroad ko naman dati, puro trabaho rin.‘Tulad noong pumunta kami sa Europe, shooting naman ‘yon ng I.T.A.L.Y. for GMAFilms. Ilang days lang kami doon at hindi kami nakapagpasyal nang husto. ‘Taposnag-show din ako sa London kelan lang, pero ilang days din kasi kailangan kongumuwi dahil may shooting ako ng movie ko na Single.

"Kaya sinamantala ko na ang two weeks para ma-enjoy ko namanang biyahe. ‘Tsaka I've been working hard for the past few months, I deservenaman siguro ang pahinga at malayo sa gulo ng showbiz. Pero sa totoo lang,na-miss ko rin ang ingay ng showbiz, huh! Ang tahimik kasi dito sa Canada!"lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Namasyal daw si Rufa Mae kasama sina Pooh, Giselle, Allan K, at ang manager nitong si Jun Nardo sa iba't ibang tourist spots sa Canada, particular sa mga lugar saVancouver, Edmonton, Winnipeg, Calgary, at Red Deer.

"As in feeling turista talaga kami. In-enjoy talaga naminang lugar. Ang lamig-lamig kahit na summer sila doon," sabi ni Rufa Mae.

"Hindi ko kinaya ang lamig, pero panay pa rin suot ko ng mgamaninipis at maiiksi na damit! Pero ang ganda ng mga tanawin nila. Lalo na yungmga national parks nila. Alaga ang nature at ang fresh ng hangin doon.Nakaka-in love nga ang lugar. Na-miss ko tuloy si Papa Bobby [Lopez, herboyfriend]!"

Sa pag-uwi ni Rufa Mae ay sasabak kaagad siya sataping ng kanyang shows at sa paghu-host. Magsisimula na rin siya sa shootingng Desperadas 2 para sa 2008 Metro Manila Film Festival sa December.

To see more photos of Rufa Mae in Canada, click this for part 1. And here's another link for part 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN