Carlene Aguilar: "Ipapakilala ko lang talaga si Calix doon sa babaeng papakasalan ni Dennis."

IMAGE 0


"Basta si Dennis, sobrangresponsible dad niyan at alam ko na inaalagaan din niya ang career niya sangayon. So, sana yung mga bad issues dati, huwag nang mabuhay," says Carlene Aguilar about ex-boyfriend Dennis Trillo.



Hindi na nakakagulat kung finally ay inamin na ni CristineReyes na may relasyon nga sila ni Dennis Trillo. Pero nang makausap ng ShowbizCentral ang ina ng anak ni Dennis na si Carlene Aguilar, at kung pagbabatayanang sagot nito, tila hindi ganoon kakumbinsido ang beauty queen sa nagingpag-amin ni Cristine.

"Inamin niya [Cristine], pero wala namang sinasabi siDennis, so I don't know. If one's denying and one's admitting, hindi mo namanalam kung sino ang nagsasabi ng totoo. Pero bakit ko pa poproblemahinkung sino ang nagsasabi ng totoo, di ba?

Although nag-express na raw ng desire si Cristine na gustoniyang makita at mapalapit sa anak ni Dennis na si Calix Andreas, balitangtutol naman sa idea na ito si Carlene. Tototo ba ito?

"Wala, walang ganoon," sabi ni Carlene. "And I don't thinkna gusto niyang maging close. At saka, hindi naman kailangan. Andbesides, baby pa yung baby ko, so ang daming babies naman diyan, puwede namansiyang maging close sa iba.

"And I don't think na gusto rin ni Dennis yun. Hindi panaman siya ikakasal sa kanya, e. So, ipapakilala ko lang talaga si Calixdoon sa babaeng papakasalan ni Dennis. At importante yun dahil if ever nahihiramin ni Dennis si Calix, kailangang kilala ko yung, if ever, magigingstepmom niya. Siyempre, aalagaan niya ang baby ko. So, ipapakilala ko langtalaga ang baby ko sa magiging lifetime partner ni Dennis."

Nakapanayam din ng Showbiz Central si Dennis sa isyu na maypagnanais na maging close daw ni Cristine ang kanyang anak na si Calix.

"Well, siguro in time," sabi ni Dennis. "Siyempre, hindinaman natin kailangang madaliin lahat. Tingin ko, kailangan lang diyan oras.Siguro eventually. Sa ngayon, medyo hindi pa tanggap. But I think, time langsiguro talaga ang makakapagsabi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

And since he and Carlene live a separate lives, balitanghanda na rin daw si Dennis na suportahan ang relasyon ni Carlene with anon-showbiz guy.

"Okey lang. Siyempre, lahat naman tayo kailangan natingmaging masaya. Ako, sobrang glad ako na naka-move on na lahat bawat isa saamin," saad ng matinee idol.

Nagbigay rin ng pahayag si Carlene sa isyung may non-showbizboyfriend na siya.

"Hindi, friend ko lang yun. Close friend," paglilinaw niya."Mahirap magsalita nang tapos, baka maudlot. Basta ako, lumalabas-labas langako ngayon. Sobrang ine-enjoy ko lang ang life ko ngayon na dalaga ako na mayspecial someone ako sa buhay ko, si Calix. Siya lang ang dumagdag sabuhay ko ngayon, pero parang dalaga pa rin ako. So, mas masaya kasi mas nagingresponsible ako. Mas nag-mature ako ng konti."

In a way, all out naman daw ang suporta ni Carlene para kayDennis.

"Basta nandito lang kami ng anak mo. Alagaan mo lang angsarili mo at yung career mo, mahalin mo nang sobra. At alamin mo talaga kungsino talaga ang nagmamahal sa ‘yo," paalala ni Carlene sa ama ng kanyang anak.

Sa nalalapit na pagse-celebrate ng first birthday ni Calix,muling nagsama ang proud parents na sina Dennis at Carlene para sa first partyng kanilang anak.

Ayon kay Dennis, "Okey na lahat. Mga ilang weeks na lang,birthday na. Medyo matagal na rin preparation namin. Last year pa lang, firstbirthday kasi. Family affair lang at saka close friends."

Para kay Carlene naman, "Basta si Dennis, sobrangresponsible dad niyan at alam ko na inaalagaan din niya ang career niya sangayon. So, sana yung mga bad issues dati, huwag nang mabuhay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN