Would-be suitors get intimidated by Ina Feleo's parents

Aug 18, 2008
With parents like award-winning director and actress Laurice Guillen and award-winning and well-respected actor Johnny Delgado, who wouldn't be intimidated? But Ina Feleo says having no boyfriend is okay with her since she's very busy with her acting career right now.

Kung papipiliin ay gusto rin ni Ina Feleo na sundan ang yapak ng kanyang inang si Laurice Guillen at lola na si Ben Feleo sa pagiging film directors. Pero biglang dumating nga ang oportunidad na maging isang artista at ito raw muna ang bibigyan niya ng concentration.

Graduate si Ina sa Creative Writing course sa Ateneo de Manila University at nagplano siya noon na kumuha ng filmmaking course sa New York. Pero dahil sa naging sunud-sunod ang kanyang acting assignments ay on-hold muna ang mga iyon.

"I really wanted to follow the footsteps of my lolo and mom sa pagiging director. Si Lolo Ben kasi, he's more on making comedies. I remember nga yung mga Andrew E movies na ginawa niya. Si Mommy naman, she's more on the melodramas and she's an actress as well. They serve as my inspirations.

"But now that I have acting projects, ito muna siguro ang haharapin ko. I'm only 22 years old and I have so much time to make decisions. Sabi nga ni Daddy [Johnny Delgado], to enjoy what I have now at huwag akong ma-stress sa pagpili. Enjoy daw my youth and the opportunities that are coming my way."

Continue reading below ↓

CINEMALAYA BEST ACTRESS. Nakitaan nga ng husay sa pag-arte si Ina sa indie film na Endo, kung saan nagwagi siya ng kauna-unahang best actress award sa Cinemalaya Film Festival last year. Dahil sa magandang performance niya ay nakakuha siya ng ilang nominasyon sa iba't ibang award-giving bodies.

"Hindi ko alam that the role made such a great impact on many people. I am proud to have done the movie and hindi ko nga inasahan yung mga recognitions. It made my family and friends proud of me. Ako naman, I want to do better and keep on doing good projects."

Wala pa nga raw bagong film project si Ina kaya sa TV muna siya mapapanood. Kasama si Ina sa cast ng Ligaw Na Bulaklak ng ABS-CBN 2 at sa bagong show ng TV5 na Hush Hush. Pinaalala nga ni Ina na ang unang TV show niya ay ang role ng isang deaf mute sa GMA-7 afternoong drama series na Kahit Kailan.

Continue reading below ↓

"Bagets na bagets pa ako noon sa Kahit Kailan and madali lang ang role na binigay sa akin. Wala akong mine-memorize na lines pero more on emotions ako sa mata.

"In Ligaw Na Bulaklak, medyo daring ang character ko kasi para akong desperado sa lalake. It's a complex role and I'm pretty challenged with it.

"In Hush Hush, isa ako sa nagbigay ng concept ng story. It's about artista and the life they lead behind the camera. What's good about it is that my mom is directing it and she's directing me as well. The first time my mom directed me was a small scene in Tanging Yaman. I was the one ice-skating doon sa mall na pinapanood ni Jericho [Rosales]. Ngayon, mas bigger ang role ko and kasama rin sa show and sister ko na si Ana Feleo."

INTIMIDATED BY LAURICE AND JOHNNY. Nakakapagtaka na sa ganda ni Ina ay wala raw itong manliligaw.

Continue reading below ↓

"Wala nga talaga. I don't know what's wrong with me," sabay tawa niya.

"May mga nakakarating sa akin na may mga nai-intimidate daw na mga guys because my mom is Laurice Guillen and my dad is Johnny Delgado, so parang natatakot daw sila.

"Mababait ang parents ko and they would welcome people into our home basta maganda ang intentions. Pero come to think of it, okey lang na walang manliligaw kasi hindi ko rin magawang ma-entertain sila because of my work.

"Tsaka I'm not in a hurry naman kaya mas okey nga itong walang suitors. Kung meron man, sana maintindihan niya at suportahan niya ang work ko."

Read Next
Read More Stories About
Ina Feleo, Laurice Guillen
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
With parents like award-winning director and actress Laurice Guillen and award-winning and well-respected actor Johnny Delgado, who wouldn't be intimidated? But Ina Feleo says having no boyfriend is okay with her since she's very busy with her acting career right now.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results