Yasmien Kurdi assures fans she is not yet quitting showbiz

IMAGE 0


"Unang-una, ang bata ko pa. Ginagawa ko lang din talaga anglahat ng ito for my dad at ngayon talaga, may kailangan lang talaga akongtapusin. Pero mapapanood pa rin naman nila ako. Hindi naman ako tuluyangmawawala," says Yasmien Kurdi about prioritizing her studies and slowing down on her showbiz career.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang youngactress na si Yasmien Kurdi nang mag-guest siya sa third anniversary ng radioprogram na Wow! Ang Showbiz! sa SM North noong August 17.

Hindi raw niya maintindihan kung bakit sobrang big deal saiba ang mga naglabasan niyang sexy photos sa tabloid. Katuwiran niya, kuha langdaw yun sa cell phone niya at saka talagang wala lang daw silang magawa ngdalawang staff ng GMA-7 sa taping nila.

Sabi namin kay Yasmien, baka naman naseksihan lang talaga sakanya ang nag-grab ng nasabing mga pictures sa kanyang Facebook account at gustongmai-feature ito sa iba pang mga babasahin.

"Ngek! Alam n'yo ba, kapag nakita n'yo ako sa beach, sobranggulo ko sa beach! Para akong bata. Kapag nasa swimming pool ako, talagangtatalon ako diyan. Tumbling pa kasi tubig, e! At saka, talagang ganoon ang suotko, naka-two-piece akong talaga.

"Kaya nagulat lang ako na sa iba pala, sobrang big dealnun! Kaya sabi ko nga sa Showbiz Central nang ma-interview nila ako, sabiko talaga, 'Alangan namang mag-pantalon ako sa beach, di ba?'' Ewan ko,nakakatawa!" napapailing niyang sabi.

Sure raw si Yasmien na isa sa mga friends niya sa Facebookang nagpalabas ng sexy photos niya, although ayaw raw niyang magbintang. Peronatatawa itong sinabi na, "Mamaya nga, papalitan ko agad yung status ko saFacebook ko. Ilalagay ko talaga, 'Sino kaya sa mga friends ko angnagpakalat ng pictures ko?'"

PRIORITIZING STUDIES. Binigyang-linaw rin ni Yasmien iyong naging pahayag niya sa presscon ng Loving You, kung saan na-misinterpret daw ang sinabi niyang magpo-focus na lang siya sa pag-aaral. Tila ang naging impression daw ay nawalan na siya nginteres sa pag-aartista, at para sa iba, pagba-balewala raw ito sa magagandang break na ibinigay sa kanya.

Katuwiran ni Yasmien, "Nag-aaral naman talaga ako, e.Nagkataon lang na may mga kailangan akong tapusin na importanteng subjects, naang schedule niya, M-W-F talaga, at dapat sundin dahil wala akong magagawa kunghindi ko matatapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ako aalis, e. Nag-e-SOP pa rin naman ako. Nagge-guestingako sa SiS, para naman akong regular na nga run."

Pero siyempre, mas nakilala na siya sa mga drama series.Reason kung bakit isa na nga siya sa nata-tag na drama princess ng Kapusonetwork, and yet, tinatanggihan na raw niya ang offers sa kanya. Ano angmasasabi niya rito?

"Ngayon kasi, well, dapat nga yung Gagambino, e, nagkataongM-W-F din sila. Pero nakausap ko na po yung mga boss ko at super-bait po nila.I mean, super-bait ni Ma'am Wilma Galvante. Sabi nga niya, ‘Okay, hanap tayong T-Th-S para lang magawa.' I mean, I wrote a letter na nga na kailangantalaga," lahad ni Yasmien.

Ipinaalam ng PEP kay Yasmien ang hinaing ng ilang fans niyana nalungkot sa naging desisyon niya.

"Hindi naman kasi sa hindi na interesado, pero yung mga fansko, yung sa fans club ko, naiintindihan nila. Noong sinabi ko sa kanila, sila yungnagsasabi na okey ‘yan, okey ‘yan...yung sa studies ko nga. At saka, hindi namanako yung walang-wala talaga or aalis na magku-quit na sa showbiz.

"Unang-una, ang bata ko pa. Ginagawa ko lang din talaga anglahat ng ito for my dad at ngayon talaga, may kailangan lang talaga akongtapusin. Pero mapapanood pa rin naman nila ako. Hindi naman ako tuluyangmawawala," paniniguro ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN