Teen actor Jiro Manio denies blind item that girlfriend is pregnant

IMAGE 0


"Seryoso po kami, hindi po biro-biro lang ang relasyon namin.Mabuti siyang babae at kung ako ngayon, siya na talaga yung pakakasalan ko.Pero hindi pa yun ngayon, matagal pa po yun, kaya imposible yung tsismis nabuntis nga siya," says Jiro Manio about his girlfriend, who is six years older than him.


Anumang pilit ng PEP (Philippine Entertainment Portal) napaaminin ang teen actor na si Jiro Manio tungkol sa napabalitang pagbubuntis nggirlfriend niya, na anim na taon ang tanda sa kanya, ay tinatawanan lang niyakami. Halos lahat kasi ng gossip columns sa mga tabloid ay nagtuturong siJiro yung tinutukoy na nakabuntis ng kanyang girlfriend.

"Nakakatawa nga po, hindi ko alam kung saan nila kinuha yungbalitang ganyan, e, ako mismo wala akong alam diyan," seryosong sabi ni Jiro.


"Seryoso po kami, hindi po biro-biro lang ang relasyon namin.Mabuti siyang babae at kung ako ngayon, siya na talaga yung pakakasalan ko.Pero hindi pa yun ngayon, matagal pa po yun, kaya imposible yung tsismis nabuntis nga siya," nakatawa nang sabi ng 16-year-old actor.

Sa pag-aaral daw naka-focus ngayon si Jiro, pangalawa ay sakanyang career bilang artista. Bale pinakahuli daw sa mga proyoridad niya angkanyang girlfriend sa kasalukuyan.

"Huwag naman po isiping siya talaga ang kulelat sa mga gustokong gawin," paglilinaw ng dating child actor. "Nag-usap naman kami atnaiintindihan niya na talagang iba ang focus ko. Hindi naman po kami nagle-laylow sa aming relasyon, nagkikita pa rin kaming madalas, nagagawa pa rin naminyung mga activities namin together. Pero alam niyang sa pag-aaral akonakasentro talaga ngayon.

"Fourth year high school na po ako at kasabay ngpag-aartista ko, medyo mahirap na po kung hindi ako magko-concentrate. Gusto kotalagang makatapos ng pag-aaral hanggang kolehiyo kaya pinagbubutihan kongtalaga. Kahit mga parents ko po aypangarap nilang makatapos ako ng pag-aaral," seryosong tinuran ni Jiro.

Sa isang taon ay nasa kolehiyo na si Jiro at gusto niyangkumuha ng kursong Hotel and Restaurant Management. Hilig daw niya ang paglulutoat naniniwala siyang balang-araw ay magiging tagumpay siya sa kursong kukuninniya sa college.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para sa aming dalawa rin po, para sa kinabukasan namin,"sambit niya.

Hindi naman daw siya nahihirapan sa pag-aartista. Kaya lang, higit na mahirap ang academics niya kaya rito siya nagpo-focus. "Perokapag pinagsabay ko po yun, talagang mahirap kaya sabi ko sa girlfriend ko,huli muna siya sa mga priority ko ngayon," paliwanag ni Jiro.

Maraming ginagawang indie movies ngayon si Jiro. At onepoint, tinawag siyang "prince of indie movies" dahil nga sa rami ng mgapelikulang ginagawa niya.

"Salamat naman po at nagtitiwala sila sa akin. Ako naman po,buhos din talaga ang concentration ko dahil sa ngayon, ito ang career ko.Nakatutulong ito ng malaki sa pangkabuhayan ko kaya ayoko rin pong magpabaya,"sabi niya.

DRUG ISSUE. Ano ang totoo dun sa mga tsismis na siya ay drug addict atlaging bumabarkada sa mga batang kalye sa may bandag SM Centerpoint? Nasulatkasi ng ilang beses yung tungkol dun sa nakikita raw siyang nakatambay samalapit sa naturang mall.

"Hindi po ako tumatambay doon," tanggi ni Jiro. "Totoo po namalapit kami dun dahil taga-San Juan ako, pero saan naman kaya nila nakuha yun?‘Pag wala po akong ginagawang project, nasa bahay lang po ako, hindi po akotumatambay saan mang lugar.

"Hindi rin po ako drug addict. Tingnan nga ninyo ako,saka ninyo sabihing addict ako? Hindipo talaga," paniniyak ni Jiro sa seryosong tono.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN