Willie Revillame fires back at Joey de Leon’s "mukhang aswang" joke

Aug 19, 2008
Wowowee host Willie Revillame (right) lashes out at ace comedian, Joey de Leon, for calling his co-host Pokwang (left) "mukhang awang" during Eat Bulaga's Los Angeles show. He said: “Hindi ka ba nagkakaroon ng puso sa kapwa mo Pilipino, pati babae ginaganyan mo?”

Umalma si Willie Revillame sa binitawang biro ni Joey de Leon laban sa Wowowee mainstay na si Pokwang noong nakaraang U.S. show ng Eat Bulaga! na ginawa sa Los Angeles, California.

During the show kasi ay nag-render ng isang parody number si Joey halaw sa melody ng "Imagine"—ang pamosong peace anthem na isinulat ng ex-Beatle na si John Lennon noong early ‘70s.

Sa nasabing parody number ay pabirong tinalakay ni Joey ang scenario kung saan walang GMA-7 at tanging ang rival station, ABS-CBN, lamang ang nag-e-exist.

"Channel 2's the only one / Makikita araw-araw ay mukha lang ni Pokwang..." awit ng ace comedian kasabay ng malakas na hiyawan ng mga manonood.

Hindi pa doon natapos ang delivery ni Joey, dahil sumundot pa ito ng mga linyang: "Makikita araw-araw / ay mukha lang ng aswang..."

DEFENDING POKWANG. Kahapon, August 18, sa programang Wowowee ay nagsalita si Willie publicly upang ipagtanggol si Pokwang sa diumano'y below-the-belt na linya ni Joey.

Continue reading below ↓

"Ipagtatanggol ko ito dahil kilala ko ang pagkatao ng taong ito," sambit ni Willie habang katabi ang lumuluha na si Pokwang.

"Sana ho kung magbibiro tayo, puwede naman kayong mag-compose ng kantang hindi kayo nakakasakit ng kapwa n'yo, e. Wala akong kinantang nakasakit ng kapwa ko," dagdag ng controversial TV host bagamat hindi niya direktang binanggit ang pangalan ni Joey.

Kasabay nito ay nanawagan si Willie sa mga subscribers na tanging sa istasyong kanyang kinabibilangan na lamang mag-subscribe.

"Ako po nakikiusap sa ating mga subscribers, isang channel na lang ang kunin ninyo, ABS na lang, TFC na lang. Wala kayong madidinig na sakit na salita, na galit, wala kayong madidinig sa amin! Wala kaming pakialam sa ratings, ang pakialam namin ‘yong kaligayahan ng bawat Pilipino sa buong mundo!" pahayag ni Willie.

Idinagdag din ni Willie na dahil daw sa naging biro ni Joey ay naging tampulan ng tukso ang anak ni Pokwang sa paaralan.

Continue reading below ↓

"Ang anak po niyang isang babae, ngayon niloloko, ‘Nanay mo aswang.' Mahabag naman tayo sa taong nagsisikap!"

May isiningit ring patutsada si Willie tungkol sa tamang pagbabayad ng buwis. Hindi nga lang gaanong naging malinaw ang konteksto ng kanyang pahayag.

"Dapat magpapasaya ka, ‘yong hindi ka nakakasakit ng kapwa mo! 'Tsaka dapat nagbabayad ka ng tamang tax mo! Maglabasan tayo ng tax... Okay, noong first quarter nagbayad ako ng 3.7 [million], 6.2 [million] kahapon, kahit magbayad ako ng 10-million, basta totoo lang ang tax mo!" giit ni Willie.

Bilang pangwakas ay pinagsalita ni Willie si Pokwang: "Salamat po sa mga tumitira sa akin. Ibig lang sabihin niyan, nakikilala na ako. Pero sa lahat po ng nagtanggol sa akin maraming, maraming salamat po. Sa lahat po ng naniniwala, thank you po. Pagpalain kayo ni Lord. Thank you po."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wowowee host Willie Revillame (right) lashes out at ace comedian, Joey de Leon, for calling his co-host Pokwang (left) "mukhang awang" during Eat Bulaga's Los Angeles show. He said: “Hindi ka ba nagkakaroon ng puso sa kapwa mo Pilipino, pati babae ginaganyan mo?”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results