JC de Vera reacts to report that screen partner Yasmien Kurdi will quit showbiz

IMAGE 0


JC De Vera on his dream role: "Sigurosomething different, medyo dark, mga ganun...kailangan ng acting skillstalaga. Kasi kapag yung mga love stories kasi, ano lang yun, e, kilig-kiliganlang ‘yon, e."



Successful angnaganap na premiere night ng latest movie ng Regal Entertainment at Studiomax, ang Loving You, last Sunday, August 17, sa SM Megamall. Puno ang sinehan at panayang tilian ng audience sa mga sweet moments ng apat na pares sa pelikula—sina JeanGarcia & Polo Ravales, Yasmien Kurdi & JC de Vera, Aljur Abrenica &Kris Bernal, at John Prats & Ehra Madrigal.

After ng premiere night,nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nama-interview ang isa sa mga bida na si JC saMax's restaurant sa SM Megamall.

"Hindi naman potalaga ako ang bida, front line lang," ang humble na pahayag ni JC nang kunin namin ang reaksiyon niya sa pagkakauna ng pangalan niya sa billing.

Sa love story kasinila ni Yasmien nagtapos ang movie at sila rin ang may pinakamaramingdramatic highlights.

"Actually, groupeffort po talaga. Kinausap na kami ni Direk [Don Cuaresma] na mag-focus kami samga love teams talaga. Kumbaga, competition yun, e. Competition yun ng mga loveteams talaga sa whole movie. Kaya ang ginawa namin, kailangan pagbutihin moyung story nung isa. So, group effort po talaga lahat," saad ni JC.

Ano ang feeling namas malaki ang exposure ng tambalan nila ni Yasmien sa Loving You?

"Masaya naman poako," sagot ng young actor. "Happy ako sa reaction ng mga fans, ng mga nanonood. Actually, hindi lang po sa amin,pati na kina Aljur at Kris, kay Polo at kay Ms. Jean."

Dahil sa mas marami silang eksena, nagkaroon ba ng pressure salove team nila ni Yasmien?

"Hindi po. Hindinaman po. Actually, very balanced naman yung movie. May drama side, may comedyside. Kaya nandiyan si Sweet [JohnLapus] for comedy, comic relief, parang ganun."

SOLO MOVIE. Sa tingin niya, handana ba siyang magkaroon ng solo launching movie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, kung bibigyanako ng chance, oo," sagot niya. "Kakayanin ko yun, pero hindi naman ako nagmamadali.And hindi rin naman ako nagmamadali na magkaroon ng solo na movie."

Ano naman kaya ang kanyang dream role for his solo launching movie?

"Depende. Sigurosomething different, medyo dark, mga ganun...kailangan ng acting skillstalaga. Kasi kapag yung mga love stories kasi, ano lang yun, e, kilig-kiliganlang ‘yon, e."

ON YASMIEN KURDI. Ano ang reaksiyonniya sa balitang iiwanan na raw ni Yasmien ang showbiz?

"Ah, narinig ko napo yun. Well, sad...kasi kumbaga, trinabaho na niya na makarating sa ganyangposisyon, e. Kumbaga, from StarStruck hanggang ngayon, trinabaho na niya,‘tapos bigla siyang mawawala, di ba?

"Parang if kung akoang nasa lugar niya, given that chance, e, mas maganda siguro grab ka langnang grab, e. Parang kumbaga, make the most out of it habang nandiyan.Yun yung sa akin. Ewan ko sa kanya kung naiisip ba niya yun."

After Loving You,gagawin ni JC ang bagong version ng trilogy horror movie ng Regal para sa2008 Metro Manila Film Festival, ang Shake, Rattle & Roll X. This time, sapagkakaaalm ni JC, hindi si Yasmien ang makakasama niya sa movie.

Ngayon pa lang aytiniyak na ni JC na malulungkot siya kapag tuluyan na ngang tumigil si Yasmiensa pag-aartista.

"Of course,malulungkot ako para sa kanya," pag-amin ni JC. "Siyempre, iba yungpinagsamahan namin. Pagdating sa work, hahanap-hanapin ko yun. Iba yungnakasanayan mo. One year kaming nagkatrabaho, kumbaga, iba yun, e. Ibangusapan 'yon, e...Mangangapa ulit ako kayRhian [Ramos]. Si Rhian yung susunod [na katambal], e. So, hindi ko talagaalam..."

(Pero nilinaw ni Yasmien, sa hiwalay na panayam, ang isyung ito. Hindi naman niya totally iiwan angshowbiz. Mapapanood pa rin naman siya sa ilang mga programa ng GMA-7 habangnag-aaral.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON JAKE CUENCA. kiinumusta rinkay JC ang dating close friend nito na si JakeCuenca. May nagsasabi kasi na yumabang na raw ito.

"Ngayon, hindi nakami nagkikita. Last time nagkita kami, nung fashion show ng Bench," lahad ni JC.

Napansin ba niya angpaglaki raw ng ulo ni Jake? Ito ay ayon na rin sa dating kaibigan ng nasabing Kapamilya actor, si Andrew Schimmer.

"Ah, wala, walaakong masasabi diyan. Actually, ayokong makisali doon. Kumbaga, kung away mannila ‘yon, away nila 'yon. Ako, out ako dyan.

"Nung lumipat siJake sa ABS-CBN, nawalan na kami ng contact. ‘Tapos nagkita kami in one event,sa isang hotel event ata yun, nag-usap kami. ‘Tapos catch things up...‘Tapos,last time nung Bench, well, actually, na-miss namin ang isa't isa. Kumustahan,ganyan-ganyan. ‘Sino ang bagong ano mo? Bagong work?'

"Ako naman, kung anosi Jake sa akin dati, ganun pa rin naman siya ngayon. Hindi siya nagyabang.Hindi ko alam sa ibang tao. Kasi sa akin naman, ako naman personally, mabaitako kay Jake. Wala akong masasabi kay Jake. At the same time, siya rin mabaitsa akin. Wala kaming dapat ipagyabang sa isa't isa kasi magkasundo kami,"saad ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN