Cristine Reyes and Dennis Trillo refused to be interviewed by "The Buzz" crew

Aug 20, 2008
"Gusto lang namin ng tahimik na buhay. I mean, ‘pag nasa labas kami, gusto namin sa amin lang ‘yon. ‘Wag na kaming guluhin ng ibang tao. Kasi pinakiusapan namin nang mabuti si Ate [member ng TV crew] na nag-iinterbyu sa amin na huwag na kaming interbyuhin. Pero kasi makulit siya talaga, e. ‘Wag niyang ibe-blame si Dennis na bastos or something na uminit ang ulo, kasi kinausap namin siya nang maayos," explains Cristi

Nagsalita na si Cristine Reyes tungkol sa insidenteng kinasangkutan niya at ng TV crew ng The Buzz. Naabutan kasi si Cristine with Dennis Trillo ng TV crew nung July 5 sa Universal Reality Combat Championships sa Makati City. Ipinakita sa The Buzz ang pag-iwas nila sa TV crew at ang tila hindi magandang pakikitungo ni Dennis sa sumusunod sa kanilang TV crew. Nanahimik lang sina Cristine at Dennis kahit na may mga nag-react na tungkol sa hindi magandang pagharap ni Dennis sa TV camera ng The Buzz.

Last Sunday, August 17, nagsalita na si Cristine tungkol dito sa The Buzz mismo.

"Gusto lang namin ng tahimik na buhay. I mean, ‘pag nasa labas kami, gusto namin sa amin lang ‘yon. ‘Wag na kaming guluhin ng ibang tao. Kasi pinakiusapan namin nang mabuti si Ate [member ng TV crew] na nag-iinterbyu sa amin na huwag na kaming interbyuhin. Pero kasi makulit siya talaga, e. ‘Wag niyang ibe-blame si Dennis na bastos or something na uminit ang ulo, kasi kinausap namin siya nang maayos," esplika ni Cristine sa The Buzz.

Continue reading below ↓

Dahil sa ginawa nilang pag-iwas at pagtatago sa media, naglabasan tuloy ang iba't ibang mga opinyon sa tabloids tungkol sa kanilang relasyon.

"Kung ano yung nakikita nila na sasabihin nila na hindi proud or whatever, hindi po ako naaapektuhan doon. Personal na buhay namin ito, di ba? Saka andito kami sa business na ito para sa work. Hindi para ilathala ng tao yung private life namin."

Nilinaw din ni Cristine na ang pag-iwas nila sa media ay walang kinalaman sa pagkakaroon ng anak ni Dennis sa dating karelasyon na si Carlene Aguilar.

"Bago ko tanggapin si Dennis, tanggap ko na siyempre yung sitwasyon niya. Ang sama ko naman kung magiging selfish ako, di ba? So, wala pong problema sa akin kung hati man ang tingin ng ibang tao. Kasi sa akin, parang hindi nga hati, e. Equal lang lahat."

Nagbigay din ng reaction si Cristine sa pagiging open ni Carlene sa relasyon ng sexy star at ni Dennis.

Continue reading below ↓

"E, di good! At least, di ba? Para wala nang...tama na yung away-away na ganun-ganun. At least, tama na. Tama na ‘yon."

Next month ay birthday na ng anak ni Dennis at Carlene na si Calix. Pero hanggang ngayon daw ay hindi pa rin nakikita ni Cristine ang anak ni Dennis kay Carlene. Bulung-bulungan na tila hindi raw magaganap ang pagkikitang ito. Isang posibilidad na sinang-ayunan ng sexy actress.

"Syempre nirerespeto ko naman si Carlene dahil nanay siya ni Calix, di ba? And ayoko namang makigulo dun, lalo na kung may ibang tao na ayaw naman akong pumunta doon."

Nang tanungin ng The Buzz si Carlene kung invited ba si Dennis at Cristine sa darating na first birthday party ni Calix on September 13, ang ina ng ex-beauty queen ang sumagot para sa kanyang anak na nasa ibang bansa.

Heto ang text message na ipinadala ng ina ni Carlene sa The Buzz, "If si Dennis, oo, coz share sila ni Carlene at okey naman sila. Pero si Cristine....never!"

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Gusto lang namin ng tahimik na buhay. I mean, ‘pag nasa labas kami, gusto namin sa amin lang ‘yon. ‘Wag na kaming guluhin ng ibang tao. Kasi pinakiusapan namin nang mabuti si Ate [member ng TV crew] na nag-iinterbyu sa amin na huwag na kaming interbyuhin. Pero kasi makulit siya talaga, e. ‘Wag niyang ibe-blame si Dennis na bastos or something na uminit ang ulo, kasi kinausap namin siya nang maayos," explains Cristi
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results