Director GB Sampedro clarifies reports linking him to Roxanne Guinoo and Rachelle Ann Go

Aug 20, 2008
Boy & Kris director GB Sampedro is being romantically linked to ABS-CBN stars Roxanne Guinoo (inset, top) and Rachelle Ann Go (inset, bottom).

Present ang "controversial director" na si GB Sampedro sa album launch ng MYMP na sina Juris at Chin for Ivory Records, sa Metro Phi Bar sa Metrowalk, Ortigas Center sa Pasig City kagabi, August 19.

"Si Direk GB kasi ang gagawa ng music video ng single nila na "Set You Free,'" pagbabalita ni Noel Ferrer, PR ng album launch, nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang ginagawa ng direktor sa launching ng bagong album ng MYMP.

Biniro tuloy si Direk GB na bagay pala sa kanya ang title ng music video na ididirek niya dahil "na-set free" na siya.

Pumayag naman si Direk GB na sagutin ang mga tanong sa kanya ng entertainment press since siya ang naging subject ng blind item tungkol sa direktor na karelasyon daw ng young actress na si Roxanne Guinoo. Nang pangalanan na ang naturang blind item, si Direk GB nga ang tinukoy. Sumunod namang na-link ang direktor sa singer na Rachelle Ann Go, na hindi naman kataka-taka dahil wala na ring boyfriend si Rachelle after ng breakup nila ni Christian Bautista.

Continue reading below ↓

Parehong ABS-CBN talents sina Roxanne at Rachelle at si Direk GB ay talent din ng Kapamilya network dahil siya ang nagdidirek ng morning show na Boy & Kris nina Boy Abunda at Kris Aquino.

Ano ang totoo sa kanila ni Roxanne?

"Matagal na kaming magkaibigan ni Roxanne, pero wala kaming relasyon," sagot ni Direk GB. "Yes, paminsan-minsan kung may time, nagkakayayaan, lumalabas kami. Pero hindi kami lang dalawa, lagi kaming may kasama.

"Pero mas lalo akong nagulat na ini-link na rin ako kay Rachelle Ann. Ako nga ang nagdirek ng concerts ni Rachelle, pero hanggang doon lang ‘yon. Nagka-chat nga lang kami sa Internet nang lumabas ang balita at nagtanungan kami kung saan nanggaling ‘yon dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita at nagkakausap. Hindi totoo ang mga balitang ‘yon."

Biro namin kay Direk GB, siguro dahil free nga siya ngayon, kaya siya nali-link kung kani-kanino. Two years na kasing hiwalay si Direk GB at ang wife niyang si Maristel Sampedro, na dating manager ni Kyla at manager ngayon ni Jaya. May tatlo silang anak—a boy who is 11 years old, a girl who's almost seven years old, at ang bunso, a boy, who is four years old.

Continue reading below ↓

"Pero in good terms kami ni Maristel," paglilinaw ng direktor. "Open ang communication namin at hindi ako pumapalyang dalawin ang mga anak namin at pagtupad sa mga obligasyon ko sa kanila. Katulong niya ako kung may problema sa aming mga anak.

"Siya ang naunang nagkaroon ng boyfriend at hindi naman ako tutol doon. Filipino-American siya and, in fact, nasa States siya ngayon. Two weeks na siya roon. Hindi ko pa nami-meet ‘yong guy, pero naikukuwento siya sa akin ni Maristel," kuwento niya.

Kapag ganoong umaalis si Maristel, kanino naiiwanan ang mga anak nila?

"Sa akin, nasa akin sila ngayon. Masaya nga dahil lagi kaming nagba-bonding ng mga anak ko," sabi ni Direk GB.

Naka-file na raw ang annulment ng kasal nila. Sino ang nag-file?

"Yes, naka-file na, ako ang nag-file. Mabuti na rin ‘yon para kung gusto na nilang magpakasal ng boyfriend niya, kapag na-approve na ‘yon, puwede na silang magpakasal," nakangiting sabi ng direktor.

Continue reading below ↓

Ngayong araw, August 20, ang shoot ni Direk GB ng "Set You Free" music video ng MYMP.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boy & Kris director GB Sampedro is being romantically linked to ABS-CBN stars Roxanne Guinoo (inset, top) and Rachelle Ann Go (inset, bottom).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results