Jayann Bautista on her "Pinoy Idol" runner-up finish: "It was so close, yet so far."

Aug 19, 2008
"Wala akong malakas na impluwensiya, at hindi ko alam kung mayroong bang buma-backup talaga sa akin. But I always believe, I am a better singer kung iku-compare sa kanya [Gretchen]," says Jayann Bautista about losing to Gretchen Espina on Pinoy Idol.

Nagpapasalamat na lang si Jayann Bautista dahil kahit pumangalawa lang siya kay Gretchen Espina sa nakaraang Pinoy Idol competition, ramdam na ramdam niya ang mas mainit na pagsuporta ng maraming tumunghay sa Final Results Night ng Pinoy Idol noong Linggo ng gabi, August 17, sa SMX Exhibition Hall ng SM Mall of Asia.

"Simula pa lang ito. Hindi ko sila bibiguin. I won't stop," sunud-sunod na katagang namutawi sa bibig ni Jayann nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kakanta pa rin ako. Hindi ako titigil hangga't hindi ko maabot ang mga pangarap ko. Four years ago, nag-struggle na ako as a singer. Mahabang panahon na ang ginugol ko. Ngayon pa ba ako aatras?

"Hindi dahilan ang pagkatalo ko para mag-stop ako. Ito pa nga ang magiging simula. Hindi naman sa disappointed ako talaga, kasi nirerespeto ko ang verdict ng mga tao through text votes. I feel bad, I really wanted the title," prangkang sabi ng pambato ng Pampanga.

Continue reading below ↓

Malinaw na ang kakulangan ni Jayann ay sa punto ng text votes.

"Wala akong malakas na impluwensiya, at hindi ko alam kung mayroong bang buma-backup talaga sa akin. But I always believe, I am a better singer kung iku-compare sa kanya [Gretchen].

"Pero makikita pa rin ninyo ako sa TV, for sure. Sasayaw pa rin ako sa production numbers ng mga Broadway hits!" at natawa na lang si Jayann.

Automatically, may management contract na si Jayann sa GMA-7. Pero hindi raw niya alam kung GMA Records ang mag-a-absorb sa kanya para sa recording deal.

May usapan pala sila nina Gretchen at Ram Chaves na ang magiging winner, bibigyan ang matatalo ng tigwa-P100,000.

"That's true, kaya may P100,000 pa rin ako," kumpirma ni Jayann.

Patuloy niya, "Tensiyonada talaga ako, kasi parang it was so close, yet so far. Ang lapit-lapit na, pero hindi ko pa rin nahawakan."

Nagpunta ang best friend ni Jayann na si Rachel Anne Go sa gabi ng competition (to think na Kapamilya ito), obviously para suportahan ang sinasabing look-alike niyang si Jayann.

Continue reading below ↓

"Nasorpresa ako. Kasi galing pa siya sa isang commitment at akala ko hindi siya aabot," sambit ni Jayann.

Hindi napigilan ni Jayann ang mapaluha nang makita niya ang ina niya sa audience na umiiyak na. Medyo disrupted ang pagkanta ni Jayann ng sinasabing final song na likha ni Ogie Alcasid, ang "To You." Ang mensahe pa naman nito ay mula sa inspirasyong bigay ng ina ng songwriter.

"Naiyak ako kasi siya naman ang sumusuporta sa akin sa umpisa pa lang," sabi ni Jayann, at tumulo na ang luha ng Pinoy Idol runner-up. "Pumasok din sa utak ko yung mga kaibigan ko na lahat sila, naniniwala at sumusuporta. Mami-miss ko ang staff ng Pinoy Idol, pati yung pagkanta-kanta namin every week. Yung kaba every week, kakaisip sa kung sino ang mae-eliminate. Pati mga judges," napangiti uli siya.

Pero naniniwala si Jayann na she can still be a winner.

"Sana, totoo yung sinasabi nila na mas umaangat ang karaniwang runner-up. Maraming salamat na lang sa tiwala," at muling napaluha si Jayann.
Read Next
Read More Stories About
Pinoy Idol
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala akong malakas na impluwensiya, at hindi ko alam kung mayroong bang buma-backup talaga sa akin. But I always believe, I am a better singer kung iku-compare sa kanya [Gretchen]," says Jayann Bautista about losing to Gretchen Espina on Pinoy Idol.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results