Lovi Poe returns to school while actively pursuing showbiz career

IMAGE 0


After her aborted love affair with Jolo Revilla, Lovi Poe busies herself with school and showbiz commitments.



Nakakuha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng updatetungkol sa personal na buhay at career ni Lovi Poe mula sa manager niya nasi Leo Dominguez.

Akala namin ay lie-low na sa kanyang career angyoung singer-actress at nawalan ng gana na patakbuhin ang career pagkatapos maudlotang pagmamahalan nila ng young actor na si Jolo Revilla. Pati kasi sa TV,biglang naglaho si Lovi at noong Sunday, sa Dear Friend ng GMA-7lang uli siya napanood after a very tearful guesting sa Showbiz Central, kungsaan on national TV ay pinili niya ang ina over Jolo.

Natatandaan ng PEP ang sinabi ni Lovi na hindi siya gagawa ngbagay na ikasasama ng loob ng ina na si Rowena Moran dahil mahal na mahal niyaito. Sa tanong kung mahal pa niya si Jolo, "Oo" ang sagot ni Lovi, pero hindiniya diniretso kung boyfriend niya ang young actor o hindi.

Ibinalita ni Leo sa PEP na busy si Lovi sa school at sakanyang career. She's enrolled right now sa Miriam College taking up Psychologyat enjoy raw ang dalaga sa pag-aaral. Kahit ano'ng mangyari, pipilitin dawnitong matupad ang pangako sa ina na magtatapos ng college.

As for her career, kakatapos lang niyang mag-guest satwo-night show ni Gabby Concepcion sa Music Museum at kasama rin siya sa20-city tour ng actor-singer. Ang show sa Music Museum ang kick-off ng tournito at susunod ang show sa Cagayan de Oro sa September 13.

In between her guesting sa tour ni Gabby, magkakaroon ngsolo concert si Lovi sa Music Museum sa October 16. Billed Bloom angconcert, at guests sina Ogie Alcasid, Jay-R, Jan Nieto, Dennis Trillo, and othersurprise guests.

Bloom din ang title ng second album ni Lovi underSonyBMG to be released next month. Ang title track din ang carrier single nitoat ilan sa songs na kasama sa album ang "NaisKo" (theme song ng Kaputol ng Isang Awit), "Dito sa Puso," "Sa Pag-iisa" (isinulat ni Vehnee Saturno),"Sana" (gawa ni Joven Tan), "Save the Sunlight" na duet nila ni Aljur Abrenica,at "Paulit-ulit" nacollaboration nina Lovi at Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malapit na ring muling magkaroon ng regular TV show sa GMA-7si Lovi dahil kasama siya sa La Lola. Hindi pa alam ng youngsinger-actress kung ano ang kanyang role, pero sinabihan na siyang kasama siya sacast. So, ibig sabihin, okey sa kanyang mag-support kay Rhian Ramos, na siyang bida sa naturang soap.

Magiging busy rin sa movies si Lovi. Nasa cast siya ng Shake,Rattle & Roll X at Paukay-Ukay ng Regal Entertainment. Ang una'yentry sa 2008 Metro Manila Film Festival at malapit nang simulan ang shooting.Horror naman ang second movie, pero wala pang detalye.

Itinanong din namin kay Leo ang estado ng relasyon ngayonnina Lovi at Jolo. Aniya, "Siyempre, importante kay Lovi ang mom niya na tutolsa pakikipagrelasyon niya sa kahit kanino, kaya nag-concentrate muna si Lovi sastudies niya. Excited din siya sa release ng Bloom at sa kanyang firstmajor concert."

Sa sagot na ito ni Leo at sa sinabing tutol ang ina ni Lovina makipagrelasyon ito kahit kanino, does it mean na mali ang balitang maynon-showbiz boyfriend na si Lovi? Sa guy na ito raw boto ang ina ng youngsinger-actress dahil bukod sa matagal nang kilala ay alam na mahal na mahal anganak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN