Phillip Salvador surprised by close friends and colleagues on his birthday

Aug 21, 2008
Birthday boy Phillip Salvador (second from left) and best friends Bong Revilla and Jinggoy Estrada intentionally leave a space for their other best friend, Rudy Fernandez, who passed away last June.

Binigyan ng surprise birthday asalto ang award-winning actor na si Phillip Salvador ng kanyang mga kaibigan in and out of showbiz kagabi, August 20, sa Dulcinea restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City.

Nagkataon kasi na nagda-dubbing si Kuya Ipe, bansag sa kanya ng mga tao sa showbiz, sa Road Runner para sa pelikulang For The First Time ng Star Cinema, kung saan kasama niya ang mga bidang sina KC Concepcion at Richard Gutierrez.

Nasa third floor lang kasi ang Road Runner sa building ng Dulcinea kaya doon na lang sinorpresa si Kuya Ipe ng mga taong nagmamahal sa kanya. Ang director ng For The First Time na si Bb. Joyce Bernal ang siyang nagdirek ng eksena para mapababa si Kuya Ipe sa resto para masorpresa ito.

"Hindi ko ini-expect ito," sambit ng aktor. "Nagulat ako kasi nga alam ko, busy lahat ng mga tao. Touched naman ako at hindi nila nakalimutan ang birthday ko.

Continue reading below ↓

"Alam naman ng mga nakakatrabaho ko na kapag nagda-dubbing ako, gusto ko tuluy-tuloy. Pero nagtaka ako nang biglang sabihin ni Direk Joyce na may pag-uusapan kami regarding sa last shooting day ng movie.

"Sa second floor nga raw kami mag-usap tungkol doon kaya itinigil muna ang dubbing ko. Noong pagbaba ko, sa may pintuan, nakita ko kaagad maraming tao. Doon ko lang naisip na sosorpresahin ako and true enough, nandito lahat ng mga taong gusto kong makasama sa birthday ko," kuwento ni Phillip sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Present nga ang mga best friends ni Ipe na sina Senator Bong Revilla, Senator Jinggoy Estrada, at Tirso Cruz III with wife Lyn Enchausti. Dumating din sa surprise party sina Emilio Garcia, Bayani Agbayani, Ricky Davao, King Gutierrez, Rez Cortez, Ricardo Cepeda, at siyempre sina KC, Richard, at Direk Joyce.

MISSING DABOY. Ayon kay Phillip, kahit nandoon lahat ng kanyang mga kaibigan, may kulang pa rin at ito ay ang presence ng isa pa niyang best friend, ang yumaong si Rudy Fernandez. Nagpa-picture nga sina Ipe, Bong at Jinggoy at nag-iwan sila ng puwang para raw sa namaalam na si Daboy. At least daw kahit sa litrato ay feeling nila ay kasama rin ang yumao nilang kaibigan.

Continue reading below ↓

"Kung nandito pa si Daboy, isa siya sa magbibigay ng surprise party sa akin. Every year, gano'n siya sa akin at never siyang pumapalya. Yun ang nakaka-miss kay Daboy now that he is gone. He wants us parati na magkita-kita at magsama-sama kahit walang okasyon. Gusto lang niyang maging masaya kami parati na magkakaibigan.

"Ngayon naman, kahit wala na siya, we still make it a point na magkita-kita kahit na busy sina Bong at Jinggoy sa senado, at ako naman, may dalawang pelikulang ginagawa. Bukod kasi sa For The First Time, I am also doing the period movie Baler for Viva Films.

"Mas close kami ngayong tatlo kasi nga huling hiling sa amin ni Daboy before he passed away ay huwag kaming mag-away. At kung may problema, pag-usapan namin nang maayos. Si Daboy kasi, siya yung peacemaker sa aming apat. Kapag may nagkakatampuhan o nagkakapikunan, si Daboy ang namamagitan parati. Yung positive attitude niya sa buhay ang nakakabuo sa aming parati.

Continue reading below ↓

"Kaya ngayong birthday ko, siya ang unang na-miss ko kasi alam ko na siya ang mangunguna sa asalto na ito. But everything is good because nandiyan sina Senator Bong at Senator Jinggoy, plus our good friends. Alam ko na in spirit nakikisaya si Daboy sa amin," saad ni Phillip.

Wala na raw mahihiling na regalo si Phillip para sa kanyang birthday. Though ayaw niyang i-reveal kung ilang taon na siya talaga, tama na raw yung malusog at masaya siya. Yun na raw ang magandang regalo para sa sarili niya.

"Hindi naman ako materialistic na tao. Hindi naman ako naghahanap ng kung anu-ano pa. Importante ay masaya tayo at sa magandang kondisyon ang katawan natin. In fact, na-advance na yata ang birthday gift ko at ‘yon ay ang mga pelikulang ginagawa ko ngayon."

IN PRAISE OF KC. Pinuri rin ni Kuya Ipe ang kanyang co-star sa For The First Time na si KC Concepcion, na gumaganap na anak niya sa pelikula. Wala raw siyang maipintas dito at alam niyang magiging malaking artista si KC tulad ng ina nitong si Sharon Cuneta.

Continue reading below ↓

"This is KC's first movie at nagulat ako sa husay ng bata," sabi ng aktor. "She's a natural at yun ang isang trait niya kung bakit siya sisikat pa talaga. I've worked with many new actors, pero bumilib ako rito kay KC. May isang eksena kami rito na mabigat at walang ka-effort-effort ang pagganap niya. Sinabi ko nga na hindi malayong manalo kaagad ng acting award ang batang ito dahil mahusay talaga.

"I know na very proud ang mga parents ni KC sa kanya. I'm friends with her dad [Gabby Concepcion] and mom [Sharon]. Parehong magagaling na mga artista at kanino pa ba magmamana si KC, di ba?

"I would love to work with her again in another movie. Kung si Sharon hindi ko pa nakasama sa pelikula, mas nauna pa ang anak niyang makasama ko. KC will go a long way in the industry not just because she's talented. Mabait siya at mapagkumbabang tao pa," pagwawakas ni Phillip.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Birthday boy Phillip Salvador (second from left) and best friends Bong Revilla and Jinggoy Estrada intentionally leave a space for their other best friend, Rudy Fernandez, who passed away last June.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results