Gian Magdangal discovers his paternal instinct with the arrival of his son

IMAGE 0


"Noong una, grabe, kasi hinditalaga ako marunong. Sa pagkarga nga ng baby, parang natatakot pa ako noonguna. Pero kapag hawak mo na ang baby mo, automatic na papasok sa ‘yo angpagiging parent, e. Gusto mo maprotektahan siya. That's what they call palaparental instincts. Akala ko noon wala akong ganyan. Nangyayari pala talaga ‘yonwhen the right time comes," relates Gian Magdangal.



Ngayong Sabado,August 23, magaganap ang binyag ng baby boy nina Gian Magdangal at Sheree.Isang simpleng binyagan with close friends and members ofboth families attending.

Feel na feel na ngaraw ni Gian ang pagiging ama, lalo na't natuto na rin siyang maging hands-ondad kapag wala siyang pinagkakaabalahan na trabaho. Ayon sa singer, hindi raw madali noong unadahil kailangan talaga ng adjustment sa schedules nila ni Sheree. Mabuti nalang daw ay nagawa nilang maghati sa oras ng pag-alaga sa kanilang baby.

"Marunong naman naakong magpalit ng lampin, magtimpla ng gatas, at magpatulog ng baby!" tawaGian. "Noong una, grabe, kasi hinditalaga ako marunong. Sa pagkarga nga ng baby, parang natatakot pa ako noonguna. Pero kapag hawak mo na ang baby mo, automatic na papasok sa ‘yo angpagiging parent, e. Gusto mo maprotektahan siya. That's what they call palaparental instincts. Akala ko noon wala akong ganyan. Nangyayari pala talaga ‘yonwhen the right time comes."

Mabuti na lang dawat may napagkasunduang schedule sila Gian at Sheree kaya mas naging magaan naraw ang pagiging parents nila.

"Si Sheree anggising sa gabi, kasi sanay na siyang matulog ng late na or nagmamadaling-arawna. So siya ang gising kapag alanganing umiyak ang baby namin. Sa umaga naman, ako na ang nakatoka. Sinceang work ko naman parating towards the evening, I'm with the baby habangnagpapahinga na si Sheree.

"Pero kapag Sundaynaman, may yaya naman yung bata. May SOP kasi ako on Sundays plus may ibang mganaka-schedule na mga shows. Gano'n din si Sheree na kapag may taping siya orguesting, pinapaalagaan na muna namin ang baby sa yaya or sa parents ko. Theyare always willing to take care of their apo anytime," lahad ni Gian.

BACK TO HIS FIRST LOVE. Ngayon ay busy siGian dahil kasama siya sa cast ng stage musical na West Side Story ng STAGES,kung saan ginagampanan niya ang role na Riff. Mga bida rito sina ChristianBautista as Tony at sina Karylle at Joanna Ampil alternately playing Maria. SaSeptember 5 na ang simula nito sa Meralco Theater.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ni Gianna kinailangan niyang mag-training ulit sa pagsayaw dahil matagal din siyanghindi lumabas sa isang musical. Three years ago pa raw yung Footloose atkailangan niyang lambutan ulit ang katawan niya sa pagsayaw.

"Sa Footloose kasi,medyo madali pa ang mga dance steps kasi medyo hip-hop ‘yon. Dito sa West SideStory, mabilis at maraming paikut-ikot. It's basically like jazz-ballet, e,hindi ako trained sa ganyang sayaw. So it really took me some time to learn thesteps and be as graceful as the other performers.

"Sa awa ng Diyos,after several trainings ay nakuha ko. Hindi madali ang mga dance steps namintalaga, but I really like to be part of this musical, kaya malaking sakrispisyoang ibinuhos ko para rito."

Dapat pala aymag-o-audition din si Sheree sa West Side Story. Kuwento ni Gian, "Shereewanted to audition with me. Yung role ni Anita ang gusto niya, pero she foundout na she was pregnant, hindi na siya tumuloy. Gusto niya talagang pasukin dinang musical theater para maiba naman daw. Pero siguro hindi pa meant na gawinniya 'yon.

"Sinabi ko naman sakanya na marami pa namang pagkakataon. Ngayon she's on TV again kaya doon namuna siya mag-concentrate at sa pagiging mother niya. Ako na muna ang mag-theaterkasi first love ko naman talaga ang singing and theater. And it's so nice to beback again with your first love," pagtatapos ni Gian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN