Governor Vilma Santos prefers to be called "momsie" rather than "lola"

IMAGE 0


"Kung gusto niya, why not. Yeah. Pero ako kasi nababataan paako sa kanya, e. He's only 27. I mean, let him enjoy his life muna, his beingsingle," Vilma Santos said when asked if she's ready once her son Luis Manzanofinally decides to get married.



Inamin ni Governor Vilma Santos na hanggang ngayon,umiinom pa rin siya ng gatas, tulad ng nakagawian niya nung maliit pa siya.Pero dumating daw ang panahon na kinasawaan niya ang pag-inom ng gatas.

"Kasi ang talagang pabaon sa akin ng mama ko noon ay dalawang pandesal at gatas. Laging gano'n. ‘Tapos kahit ano pa ang pagkainnamin, ang inumin namin talaga noon, gatas.

"Pero now, I see to it, kahit na with my busy schedule,makainom ako ng gatas, at least once a day. Kailangan ko na kasi for my bones.Lalo na ngayong 38 na ako."

Nagtawanan tuloy ang mga media people sa presscon ng Bear Brand for their "Laki Sa Gatas NutritionEducation Campaign" na ginanap sa Annabel's Restaurant in Tomas Morato, QuezonCity, kaninang tanghalian. Dalawangtaon na rin nilang endorser si Gov. Vi at tamang-tama naman daw na kasabay atkapareho ng campaign nila this year ang ongoing nutrition and educationcampaign din ni Gov. Vi sa pinamamahalaan niyang Batangas. Nationwide nga langang covered ng campaign ng Bear Brand.

NO TO NATIONAL POSITION. Isa sa mga programa ng Starfor All Seasons turned Batangas governor ang pag-aalis ng malnutrition sa mgamusmos ng Batangas at ang pag-alalay sa kanilang edukasyon. Kaya nga binanggitdin ng misis na ito ng bagong NEDA (National Economic Development Authority)director-general na si Ralph Recto sa nasabing presscon na hinding-hindi niyatatanggapin ang alok na tumakbo para pagka-presidente sa kahit sinumangkakandidatong presidente ng Pilipinas sa 2010.

"There are a lot of things to do pa, and I don't think I canleave Batangas by 2010 nang hindi ko naisasakatuparan ang mga naka-line up namga programa ko.

"At aaminin ko sa inyo, didiretsahin ko kayo na at thispoint in time hindi ko pa kakayanin na makapagsilbi ng buong Pilipinas.Batangas muna. Wala akong interes sa national positions."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Buong pagmamalakingsinabi ni Governor Vi na unti-unti niya naman daw naaabot ang mga nai-setniyang goals noong umupo siya as governor ng Batangas.

"Tatlong bayan ang pinupuntahan ko everyday. I see to itna umaandar ang mga proyekto ko at inaalam ko kung ano ang problema ng bawatprobinsiya."

MORE BARAKO THAN THE BARAKOS. Hindi tuloy napigilanni Governor Vi na balikan ang panahon noong kauupo niya pa lang as Lipa mayor naminamata-mata pa siya noon ng mga "Barako" ng Batangas.

"Hindi ba, ang Batangas is a ‘Barako' country. So, nungnag-umpisa ako, yung mga constituents ko, lalo na yung mga barako from theother party, ‘pag binabati ko sila, ngingitian ko, tinitingnan lang ako. Parangminamaliit talaga ako. Pero nung nagsimulang umandar na ang mga proyekto ko,nakita nila na iba ako. Na kapag sinabi kong gagawin ko, gagawin ko talaga atnangyayari. Ang maipagmamalaki ko nga sa kanila, mas lalaki pa ako kausap kesasa iba."

Aminado naman ang si Gov, na hindi naman daw agadnapagbibigyan ang ibang lumalapit sa kanyang mga pinunong bayan at lider ng mgabarangay. Ipinapaliwanag naman daw niyang mabuti sa mga ito kung ano ang mgabalakid at kung bakit hindi puwedeng maibigay ang mga hinihiling agad-agad.

"Sinasabi ko agad sa kanila na, ‘Pasensiya na, pero wala patalaga tayong budget para sa inyo.' Sinasabi ko kaagad at di ko na pinapaasapa. Pero kung kayang gawin, kayang abutin, ginagawa namin. For example, kungmay problema ang isang lalawigan, kakausapin ko kung sino ang in-charge sabudget. Itatanong ko kung bakit hindi magawa o kung ano ang dapat gawin paramagawa agad. Kung kaya namang gawin at may available resources, basta makita kona kaya, pipirmahan ko kaagad yung papel. Walang problema roon."

Madali rin daw namang kausapin ang mga Batangueño leaders.Siguro nga raw dahil sa pagiging Vilma Santos na niya na wala naman sapinalitan niyang pinuno at sa iba pang nauna sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro nga dahil sa Vilma Santos na ako. It's a big factor,being Vilma Santos. For example, yung mga kapitan ng barangay na humihiling saakin for their projects, tinapat ko na agad sila na wala muna po tayong hardproject for the barangays, it's all soft. Kasi ang binigyan ko pongpinakamalaking budget yung provincial roads. So hindi ko po mailalagay yan for2008, so maybe next year. Balik na lang po kayo para sa resolusyon n'yo. So sabinila, ‘Talaga po bang hindi puwede?' Sabi ko, hindi po talaga. Sabi na langnila, ‘O, sige po, puwede pong pa-picture na lang?' Siyempre, it's the least Ican do for them. Wala namang problema sa akin. Saka alam naman nila na theywill have their turn once matapos ko yung isang lugar or project. Tinutupad koang pangako ko."

LUIS AND BEING CALLED LOLA. Kinumusta naman ng presssi Governor Vi tungkol sa kanyang anak na si Luis Manzano. Marami na kasi angnagsasabing botong-boto na talaga ang Batangas governor sa natsitsismis naka-on ng anak niya na si Angel Locsin. Tinanong tuloy si Governor Vi kung handana raw ba siyang maging biyenan, at kung magpapakasal na raw ba si Luis?

"Kung gusto niya, why not. Yeah. Pero ako kasi, nababataan paako sa kanya, e. He's only 27. I mean, let him enjoy his life muna, his beingsingle."

Biniro tuloy siya na baka takot lang siyang maging lola na.

"Ay, ayokong maging lola, ‘no. Gusto ko, momsie!" Nagtawanantuloy ang mga kausap niya.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kungtinanggap ba ni Luis ang alok to be her gay son sa pelikula ni Gov. Vi withJohn Lloyd Cruz.

"Hindi yata. I think he feels he's not yet prepared to playthat kind of role."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVIE WITH HER KUMARE. Tinanong naman ng PEP kungwilling din ba siyang gumawa ng movie with her perennial rival but her dearkumare, Nora Aunor.

"Why not, basta ba maganda ang script at bumalik muna siya.Sana makabalik muna siya."

Nagkakausap nga raw sila ni Nora once in a while atnagkukumustahan.

"Nagte-text kami. Nagkakamustahan. I just wish her well. Thelast time, I talked to her was in March or April? When I was in the States.Sabi naman niya she's okay. We didn't have the chance to see each other kasi Iwas in L.A., she was in Las Vegas. Pero nagte-text pa rin kami. she said she'sokay.

"I just wish her well and she'll be more comfortable namakabalik na siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN