Alfred Vargas maintains friendship with ex-flame LJ Reyes while dating non-showbiz girl

IMAGE 0


"Wala kaming ilangan. Maganda siguro, kasimaganda ang breakup namin. Even after the breakup, na-retain namin yungfriendship namin," says Alfred Vargas about his current relationship with ex-girlfriend LJ Reyes.



Grade school pa lang ay magkaibigan na sina Alfred Vargas atDingdong Dantes. Kuwento ni Alfred, hindi raw sila naging magkaklase niDingdong sa Ateneo, pero magka-batch daw sila. Bukod pa rito, magkasama sila ngayon sa Dyesebel.

Kung kaya't nang personal siyang imbitahan ni Dingdong paramaglaro sa isang basketball game na in-organize nito para kumalap ngscholarship fund for Philippine Maritime Institute's (PMI) incoming students ayhindi nagdalawang-isip si Alfred na umoo. Bukod dito, tulad ni Dingdong ay advocacyrin ni Alfred ang education.

"Okey sa akin kasi yun din ang itinutulak kong advocacy,education talaga," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). For thepromotion of education din ako. Personally, may tinutulungan din ako pagdatingsa pag-aaral. Pero siguro one day, magtatayo rin ako ng scholarship foundationko, pero siguro more on sa mga elementary or sa mga bata."

Feeling ni Alfred, God's will kung paano silang lahat sateam nila ay naroroon. Halos lahat daw sila ay busy rin, pero nagawa nilangmakapaglaro. Nakasama ni Alfred sa team sina Wendell Ramos, JC de Vera, AntonioAquitania, Luis Alandy, Marco Alcaraz, Marky Lopez, Arthur Solinap, and Dr.Hayden Kho.

"Parang nag-coincide lahat ang schedules. Yun nga lang, angnangyari, kung busy kami, mas busy talaga siya [Dingdong] dahil wala nga rito!" natatawang sabi ni Alfred, na ang tinutukoy ay ang absence ni Dingdong sabasketball game. Kasukuyan itong nasa New Jersey kasama si Marian Riverapara mag-promote ng GMA Pinoy TV doon.

UNA KANG NAGING AKIN. In fairness, one of the busiest actors din ng Kapuso networksi Alfred dahil bukod sa Dyesebel, may weekly show pa siyang Nuts Entertainmentat may sinisimulan siyang bagong afternoon series, ang Una Kang Naging Akin.

Hindi itinago ni Alfred ang excitement sa bagong show nahalaw sa pelikula noon nina Sharon Cuneta, Gabby Concepcion, at Dawn Zulueta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako si Ronnie sa Una Kang Naging Akin. Bago siyang role,bale additional siya sa original. Kasama ko sina Maxene Magalona, Angelika delaCruz, Wendell Ramos, at si LJ Reyes," banggit ng aktor.

NEVER WAS A LOVE TEAM. Ayon kay Alfred, mali raw ang sinasabing balik-tambalan nilang dating girlfriend dahil never pa naman daw silang nagtambal talaga ni LJ.

"Never pa kaming nag-partner ni LJ. Kung meron man,siguro guesting na isa or dalawa. Pero yung series, wala talaga. Never rinkaming naging love team. So, kumbaga, ngayon pa lang talaga," paliwanagniya.

Kumusta naman ang pagsasama nila ngayon?

"Okey naman ako, under exclusive contract naman tayo ng GMAat pinagkakatiwalaan naman natin ang mga boss ng GMA. So, kung ano'ng role angibigay nila sa akin, ginagawa ko with the best that I can. At saka kami, hindinaman kami magkaaway ni LJ, magkaibigan kami. Maganda naman yung breakupnamin."

Ayon kay Alfred, sobrang naka-move on na raw siya sa nagingsplit-up nila noong November 2007 pa. On LJ's part, obviously, mas naka-move onang dalaga dahil may bago na itong boyfriend, ang apo ni Henry Sy na si HersonSy.

"Wala kaming ilangan," giit ni Alfred. "Maganda siguro, kasimaganda ang breakup namin. Even after the breakup, na-retain namin yungfriendship namin."

Kung si LJ ay meron nang bagong karelasyon, what about him?

"May dine-date akong non-showbiz," pag-amin niya. "Okeynaman. Enjoy naman ako na ganito. Besides, meron akong tatlong shows sa GMA, sosiguro dapat lang naman na magpasalamat ako sa Diyos at galingan ko sa bawatprojects na ginagawa ko. Siguro, hindi ko muna priority sa ngayon ang maggugolng panahon sa lovelife"

May two months na raw silang nagde-date ng non-showbiz girlna ayaw niyang pangalanan. Pero ayon kay Alfred, hindi raw ito yung unang na-linksa kanya na Quisumbing ang apelyido

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro I could say exclusively dating. Pero ang magandakasi ngayon, non-showbiz, so wala masyadong intriga," saad ni Alfred.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN