Annabelle Rama becomes more upfront in admitting "tampo" with GMA-7

IMAGE 0


"Ano'ng nangyayari, giyeraito? Nagpo-promote sina Richard at KC, may nagpo-promote naman na kasabay doon?Ang reason, wala nang playdate sa Araneta. Puwede naman sila umiwas lalo't maypinirmahan ang Star Cinema sa GMA. Puwede namang hayaan muna ang mga bata.Huwag sumawsaw sa playdate," says Annabelle Rama.


Hindi talaga mapalampas ni Annabelle Rama ang nangyaring tapatan ng pelikula ng anak niyang si Richard Gutierrez atKC Concepcion na For The First Time from Star Cinema sa birthday concert ninaDingdong Dantes at Marian Rivera sa Araneta Coliseum.

Sa August 27 angfirst day of showing ng For The First Time at kinagabihan naman ang birthdayconcert nina Dingdong at Marian na bigay sa kanila ng GMA-7 para sa fans ng Dyesebel stars.

Unang pelikula ni Richard sa Star Cinema, ang film arm ngABS-CBN, ang For The First Time. At gaya nina Dingdong at Marian, Kapuso artistdin si Richard.

Hindi na bago sa mga showbiz denizens ang ganitong reaksiyon mula sa nanay ni Richard. Bukod sa kilala si Tita Annabelle, tawag ng karamihan sa kanya, bilang nanay na ipaglalaban ang mga anak, isa rin siyang talent manager na talagang poprotektahan ang interes ng mga alaga.

Una nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal)si Annabelle sa concert ni Gabby Concepcion sa Music Museum, ayaw pa niyangipasulat ang maaanghang niyang mga salita na "desperado" ang may kagagawan ngpagtatapat ng birthday concert nina Dingdong at Marian sa pelikula nina Richardat KC.

Pero kahapon, August 22, ay inilabas na nito ang saloobin sa programang Wow, AngShowbiz! nina Ogie Diaz at Fernan de Guzman sa dzXL.

Banat ni Annabelle, "Ayaw ba nilang makipagkaibigan? Ayawnilang makipag-peace. Birthday ni Dingdong, August 2, at si Marian, August 12.Ano ba ‘yan, dong! Ang layo ng 27 para mag-celebrate. Puwede naman 14, 15, 16,17. Bakit tumapat sa playdate ng mga bata [Richard and KC]? Wednesday pa,‘tapos free pa! Puwede namang weekend dahil Araneta yun. Sinadya talagang arawng showing, hindi ko maintindihan!

"Dapat nagpabayad na rin sila para malaman kung sino angmananalo. Exclusive contract nila si Richard sa GMA, hindi nangangaliwa, veryloyal. Pinayagan siya para gumawa sa kabila [Star Cinema] dahil gagawa rin sila ni KC saValentine's Day, pero ano ang ginawa nila?" hinaing ng ina ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon ni Richard dito?

"Alam mo naman si Richard, katulad ‘yan ng daddy [EddieGutierrez] niya, hindi kumikibo. Wala talagang bad vibes si Richard. Magandaang pelikula. Mag-e-enjoy ang moviegoers. Sabi niya, ‘Mommy, huwag ka nang mag-react,ang mga wrinkles.' Very relax, hindi nai-insecure at may tiwala sa sarili siChard," lahad ni Annabelle.

Ayon pa kay Annabelle, kinausap daw niya ang executives ngGMA-7 kung bakit tinapatan ang For The First Time ng birthday concert ninaDingdong at Marian.

"Nagulat talaga ako," sabi niya. "Ano'ng nangyayari, giyeraito? Nagpo-promote sina Richard at KC, may nagpo-promote naman na kasabay doon?Ang reason, wala nang playdate sa Araneta. Puwede naman sila umiwas lalo't maypinirmahan ang Star Cinema sa GMA. Puwede namang hayaan muna ang mga bata.Huwag sumawsaw sa playdate.

"Sana makarma ang may kagagawan nito! Ibang magalit ang mgaBisaya! May devil diyan sa GMA na isa! Alam ko, ‘yang babaeng ‘yan na executiveang may kagagawan! ‘Yan ang inggitera at kontrabada! Marami na ang nagagalitdiyan!" deklara ni Annabelle.

First time na gumawa sa Star Cinema si Richard, pero nakitani Annabelle ang suporta sa anak niya. Very thankful si Annabelle na kahit yung mga Kapamilya stars aynag-e-endorse ng For The First Time, tulad nina Aga Muhlach, Piolo Pascual,Sarah Geronimo, at Angel Locsin.

May isang taon pang contract si Richard sa GMA-7, perokinakausap na raw ni Annabelle ang lawyer niya kung puwedeng hindi na tapusinito dahil sa pangyayari.

Kaugnay nito, hiningan ng PEP ng reaksiyon ang SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante tungkol sa usap-usapan sa bakiuran ng GMA-7 na ayaw na diumanong makipag-deal ng Kapuso network kay Annabelle dahil sa mga naging pahayag nito tungkol sa pagtatapat ng pelikula ng anak sa birthday concert nina Dingdong at Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ms. Wilma, "There is absolutely no truth tothis. We deal with her constantly given the number of contract artists wehave under her management."

Sinegundahan naman ito ni Noel Ferrer ng GMA Films at sinabing, "That's not true. We have no problem dealing with her [Annabelle]. Besides, Richard Gutierrez is still in contract with GMA Films. Marami pang projects na naka-line up para sa kanya."

Sa August 26 ang premiere night ng For The First Timesa Megamall, pero ngayon pa lang ay balitang star-studded ito dahil magsasama-sama ang mga artistang Kapuso at Kapamilya. Balitang dadaluhan din ito nina Judy AnnSantos, Claudine Barretto, at Angel. Nakumpirma rin na darating ang mga magulangni KC na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, pero ang plano ay magkahiwalayang dalawa sa dalawang sinehan na paglalabasan nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN