Luis Manzano says "there's no necessity" to admit relationship with Angel Locsin

Aug 23, 2008
"Siguro ngayon, ang dami ko pang kailangang gawin. Ang dami pang puwedeng pagkakitaan. Marami pang priorities na kailangan na i-focus muna. Pero sa akin, walang definite age if alam mo marami ka pang kailangang gawin, then, go for it," says Luis Manzano when asked about settling down.

Dinaaan na lang sa biro ni Luis Manzano ang sinabi ng kanyang ina na si Batangas Governor Vilma Santos na ayaw muna niyang magkaroon ng apo. Balitang-balita na kasi ang magandang relasyon ni Luis sa kanyang rumored girlfriend na si Angel Locsin. Kaya naman hindi malayo na ang kasunod nito ay ang pagbuo ng isang pamilya nina Luis at Angel.

"Ayaw pa ni Mommy?" tanong ni Luis sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Well, it's understandable. Protective isn't the right word kay Mommy. Pero, siyempre, kahit paano nandun ang maternal instinct naman. Pero, of course, sooner or later, when time passes by, siyempre gusto rin naman niya na magkaapo at ako magkaroon ng sarili kong pamilya. Pero siguro not now, which is perfectly understandable."

Base sa mga pahayag ni Governor Vi, ayaw pa rin niya na lumagay sa tahimik si Luis.

"I think it's maternal instinct. It's not necessarily strict dahil she was never strict sa akin. Kahit bata pa ako, gumigimik na ako. First year high school pa lang, gumigimik na ako. Because she knew, she trusted me naman. Alam niyang responsible din ako. So she was never strict to me. Never akong nagka-curfew. Umuuwi ako after two weeks, okey lang sa kanya. Galing, ang galing magpalaki!" biro ni Luis.

Continue reading below ↓

Ganun din ba ang idea niya about getting married o gusto na rin niya talagang lumagay sa tahimik anytime now?

"Hindi," sagot ng TV host-actor. "Siguro ngayon, ang dami ko pang kailangang gawin. Ang dami pang puwedeng pagkakitaan. Marami pang priorities na kailangan na i-focus muna. Pero sa akin, walang definite age if alam mo marami ka pang kailangang gawin, then, go for it."

Sa tingin niya kung magpapakasal siya, si Angel na ang babaeng pakakasalan niya?

"Si Angel ay isang babaeng karapat-dapat pakasalan," ngiti ni Luis.

Magiging mahirap ba para sa mommy niya ang mag-asawa siya at this point in time?

"No, definitely kahit mag-asawa na ako..., I would love to have my mom right by my side. So, it won't be difficult na my mom checked up on me. That's a good thing dahil you always know that you are loved," sabi ng 27-year-old TV host-actor.

INSPIRED. Obvious sa mga mata ni Luis na inspired na inspired siya ngayon. Ilang percent ang inspirasyon na nangagaling kay Angel?

Continue reading below ↓

"A very, very substantial portion."

More than half?

"You'll never know."

Pero bakit hindi pa maamin ni Luis ang relasyon niya kay Angel samantalang hindi rin naman siya nagde-deny?

"Hindi, kasi there's no necessity," paliwanag niya. "Yun yung para sa akin pinaka-ano doon, necessity. Hindi naman kailangang pag-usapan. Walang buhay na nakataya. Sabi nga ni Angel sa interview namin sa Entertainment Live, yung sa amin, it's on a personal basis na we don't need to expound on it naman."

Tatlong beses na raw nag-join si Angel sa family occasion nila.

"Dahil sabi nga namin, it's not that we want to keep it really private, yung parang we don't need to talk about it. Pero Angel and I, lumalabas kami in public. Nagmu-mall kami, so parang it's not worth hiding, e. Parang we just don't need to.

"Yun nga, may buhay bang nakataya ‘pag sumagot ako o hindi? Meron bang nakaabang sa building? Wala naman. Na ‘pag oo, may tatalon, kapag hindi, di ba? There's no necessity naman. Kumbaga, sinasabi namin ni Angel palagi kahit paano ibalato na lang sa amin," pahayag ni Luis.

Continue reading below ↓

Obserbasyon ng iba, hindi raw naging ganito noon si Luis sa mga ex-girlfriend niya tulad nina Anne Curtis at Nancy Castiglione (na ngayon ay Nancy Jane na ang ginagamit na screen name).

"Hindi, kasi, one, sa amin ni Anne, when we started coming out about our status before, seven years ago, hindi pa ako showbiz noon. So, that's why we were open to talk about it.

"Nancy? Especially, mas lalo akong hindi showbiz noon at siya rin. Hindi pa siya showbiz noon, commercial model pa lang siya," paliwanag niya.

Pero hindi ba siya nagseselos na si Piolo Pascual ang kasama ni Angel sa mga showbiz gatherings ‘tulad ng anniversary ng Belo Medical Group?

"Hindi, kaya nga yung sa amin, for example if PJ [palayaw ni Piolo] and Angel are seen somewhere, for example sa Belo party, I can't because I'm with Calayan.

"And I understand naman na magkaibigan sila. PJ and Angel, there's nothing wrong kung pumunta sila together. And sabi nga nila, sila ang love team; kami hindi. Wala kaming ipinu-promote."

Continue reading below ↓

Hindi ba siya nag-aalala na baka ma-develop sina Angel at Piolo?

"Hindi, dahil secure ako sa kung anuman meron kami ni Angel and secure rin ako in the same way sa friendship namin ni PJ," pagtatapos ni Luis.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro ngayon, ang dami ko pang kailangang gawin. Ang dami pang puwedeng pagkakitaan. Marami pang priorities na kailangan na i-focus muna. Pero sa akin, walang definite age if alam mo marami ka pang kailangang gawin, then, go for it," says Luis Manzano when asked about settling down.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results