Iza Calzado throws annual birthday treat at Children's Medical Center

Aug 23, 2008
"Nung time na dumalaw na ako sa ospital at may dala akong cake, tumayo yung bata. Nakita ko yung joy na naramdaman ng bata. Kumbaga, yung mere presence ko, nakapagbigay pala ako ng kasiyahan sa bata. After nun, I got the chance to celebrate my birthday dun sa ospital, ilang kids pa lang yun," narrates Iza Calzado her yearly charity work for the children confined at Philippine Children's Medical Center.

For four straight years, pinili pa rin ni Iza Calzado na i-celebrate ang kanyang kaarawan kasama ng mga batang pasyente, karamihan ay may cancer, sa Hematology Department ng Philippine Children's Medical Center (PCMC) sa Quezon Ave., Quezon City, kahapon, August 22. Noong August 12 ang actual 26th birthday niya.

Kahapon nga, after ng kanyang presscon cum post-birthday treat para sa selected members of the entertainment press, dumiretso si Iza sa PCMC para sa kanyang nakagawian nang pagse-share ng blessings sa mga batang maysakit. Naging saksi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday treat at charity work na ito ni Iza.

Paano nga ba ito nagsimula?

Kuwento ni Iza, "Nag-umpisa ito kasi mayroon akong cousin, si Kuya Dennis Savellano, na nagwo-work as nurse sa PCMC. Nagte-Te Amo [Iza's defunct soap on GMA-7] pa lang kami nang tinawagan niya ako. Sabi niya, may isang bata raw doon na ang pangarap daw niya ay makita si Rosella, yung character na ginagampanan ko sa Te Amo, at saka si Sarah Geronimo. E, siyempre, wala naman siyang koneksiyon kay Sarah, kaya ako yung tinawagan niya.

Continue reading below ↓

"Nung time na dumalaw na ako sa ospital at may dala akong cake, tumayo yung bata. Nakita ko yung joy na naramdaman ng bata. Kumbaga, yung mere presence ko, nakapagbigay pala ako ng kasiyahan sa bata. After nun, I got the chance to celebrate my birthday dun sa ospital, ilang kids pa lang yun.

"Hanggang sa yearly, nagpapadagdag ako ng kids, kasi nadadagdagan din naman ang blessings ko. Hanggang sa maging 100 kids na plus their companions yung nakakasama sa party. At yearly ko na nga itong ginagawa. Siguro next year, balak kong gawing mas malaki yung party para mas marami pang bata yung makasama," lahad ni Iza sa PEP.

Pinasaya ni Iza ang mga bata sa ginanap na programa na kinabibilangan ng games, kantahan, sayawan, magic at puppet show, kainan, at pamimigay ng mga regalo at giveaways.

Nakaka-touch makita yung pag-ngiti ng ilan sa mga bata na kahit nanghihina at naka-dextrose pa ay alam mong nakaramdam ng kasiyahan kahit sa sandali lang na ‘yon. Bibong-bibo rin ang ilang bata sa kanilang pagsasayaw at naki-join pa si Iza

Continue reading below ↓

Bukod sa pagbati ng "Happy Birthday" at pagbigay ng wish kay Iza, bawat bata ay nagbigay ng bulaklak sa aktres. In exchange, halik at yakap ang handog ni Iza na may kasama pang bag at iba pang regalo.

Labis namang nagpasalamat ang pamunuan ng PCMC kay Iza dahil hindi nagsasawang mag-share ng blessings ang aktres sa kanilang mga batang pasyente.

Emosyonal din ang isang nanay na representative ng mga magulang habang ibinibigay kay Iza ang isang plake ng pasasalamat mula sa mga magulang. Naiiyak ang nanay na nagpasalamat sa inihahandog na kasiyahan ni Iza sa kanilang mga anak taun-taon.

Masaya rin si Iza dahil ilan sa mga batang nakasama niya sa mga nakaraang birthday niya sa PCMC ay gumaling na at nakalabas na ng ospital. Ilan din sa mga batang ito ang dumalo sa birthday treat niya this year.

Dumating at tumulong kay Iza sa pagpapasaya ng mga bata ang kapwa niya Kapuso talent na si Jackie Rice.

Continue reading below ↓

Sobrang nagpapasalamat si Iza sa GMA Artist Center na taun-taon ay todo ang suporta sa kanyang pagkakawanggawa. Present din ang ilang GMAAC staff sa pangunguna ni Jenny Donato para tulungan si Iza sa event na ito.

Nagpapasalamat din si Iza sa kanyang fans, ang IONS, na taun-taon ay sumasama sa kanya sa PCMC para mag-assist sa pamimigay ng mga pagkain at regalo sa mga bata.

Bagama't may pansariling wish si Iza, meron din siyang wish para sa mga bata. Aniya, "Sana gumaling sila at maging masaya. Sana huwag silang maggi-give up, pati ang parents nila. Just continue on praying. Prayers can make wonders."
Read Next
Read More Stories About
Iza Calzado
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nung time na dumalaw na ako sa ospital at may dala akong cake, tumayo yung bata. Nakita ko yung joy na naramdaman ng bata. Kumbaga, yung mere presence ko, nakapagbigay pala ako ng kasiyahan sa bata. After nun, I got the chance to celebrate my birthday dun sa ospital, ilang kids pa lang yun," narrates Iza Calzado her yearly charity work for the children confined at Philippine Children's Medical Center.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results