Alfred Vargas resolves to do better when he falls in love again

Aug 23, 2008
"Kung magkakarelasyon ako uli, sisiguraduhin ko namang maayos ang lahat. Ayoko na ng ganoong conflict, lalo na kung nagiging unfair ako sa babae, pagdating sa oras at atensiyon," says Alfred Vargas.

Gumaganap si Alfred Vargas bilang marine biologist na papagitna sa dalawang babae, sina Maxene Magalona at LJ Reyes, sa nalalapit na Sine Novela ng GMA-7, ang Una Kang Naging Akin. Hudyat ito ng pagsisimula sa bagong two-year contract na pinirmahan ni Alfred sa Kapuso Network.

"I'm so happy, kahit very open ako sa GMA-7 sa pagsasabing I can work on bigger challenges," pagtatapat ng aktor sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Wala akong karapatang magreklamo dahil tuloy-tuloy ang ibinibigay nilang trabaho sa akin. Sa ngayon, tatlong regular exposures ang nae-enoy ko sa GMA-7, at pinagtatrabahuan ko rin naman nang husto.

"Sapat na yung paniniwala ng GMA-7 na if there's a good role and character, naiisip nila ako, na they can really depend on me for such challenges. Only for that, I should always be thankful," nasabi pa ni Alfred nang dalawin siya ng PEP sa kanyang bachelor's pad sa Don Antonio Heights, Quezon City.

Continue reading below ↓

Hindi nga basta mahagilap si Alfred these days dahil sa pagka-busy. Bukod sa pagsisimula ng Una Kang Naging Akin, tuluy-tuloy pa rin ang exposure niya sa Dyesebel at NUTS Entertainment.

FARMER ALFRED. "Aside from that, I'm working in my farm sa Sta. Maria, Bulacan," banggit ng aktor. "Nagpapatanim ako ng mga gulay, different crops. Agricultural food production ang business ko at ito ang tinututukan ko.

"May iba pa akong negosyo sa ngayon, bumabalik na lang ang kita sa akin. Pero dito sa farming at food production ako naglalaan ng maraming oras. Four times a week, pinupuntahan ko ang farm. Even if I have taping, let's say papuntang Subic, hindi puwedeng hindi ko aagahan ang alis para mga fifteen minutes man lang, makapag-stay ako sa farm."

Ang feeling ni Alfred, nagbabalik siya sa pagkabata dahil sa lugar na yun siya lumaki.

"Parang mas nag-e-enjoy ako sa farm ngayon. Tahimik, hindi ako pressured, at nakakapag-relax ako kahit paano," pahayag ng aktor.

Continue reading below ↓

SUBSTANTIAL ROLE. Maganda naman ang epekto kay Alfred ng partisipasyon niya sa Dyesebel. Noong una, akala niya'y lalabas lang siyang paningit o panggulo kina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

"Ito na yung time na nare-realize ng televiewers ang substance ng role ko, na hindi lang ako palamuti, na ako ang symbol ng selfless love kay Dyesebel. Yung mga taong nami-meet ko, tinatawag na akong Erebus, which is my character in the series. Nagpapasalamat ako at naibigay sa akin ang ganitong klaseng role, na kakaiba, because I play the role of a merman na nagkatawang-tao na rin," lahad niya.

NO ISSUE WITH LJ. Nakiusap naman si Alfred na tigilan na ang pang-iintriga sa kanila ng ex-girlfriend niya na si LJ, na kasama niya ngayon sa Una Kang Naging Akin.

"Hindi rin siguro maiiwasan dahil magkatrabaho kami, pero ang maganda kasi, nagkahiwalay kami ni LJ na magkaibigan, kaya kumportable pa rin kami sa isa't isa. Sa ngayon, we really have to be professional. Never na nagkaproblema sa amin ni LJ, basta trabaho lang."

Continue reading below ↓

Tuloy naman ang buhay para sa aktor kahit loveless siya, pero hindi naman completely. Lumalabas pa rin siya paminsan-minsan na may ka-date.

"Pero hindi yun ang priority ko," sabi ni Alfred. "Sa dami ng dapat kong asikasuhin, ayoko na talagang maulit uli yung makikipagrelasyon ako na hindi ko maibibigay ang mas maraming oras, gaya sa naging kakulangan ko kay LJ.

"Kung magkakarelasyon ako uli, sisiguraduhin ko namang maayos ang lahat. Ayoko na ng ganoong conflict, lalo na kung nagiging unfair ako sa babae, pagdating sa oras at atensiyon."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung magkakarelasyon ako uli, sisiguraduhin ko namang maayos ang lahat. Ayoko na ng ganoong conflict, lalo na kung nagiging unfair ako sa babae, pagdating sa oras at atensiyon," says Alfred Vargas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results