Iza Calzado confident of fair treatment in movie with Dingdong and Marian

IMAGE 0


"Alam kong hindi akomadedehado. I must be aware that their team-up is so popular, pero alam konghindi naman ako basta lalabas lang na kontrabida sa kanila," says Iza Calzado about her upcoming movie with Dingdong Dantes and Marian Rivera.



Hindi na mawawala pa sa eksena ang aktres na si Iza Calzado. Sa paglulunsad kay Iza bilang endorser ngPink Soda sa Secret Cafe ni Fanny Serrano sa Sct. Rallos, Quezon City,napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na tuluy-tuloy na sapagbongga ang career ng aktres.

"Sinabihan na ako ng GMA-7 na may follow-up na angexposure ko sa Joaquin Bordado. Natutuwa sila saresulta ng telserye, at itong susunod na lalabasan ko, it will be somethingdifferent. Hindi pa puwedeng magsabi ng detalye hangga't wala pang go-signal," banggit ng aktres.

Pero sorpresa rin daw kay Iza ang detalyeng magte-taping saAmerika para sa ilang eksena ang sasalihan niyang bagong teleserye. Wala panamang nasasabi ang GMA-7 sa kanya tungkol dito,kaya mas mabuti nga namang maghintay na lang siya. Pero ang alam niyang isu-shootniya sa Amerika ay ang team-up movie nila ni GabbyConcepcion, na ayon sa kanya, aayusin lang ang script at schedule,matutuloy na rin daw.

"Marami ngang magagandang nangyayari sa career ko. Isana ang project na pagsasamahan namin nina DingdongDantes at Marian Rivera. It's going to bea movie na ididirek ni Mac Alejandre for GMA Films," banggit ni Iza.

Hindi kaya madehado siya sa proyektong 'yan dahil hotang team-up nina Marian at Dingdong? Baka magmukhang paningit lang siya?

"Naku, hindi naman siguro! Pero alam kong hindi akomadedehado. I must be aware that their team-up is so popular, pero alam konghindi naman ako basta lalabas lang na kontrabida sa kanila. Hindi rin ako bastabinibigyan sa ngayon ng contravida role. Eventually, perhaps, pero kahitkontrabida, wala akong mairereklamo. Basta may impact, at hindi yung magigingkawawa lang ako," pahayag ni Iza.

Nag-celebrate siya ng birthday niya noong August12, pero parang hindi siya masyadong binigyan ng importansiya ng GMA-7.

"That's not true. On that day lang kasi, kailangangmag-work ako. Nag-taping ako ng Chef to Go for QTV-11, at kinagabihan, kasamako ang boyfriend ko [Jerry Garcia]. We had dinner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang sa akin yun. Hindi naman ako naghahangad naparang isasali pa ako sa birthday concert nina Marian at Dingdong sa AranetaColiseum. Ano naman ang gagawin ko doon? Marian andDingdong deserve that, and let's give that to them since they are thehottest love team now," pagtatapos ni Iza, na binigyan din naman ng birthday celebration sa SOP noong August 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN