Jean Garcia insists she and Polo Ravales are just "very good friends"

Aug 24, 2008
"Yung ibang tao kasi, nilalagyan lang ng malisya. Para sa akin, opinion nila ‘yon kaya okey lang. Basta kami ni Polo, wala kaming itinatago or gustong hindi ipaalam sa mga tao. We're very good friends at yun lang ‘yon," says Jean Garcia about her relationship with Polo Ravales.

Isang source ang nagbalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nakita diumano sina Jean Garcia at Polo Ravales na tumitingin ng kotse sa isang car showroom kamakailan. Ito nga ang natanong namin kay Jean nang mag-celebrate siya ng kanyang birthday last August 22 sa Dolce Club sa Tomas Morato, Quezon City.

Dumalo sa kanyang kaarawan ang kanyang mga close friends sa loob at labas ng showbiz. At siyempre, laging nakatabi sa birthday girl si Polo noong gabing ‘yon.

Nang tanungin si Jean kung totoo ba ang nakita ng aming source, walang pagde-deny mula kay Jean o maging kay Polo. Totoo raw na may tinitingnan silang kotse, pero hindi nila sinabi kung para kanino ang kotse.

"Actually, kotse ang regalo sa akin ni Pol!" sabay tawa ni Jean. "Ang ganda ko naman masyado, di ba? Kotse na ang nireregalo sa lola n'yo!

"It's true na may tinitingnan kaming kotse ni Pol. Pero kung para kanino ay hindi ko na sasabihin. Who knows na baka para pala sa akin o para kay Pol. Kailangan lang namin ng opinion ng bawat isa kung tama ba yung kotse o hindi. Yun lang naman ‘yon," paliwanag niya.

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Jean, ganyan naman daw sila ni Polo since naging very close sila. Tuwing may naiisipang bilhin si Jean ay hinihingi niya ang advice ni Polo and vice versa.

"Wala namang masama doon, di ba? It means that we trust each other's taste sa mga bagay. It's part of the friendship na nabuo na namin with one another kaya huwag ninyong lagyan ng malisya!" sabay tawa ni Jean.

Pero may nagsabi kay Jean na gawain lang daw ng magkasintahan ang mag-consult sa bawat isa ng kung ano ang tamang bilhin. In fact, gawain din ‘yan ng mag-asawa.

"Gano'n? Nakakaloka naman ‘yang interpretation ninyo!" tawa ulit ni Jean. "Siguro naman kahit friends kayo, you can do that. Not unless medyo personal na, siyempre ikaw na ang magdesisyon. Pero when it comes naman to some things ay kailangan din natin ng opinion ng kaibigan.

"Yung ibang tao kasi, nilalagyan lang ng malisya. Para sa akin, opinion nila ‘yon kaya okey lang. Basta kami ni Polo, wala kaming itinatago or gustong hindi ipaalam sa mga tao. We're very good friends at yun lang ‘yon."

Continue reading below ↓

THANKSGIVING PARTY. Hindi lang dahil sa birthday ni Jean kaya siya nagpa-party kundi isang thanksgiving party na rin daw 'yon dahil sa sunud-sunod na blessings na natatanggap niya at ng kanyang pamilya.

"Matagal ko nang gustong gawin ito pero mas maganda kung may kasabay na okasyon, which is my birthday," ngiti ni Jean. "For the past three years, ang ganda ng takbo ng career ko sa TV especially when I did soap dramas with GMA-7 starting with Majika, Atlantika, Impostora, La Vendetta, and now with Dyesebel. ‘Tapos may mga movies pa ako na ginagawa at may mga endorsements pa.

"I'm also thankful dahil sa pagtanggap ng marami sa anak kong si Jennica [Garcia]. Ever since na nag-showbiz siya, nag-enjoy na talaga siya and she's doing very well. Nagsimula siya sa Impostora and she has since did Boys Nxt Door, Babangon Ako't Dudurugin Kita, Ako Si Kim Samsoon, at kasama rin siya sa Gagambino.

Continue reading below ↓

"So, marami akong gustong pasalamatan sa Panginoon for being so good to me and my family. Kaya there's a reason to celebrate, aside from my birthday," pagtatapos ni Jean.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Yung ibang tao kasi, nilalagyan lang ng malisya. Para sa akin, opinion nila ‘yon kaya okey lang. Basta kami ni Polo, wala kaming itinatago or gustong hindi ipaalam sa mga tao. We're very good friends at yun lang ‘yon," says Jean Garcia about her relationship with Polo Ravales.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results