Richard Gutierrez and KC Concepcion kissing scene applauded by tourists in Santorini

IMAGE 0


"Nakakatuwa sila dahilang dami-daming turista at naiipon nga sila do'n kapag sunset na. Angnakakatawa, nang bago kami mag-take ng kissing scene, sumigaw si Bb. Joyce samga turista na ‘They will be kissing each other, watch them!' Kaya talaganghinintay nila ‘yong kissing scene namin at pumalakpak silang lahat pagkatapos," narrates Richard Gutierrez about his kissing scene with KC Concepcion in front of other tourists in Santorini, Gre



First time ni KC Concepcion natumapak sa Broadway Studio ng GMA-7 kaninang hapon, August 24, kasama ang kanyang leading man na si RichardGutierrez para i-promote ang first movie together nila, ang For TheFirst Time ng Star Cinema, sa Showbiz Central. No less than Richard's twin brother, RaymondGutierrez, ang nag-interview sa kanila.

RAYMOND: Ano angnaging vision ninyo nang finally ay natuloy na rin ang paggawa ninyo ng firstmovie ninyo together?

KC: Noon pa kamifriends ni Richard, at minsang nagkausap kami sa telepono, na-bring-up niya‘yong possibility na bakit hindi kami magsama sa isang movie? Sabi ko,bakit nga hindi, na mapagkasundo namin kahit sandaliang GMA Network at ang ABS-CBN? That wasthe time na nasa height ang network war.

RICHARD: Pareho kaming gumawa ngparaan ni KC na matuloy ang movie, at hindi nga lamang isa, kundi dalawa pa.Dahil isusunod na namin dito ang movie naman namin sa GMA Films for Valentinenext year.

RAYMOND: Ano ang advice na ibinigaymo, Chard, kay KC, since first time nga niyang gumawa ng movie?

RICHARD: Ang advice ko lang sa kanya kapag nagti-take kami, she just breathe andrelax. Pero ang totoo si Direk, si Bb. Joyce Bernal, ang nag-guide saamin. Binuksan niya ang mga puso namin para gawin lahat ng eksenangipinagawa niya sa amin. Pero may isang eksena rito na nalimutan ni KC angadvice ko, hindi siya talaga nakahinga, nag-hyperventilate na siya at hindiniya maihinto ang pag-iyak niya.

KC: Hindi talagaako nakahinga, iyak ako nang iyak,. Nalimutan kong pelikula ‘yon at umaartelang ako. Nadala talaga ako ng eksena.

RAYMOND: Anong inspirasyon angnakuha ninyo sa isa't isa habang ginagawa ninyo ang movie?

RICHARD: Matagal na rin akong gumagawa ng movie, pero dito nakita ko,naramdaman ko, kung paano binuksan ni KC ang puso niya sa bawat eksenang gawinnamin, at na-inspire din niya ako, kahit pa nga ito ang first movie niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KC: Marami akong natutunan sa kanyadahil matagal na nga siyang gumagawa ng movie. Ako, talagang bago lahat sa akinkaya na-inspire ako sa mga nakikita ko sa kanya, kung gaano siya ka-relax samga ipinagagawa sa kanya ni Bb. Joyce.

RAYMOND: Magkuwento naman kayotungkol sa Santorini, Greece. Ako, talagang gustung-gusto kong makasama sainyo, pero dahil sa paghu-host ko sa Pinoy Idol,hindi ako natuloy.

RICHARD: Oo nga, ikaw sana angpagbubuhatin ko ng mga gamit namin sa shooting, sayang at hindi kanakasama. Pero doon nagkaroon kami ng bonding dahil tulungan kami sapagbubuhat ng mga gamit. Kaunti lang kasi ang staff na kasama namin salocation.

KC: Yes, anghirap pa naman dahil akyat-panaog kami doon. Yung lugar kasi, parang isangbarangay lang, pero mataas kaya kailangang mag-akyat-panaog kami. Pero masaya,masaya naming ginawa ‘yon.

RAYMOND: Pag-usapan natin angtungkol sa kissing scene ninyo na kinunan daw sa mataas na lugar saSantorini. May ugali raw sa Santorini, na kapag sunset, naiipon ang mgaturista at pinapalakpakan nila ang sunset, totoo ba 'yon?

RICHARD: Yes, nakakatuwa sila dahilang dami-daming turista at naiipon nga sila do'n kapag sunset na. Angnakakatawa, nang bago kami mag-take ng kissing scene, sumigaw si Bb. Joyce samga turista na ‘They will be kissing each other, watch them!' Kaya talaganghinintay nila ‘yong kissing scene namin at pumalakpak silang lahat pagkatapos.

KC: Natakot ako,kasi first time ko ring makikipag-kissing scene on screen. Hindi ko pa alam anggagawin. Natakot ako hindi lang sa camera, sa mga turista rin. Nakahingalang ako na after ng take, nagpalakpakan sila.

RAYMOND: "Mahilig daw kayongmagpadala ng pagkain, lalo na kung isa sa inyo ang hindi nagsu-shooting?

RICHARD: Si KC, she's verythoughtful, very sweet. Kapag hindi ako nagsu-shooting, nagpapadala siya ngfood. May gustung-gusto akong food na ipinadadala niya. She's a vegetarian, navegetables and fish lang ang kinakain niya. Pero ‘yong ipinadadala niyangveggie food, lasang barbecue pero hindi siya meat. Pero hindi naman ako langang pinadadalhan niya, kasama rin ang production staff and crew. Ganoon siyaka-thoughtful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KC: Sa first shooting day ko,nagpadala si Chard ng cupcakes. Madalas din siyang magpa-lechon,nagpapadala siya ng palabok, para rin sa aming lahat.

RAYMOND: Kapag hindi raw nagti-takeang isa sa inyo, sa halip na mag-relax sa dressing room, hindi ginagawa at sahalip, nakatitig pa rin sa monitor.

RICHARD: Hindi naman, isa ‘yon sabonding namin. Pinapanood namin ang ginagawa ng isa't isa para alam namin kungano ang susunod na gagawin. Ganoon kami nina Shane [their cinematographer]pinapanood namin ang ginagawa ni KC. Wala kami talagang iwanan.

RAYMOND: Totoo bang may mga nabagosa story ng movie?

RICHARD: Ang husay-husay talaga niBb. Joyce. Akala namin, nagri-relax lang kami ni KC. For example, ‘yongnagme-merienda kami, ‘tapos bigla na lang naming maririnig na sisigaw siya ng‘Cut!' Nagsu-shoot pala siya ng lagay na ‘yon. Hinayaan pala niyangmaging natural lang ang ginagawa namin.

KC: Ang alam namin, dahil firstmovie namin together ito ni Richard, romantic comedy lang ito pero naging lightdrama/comedy na pala. Maganda!

RAYMOND: Grabe raw ang turnout ngmga tao kahapon (August 23) sa mall show ninyo sa SM Bacoor.

RICHARD: Yes, at nagpapasalamatkami sa lahat ng mga taong pumunta doon. Hindi namin in-expect na maramingmanonood sa amin. Maraming-maraming salamat!

KC: Yes, maraming-maraming salamat sa inyong lahat at salamat din kay Richard.Siya kasi ang naging human shield ko sa dami ng tao, siya ‘yong nakukurot atnahahawakan ng mga tao. Nasa likod lang niya ako.

Nagpasalamat din sina Richard at KC sa GMA Films at sa StarCinema na maging posible ang pagtatambal nila, ganundin sa ABS-CBN at GMA-7 sapagpayag na mag-promote sila sa mga shows ng magkabilang network.

RAYMOND: So, ang susunod ninyo, saGMA Films na. Ano naman ang magiging story nito?

RICHARD: "May comedy pa rin,pero more on love na ididirek ni Joey Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RAYMOND: Last question before youleave, pinapatanong ni Sweet (John Lapus) kung kayo na ba. So, kayo na ba?

Pero hindi sumagot ang dalawa at ngumiti lang sila.

RAYMOND: "Hindi silamakasagot. Yun na yon!"

Sa Tuesday, August 26, premiere showing na ng For The FirstTime sa SM Megamall Cinema 9 & 10. Kaabang-abang kung totoong parehonga-attend ang mga magulang ni KC na sina Sharon Cunetaat Gabby Concepcion at magkahiwalay na sinehan ang papanooran nila.

Sa Wednesday, August 27, ang opening ng movie in more than100 theaters nationwide. Hindi makakasama ni KC si Richard sainternational premiere night ng movie sa Los Angeles (September 6) at sa SanFrancisco (September 7) dahil may taping si Richard ngCodename: Asero sa GMA-7. Pero sa September 28,magkasama silang a-attend sa global premiere ng movie, na for the first time aygagawin sa Vienna, Austria.




Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN