Michael V feels honored as 2nd Filipino to land the cover of "Reader's Digest"

Aug 25, 2008
"Inano nila yung history ko. As a person lang na hindi talaga komedyante, as a person lang. Kumbaga, inaalam nila kung bakit nagkaroon ng ganoong klaseng humor ang isang Michael V," relates Michael V about being chosen as the cover of Reader's Digest.

Nakausap ng Showbiz Central through a taped interview ang magaling na komedyante na si Michael V tungkol sa pagiging cover niya ng September 2008 issue ng Reader's Digest (Asian Edition). Reader's Digest is a widely read general interest family magazine, which started in the United States and has international editions, including Asia.

Sa naturang cover ay naka-makeup si Michael V na mukhang matanda at naka-Barong Tagalog. Sa bottom ng cover ay nakalagay ang mga salitang "Yari Ka!"—tagline ng show ni Bitoy sa GMA-7, ang Bitoy's Funniest Videos.

Ayon kay Michael V, "Parang ngayon nga, hindi pa rin ako makapaniwala. Kasi noong may nagdapala ng sulat regarding the cover, parang pangalawa pa lang daw Pinoy na maku-cover, so parang may pressure. The first one was President Cory Aquino. Hindi ko alam na gagawin pala talaga. Kasi ang alam ko lang, may feature. Hindi ko alam na magko-cover pala, so big deal talaga sa akin."

Continue reading below ↓

Hindi na raw kataka-taka na maging cover si Michael at makasama sa list ng ilang Asian comedians—Singapore's Mark Lee and Malaysia's Harith Iskander—dahil kinikilala naman talaga ang kanyang galing sa buong Asya.

"Ang pinagbasehan siguro nila, sa Asian TV Awards because nanalo na ako ng tatlong beses sa Asian TV Awards for Best Comedy Actor [for Bubble Gang]. So, palagay ko doon talaga nila pinagbasehan at malalagay talaga sa cover."

Pero ang feature article daw ni Michael V sa Reader's Digest ay hindi lang ang pagpapatawa niya dahil seryosong binalikan ang kanyang pagiging komedyante.

"Inano nila yung history ko. As a person lang na hindi talaga komedyante, as a person lang. Kumbaga, inaalam nila kung bakit nagkaroon ng ganoong klaseng humor ang isang Michael V. So, ikinuwento ko sa kanila ang pinagmulan ko. Ang buhay ko sa tenement dati. Yung growing up sa tenement, sa elementary at high school, at sa PLM [Pamantasan ng Lungsod ng Maynila]."

Continue reading below ↓

Dahil daw sa pangyayaring ito, hindi na maiiwasang maikumpara si Bitoy sa mga batikan nang komedyante sa bansa.

"Nahihiya pa rin ako," sabi ni Bitoy. "Feeling ko, hindi ko pa nagagawa yung mga nagawa nila and at the same time, may mga ganyan nang honor. So, I'm really flattered."

Natawa naman si Michael V when asked kung sa achievement niyang ito, handa na kaya siyang ipakita ang pagpapatawa sa international scene.

"Sana nga," aniya. "Pero siguro...ewan ko...ewan ko... Hangga't walang offer, hindi naman ako magdya-jump kaagad. Kung meron, e, di okay, ita-try ko rin. Pero sabi ko nga, ang serbisyo ko, para sa mga Filipino muna, first and foremost. Mas maganda if I can make it a lot better here bago ko gawin sa ibang bansa."
Read Next
Read More Stories About
michael v.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Inano nila yung history ko. As a person lang na hindi talaga komedyante, as a person lang. Kumbaga, inaalam nila kung bakit nagkaroon ng ganoong klaseng humor ang isang Michael V," relates Michael V about being chosen as the cover of Reader's Digest.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results