Judy Ann Santos reiterates she is not pregnant

by Julie E. Bonifacio
Aug 25, 2008
"Nagulat nga ako nung marinig ko ‘yan. Yung, ‘Ha? Saan nanggaling ang isyu na ‘yan?' Para sa akin, yung pagbubuntis, isang bagay na hindi ko naman itinatago. Dapat ko pa nga ika-proud yun dahil 30 na ako. Ipagsisigawan ko sa buong mundo kung buntis na ako," says Judy Ann Santos about rumors that she is already pregnant.

Ibinalita sa Entertainment Live! noong Sabado, August 23, na malapit nang ipalabas ang nurserye ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN na pinamagatang Humingi Ako Sa Langit. Bukod dito, magiging editor-in-chief din si Judy Ann sa isang special edition ng isang magazine na lalabas ngayong Oktubre.

"This is the first time na magiging editor-in-chief ako. Ilalabas namin yung about me na hindi pa nila nakikita o nababasa sa ibang magazine. I'm starting to write the editorial note already," pahayag ni Judy Ann sa Entertainment Live!

May sariling website na rin si Juday para sa kanyang mga tagahanga, judai.multiply.com.

"They could check it out for information, pictures and for anything, mga bagong update sa akin."

Inamin din ni Judy Ann na miss na miss na niya ang boyfriend na si Ryan Agoncillo na kasalukuyang nasa Argentina ngayon para sa shoot ng Pinoy Fear Factor. "Siguro a test for the relationship also. Kasi ‘eto talaga yung longest na nagkahiwalay kami."

Continue reading below ↓

Sinabi rin ni Judy Ann na uunahin muna nila ni Ryan ang pagpapatayo ng bahay bago sila magpakasal.

"Kaka-start pa lang magpa-design, yung ganun. Start pa lang pinag-iisipan kung ano yung gusto namin na design ng bahay. Hindi yung kung kailan start na nung construction, ‘Ay, ayaw ko niyan. Gusto kong palitan.' Parte talaga ng plano na magkabahay muna bago magpakasal para, di ba, maging settled muna rin yung buhay namin para sa kinabuksan."

Nilinaw naman ni Judy Ann ang kumakalat na tsismis na buntis siya.

"Nagulat nga ako nung marinig ko ‘yan. Yung, ‘Ha? Saan nanggaling ang isyu na ‘yan?' Para sa akin, yung pagbubuntis, isang bagay na hindi ko naman itinatago. Dapat ko pa nga ika-proud yun dahil 30 na ako. Ipagsisigawan ko sa buong mundo kung buntis na ako. Hindi ako buntis!" ulit ni Judy Ann.

Read Next
Read More Stories About
Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagulat nga ako nung marinig ko ‘yan. Yung, ‘Ha? Saan nanggaling ang isyu na ‘yan?' Para sa akin, yung pagbubuntis, isang bagay na hindi ko naman itinatago. Dapat ko pa nga ika-proud yun dahil 30 na ako. Ipagsisigawan ko sa buong mundo kung buntis na ako," says Judy Ann Santos about rumors that she is already pregnant.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results