Rhian Ramos answers new issues involving leading men Mark Herras and JC de Vera

IMAGE 0


Controversial young actress Rhian Ramos is once again involved in controversies, this time with leading men Mark Herras (inset, top) and JC de Vera (inset, bottom).



May mga panibago na namang isyu na naglalabasan tungkol sacontroversial young actress na si Rhian Ramos at sinagot niya ang mga ito nang makapanayamsiya sa Showbiz Central noong Linggo, August24. Ilan sa mga isyu sa kanya ay tungkol sadalawang leading men niya na sina Mark Herras at JC de Vera.

Unang tanong sa kanya ay kung sino ba ang magiging escortniya sa kanyang debut at kung totoo ba na si Mark nga ito.

"Hindi ko naman masasabi kung sino ba ang magiging escortko. Exag na yun! Pero gusto ko lang malaman ng lahat na kung sino ang mganaging love team ko, nandoon sila sa 18 Roses. Sina Richard [Gutierrez]Mark at JC. Kasi, malaking part sila ng buhay ko. Sila yung mga tumulongsa akin sa mga projects ko, sila yung palaging kong kasama, di ba?

Ipinagtanggol naman ni Rhian si Mark sa isyung maynon-showbiz girlfriend si Mark na nagngangalan diumanong Valerie Pornea.

"Well, kilala ko si Mark at walasiyang girlfriend na non-showbiz. Wala siyang girlfriend. Period!" natatawangsabi ni Rhian.

Ano naman ang masasabi niya sa isyung mga fans daw niya angnagpapakalat ng intrigang may girlfriend si Mark na non-showbiz?

"Well, ako, yung mga tungkol nga sa akin kasi hindi ko alamkung sino ang nagpapakalat. So, mas lalo na isyu sa ibang tao," sabi ng youngactress.

Kasabay nito, nilinaw na rin ni Rhian ang isyu na marami rawagainst sa love team nilang dalawa ni JC dahil makakasira raw ito sa loveteamnina JC at Yasmien Kurdi. Si JC kasi ang leadingman ni Rhian sa upcoming primetime series niya sa GMA-7, ang La Lola.

"Wala namang dahilan para ma-threaten or what yung mgafans," sabi ni Rhian. "Kahit naman ako, nakikita ko na malakas ang chemistry nilani Yas. I mean, kita naman yun ng lahat. Malakas ang chemistry nila niYas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila naman daw ng lahat na ito, kung may inaasam mandaw si Rhian ngayon ay ang magkaroon ng chance to portray a mature role on- andoff-screen.

"Mae-expect ng mga tao na hindi lang sa screen kundi magingsa totoong buhay na mas matured na. Siyempre, mas matured na not on the sensena nagpapa-sexy or anything. Pero siguro, mas may poise?" tawa niya.

Kasama rin ba dito ang pagkakaroon ng mas serious na relationship?

"Naku, siguro aabangan na lang nila kung sino talagaang interested na manligaw, kasi dun lang naman ako puwedeng tumanggap, e,kapag 18 na, di ba?" natatawang sabi ni Rhian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN