Dingdong Dantes"Instead of giving a different meaning to it, sana let's just support each other."

Aug 25, 2008
"Well, ang sa akin lang, alam n'yo, napakaliit ng industriya natin. We should give credit doon sa mga talents na nagkakaroon ng opportunity like with Richard and KC, they have an opportunity to do a movie together. And kami ni Marian, may opportunity rin to do to this kind of show. So sana, instead of giving a different meaning to it, di ba, sana let's just support each other. Konti na nga lang tayo sa industriya, pero gawin nating makulay," says Dingdong

Pagkatapos ng SOP kahapon, August 24, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Dingdong Dantes sa sa GMA compound bago ito dumiretso sa rehearsal nila ni Marian Rivera for their Let's Celebrate, The Dingdong-Marian Birthday Blowout na gaganapin sa Araneta Coliseum, August 27.

Ilang araw pa lang halos mula nang dumating sila mula sa kanilang GMA Pinoy TV show sa New Jersey at masaya nga niyang ibinalita na naging successful naman ito.

"Dalawang araw yung show namin sa New Jersey, pero sa dalawang araw na yun, iba'ti bang groups of Filipinos ang nandoon. Siguro merong umulit, pero konti lang. Maraming tao at sa Jersey City siya mismo. Yung reception, halos pareho rin no'ng sa LA [Los Angeles], although mas marami lang tao sa LA. Kasi yung sa LA, parang Araneta Coliseum ang venue. So, this one is a smaller venue.

"Very convenient din kasi yung hotel namin, tabi lang ng venue. At binigyan din kami ng panahon para makapag-shopping. Kumbaga sa umaga, may oras kami dahil sa hapon lang naman at sa gabi yung event. Kaya ako, yung mga last few days na ako nakapagpahinga," nakangiting kuwento ni Dingdong.

Continue reading below ↓

Dagdag niya, dumating din ang ilan sa mga fans nila na nag-welcome sa kanila ni Marian noong nasa LA sila."

Totoo rin daw na naiwan sila ng eroplanong sasakyan nila dapat, kaya na-delay ng isang araw ang uwi nila. Nagkaroon lang daw ng konting problema, pero naayos din naman.

Doon na raw sila mismo sa airport ng hotel nag-stay. Pareho raw sila ni Marian na nagpahinga at natulog na lang dahil alam nilang pagbalik nila ng Pilipinas, mapapasabak na sila sa sunud-sunod na trabaho.

FREE TICKETS IN DEMAND. Excited na raw si Dingdong para sa Let's Celebrate show nila ni Marian sa Wednesday, at nakapagsimula na sila ng rehearsal. Kahit free ang concert, may policy na no-ticket, no-entry. Ilang tao na rin ang nagsabi sa PEP na nagkaubusan na ng tickets na maipapamigay, pero napakarami pa raw ang nanghihingi at hindi nabibigyan.

Ang ipinamahagi pala noong Monday at Tuesday sa GMA Network ay para sa General Admission na may bilang na halos 2,000 at yung upper at lower box ay naghati-hati na para sa winners sa pa-contest ng show sa radio at sa Dyesebel mismo. Yung iba naman ay para sa mga sponsors ng show na mismong ang GMA-7 ay nagtataka dahil sa interes na ipinapakita ng mga ito na manood at sa dami ng mga tickets na hinihingi.

Continue reading below ↓

Nagugulat din daw ang ilang GMA executives dahil sa maging ilang organisasyon na hindi nila kilala ay tumatawag ngayon at nagre-request ng tickets. Bukod pa siyempre rito ang mga fans nina Dingdong at Marian.

Wala na ring choice ang GMA-7 kundi magbigay ng konting tickets sa mismong stars ng palabas na sina Dingdong at Marian para sa mga personal nilang pinangakuan. Kahit mag-produce man daw ng tickets pa ay hindi maaari dahil wala na rin pupuwestuhan sa Big Dome.

Ang lahat ng ito ay kinumpirma sa amin ni Dingdong nang makausap namin siya. Aniya, "Yung tickets lang talaga, sobra kasing daming sponsors, maraming dapat pagbigyan. Like ako, sa ni-request ko is only 10 percent of what I requested. Si Mommy nga, medyo namomroblema rin ngayon kasi marami rin ang nanghihingi sa kanya. Kahit ako, personally, marami pang nakalagay sa Inbox ko na nanghihingi sa akin at napangakuan ko na rin. Pero wala, hindi ko pa alam kung anong magagawa at kung may magagawa pa ba."

Continue reading below ↓

PRODUCTION NUMBERS. On his part, isa raw siguro sa masasabi niyang puwedeng abangan sa kanya ay ang pagsasayaw ‘tulad nang ginagawa niya noon araw, especially noong member pa siya ng Abztract Dancers.

"Ako kasi, bihira na akong gumawa ng dance number, as in matagal na. Gusto ko rin ibalik yun. Pero this time, ibang klaseng pagsasayaw naman, hindi naman hip-hop. It's something to look forward. Kahit ako, isa ito sa inaabangan ko.

"Pero karamihan, si Marian talaga ang sasayaw. Siyempre kaming dalawa, may mga song numbers kami, a couple of dance numbers. Generally, it's a high-energy show, so masaya ‘to!" lahad niya.

Ayon kay Dingdong, halos lahat ng leading men and leading ladies ng GMA-7 will be there, like Iza Calzado, Diana Zubiri, Alfred Vargas, Marvin Agustin, and Paolo Contis.

CONTROVERSIAL PLAYDATE. Sa likod ng kagustuhan lang nila ni Marian, at maging ng GMA-7, na magpasalamat sa mga loyal supporters nila—mula Marimar hanggang ngayon sa Dyesebel—may isyu pang tila pananabotahe dahil sa pagkakasabay ng opening day ng For The First Time nina Richard Gutierrez and KC Concepcion at birthday concert naman nila ni Marian.

Continue reading below ↓

Anong nararamdaman ni Dingdong tungkol sa controversy?

"Well, ang sa akin lang, alam n'yo, napakaliit ng industriya natin. We should give credit doon sa mga talents na nagkakaroon ng opportunity like with Richard and KC, they have an opportunity to do a movie together. And kami ni Marian, may opportunity rin to do to this kind of show. So sana, instead of giving a different meaning to it, di ba, sana let's just support each other. Konti na nga lang tayo sa industriya, pero gawin nating makulay," pahayag ni Dingdong.

Tinanong din namin si Dingdong kung manonood ba sa birthday show nila ang director nila ni Marian sa Dyesebel na si Bb. Joyce Bernal, na incidentally ay siya ring direktor ng For The First Time.

"Hindi ko pa alam. Hindi pa kami nagkakausap. But definitely, we will support their movie," sabi ni Dingdong.

Sa palagay niya ba ay siya ang sentro, o pinanggagalingan ng mga intriga, tungkol sa bintang na pananabotahe dahil sa sinasabing kumpetisyon sa pagitan nila ng itinuturing naman niyang kaibigan rather than rival na si Richard?

Continue reading below ↓

"Ako, hindi...hindi talaga. Actually, wala naman kaming kinalaman diyan. Maraming factors involved. Nandiyan ang Araneta Coliseum, ang GMA. Basta kami, we will just do our best on that event and we are also looking forward to their upcoming movie," saad ni Dingdong.

Sa lahat ng mga intriga kay Dingdong, hindi maikakaila na inuulan pa rin siya ng blessings. Heto nga't napabilang siya sa listahan ng E! Television ng 25 Sexiest Men of the World. Ano ang masasabi niya sa lahat ng ito?

"Kasi, nirerespeto ko naman ang ginagawa ko and I love my work. At kung anuman ang dumarating na ganyan, I know naman how to deal with things because the truth shall always set you free. Kung ano ang tama, kung ano ang totoo, doon ako and I will always stick to what I believe in," pagtatapos ni Dingdong.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Well, ang sa akin lang, alam n'yo, napakaliit ng industriya natin. We should give credit doon sa mga talents na nagkakaroon ng opportunity like with Richard and KC, they have an opportunity to do a movie together. And kami ni Marian, may opportunity rin to do to this kind of show. So sana, instead of giving a different meaning to it, di ba, sana let's just support each other. Konti na nga lang tayo sa industriya, pero gawin nating makulay," says Dingdong
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results